Scholarship
I'm currently wiping the tables and fixing the chairs. Kailangan kung bilisan dahil pupunta pa akong university para makapag-exam for scholarship.
After cleaning, I immediately change my clothes and fix my messy hair. "Ma'am, alis na po ako!" sabi ko ng matapos na akong makapag-ligpit at makapag-palit ng damit.
"Okay sige, Claire. Ingat ka!" agad na akong lumabas at naghintay ng masasakyan.
Yes, I'm working. Full-time employee ako sa Coffee Shop, at the age of 19 years old kinailangan kung na magtrabaho. I'm not like the girls out there who only knows to enjoy and party. May responsibildad akong nakapasan sa likod ko.
Actually halos wala pa akong tulog dahil kakalabas ko lang sa trabaho at hindi na ako nag-abala pang umuwi sa bahay dahil baka mahuli pa akong pumunta sa school na gusto kung pasukan.
Hindi ko dapat palampasin ang pagkakataon na ito, sayang ang scholarship. Ayoko na ding makitang naghihirap si Lola para makahanap ng pera para samin.
"Hay salamat, nakaabot pa ako!" hinihingal kung sabi at pumila. Maaga pa kaya kakaunti pa lang ang tao. Katulad ko 'din sila na gustong makakuha ng scholarship sa malaking school na'to.
Pumasok na kaming mga magti-take ng exams sa room at hinintay ang magbibigay sa amin ng exam. I'm damn nervous right now. Sakto na ba lahat ng na-review ko? Papasa ba ako?
A woman in teacher attire enter the room. "Good morning. Here are your exams. No cheating please, one hour per subject. Good luck future students of Bangtas State University!" binigay na samin ang exam at agad ko ng sinagutan. Lord, help me!
Finally, natapos ko na 'din yong exam. I gave all my best para masagutan ang exam.
Sana makapasa ako para makatulong man lang ako kahit papaano kay Lola at para matupad ko ang mga panagarap ko. Gusto ko talagang makahanap ng magandang trabaho para masulian si Lola sa lahata ng ginagawa niya sa akin. Kung wala si Lola, malamang wala na din ako.
Hay, grabe pagod na ako. Gusto na 'ding umuwi para makapagluto ng makakain namin ni Lola at para makatulog na 'din.
Sa paglalakad ko mas nakita ko kung gaano kaganda ang school na 'to. Ang laki, ang gaganda pa ng bawat rooms! Ang gara tignan ng paligid, grabe! Kaya isa 'to sa mga dream school ko, magaganda din kasi yung mga offers dito.
I was about to leave pero may biglang tumawag sa'kin. "Hoy Claire Joy Marquez, hintayin mo'ko!" agad akong napalingon sa tumawag sa"kin. Si Jai lang pala. Jairah Shane Agustin, bestfriend ko.
Hinihingal siyang lumapit sa'kin. "Galing kang marathon sis? Hahaha!" pang-aasar ko sa kaniya. Agad niya akong inirapan. "Kanina pa kaya kita hinahanap. Anyway, kumusta iyong exam? Paniguradong success 'yan!" sabi niya sabay kapit sa braso ko.
"Sobrang kinakabahan talaga ako kanina, hindi ko alam kung papasa ba ako o hindi!" sabi ko kay Jai. "Oh, bakit ka pala nandito ngayon? Hindi mo naman na kailangan ng scholarship, ang yaman-yaman mo na hoy!" pang-aasar ko sa kaniya.
"Bakit ka naman kakabahan? Ang galing-galing mo kaya. Tsaka kasama mo ako mag-review, nakita kung sobrang dedicated ka para makapasa sa university na 'to..." Pagpapa-gaan niya ng loob sa akin. "And, I was so bored. Kaya naisipan kung puntahan ka dito dahil alam kung magte-take ka ng exam dito. At biglang naiisa mong napaka-gandang bestfriend, I'm here to support you!" she even flip her hair kaya napatawa ako ng sobra.
I just really love this girl!
"Thank you my beautiful bestie. The best ka!" sabi ko at mas lalo pa siyang napangiti. "At dahil nga the best ako, ililibre kita ng lunch. Celebration natin dahil you successfully take the test and because I'm pretty." Mukhang nag-enjoy na sa mga compliments ko ha? Ang loka-loka!
"Thank you for supporting me Jai, but I have to go home na. Hindi pa ako nakakatulog at malamang sa malamang hinahanap na ako ni Lola dahil anong oras na din." Napahikab ako, hay nakakapagod 'tong araw na 'to!
"Hay nako Claire mukha nga. Magpahinga ka nalang muna ngayon. Next time nalang tayo okay?" I nod. Gosh. I have the best friend ever!
"Yes Ma'am!" sumaludo ako sabay tawa.
"Loka-loka ka talaga ever! Ahm... gusto man kitang ihatid, pero nagmamadali na 'din akong umuwi dahil kasal ng pinsan ko ngayon. Aayusan na sana ako, pero tumakas lang ako." Itong babaeng 'to walang magawa sa buhay. Pero salamat sa kaniya dahil medyo gumaan ang dibdib ko. I should stop thinking negative things. Magtiwala ka sa sarili mo Claire!
"Ikaw yata ang mas loka-loka sa'tin e. Sige na bumalik kana 'don. Kita nalang tayo pag day-off ko. Ingat ka." ngumiti ako sa kaniya. "Ingat ka din ha? Kamusta mo nalang ako kay Lola Tesa, sabihin mo namimiss ko na yung suman niya..." tugon niya.
"Sure. Sige na sakto may tricycle na din. Bye!" kumaway ako sa kaniya bago ako pumasok sa tricyle.
Pumunta muna ako sa palengke para mamili ng ilulutong ulam at mga pwedeng i-stock sa bahay. Nakarating na din ako sa bahay. Agad akong nagluto para samin ni Lola at pagkatapos ay nagpahinga na rin ako.
Lord, sana makakuha ako ng scholarship...
-
Hello guys. This is the edited version of my Chapter 1. The first one I posted is kinda lame so I added more. I promise to create more exciting and interesting chapters. Keep safe, thank you! <3
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...