Chapter 30

15 3 0
                                    

Why?

Hindi ko nalang siya pinapansin habang nagpa-practice kami. Pero minsan hindi lang talaga marunong makisama 'yong puso ko kasi grabe ang bilis ng tibok...

I really don't know why pero ang bilis talaga!

Sa bawat paglalapit at hawak namin sa isa't isa ay nagkakagulo na 'yong nararamdaman ko. Masyadong magulo at mainit...

"1, 2, 3.. Yes 'yan tama. Fierce, more more!" sigaw na paalala sa amin ni coach habang sumasayaw kami. 

We dance hard just like how our coach wanted. Pero hindi ko na pala namalayan ang mga hakbang na ginawa ko. Nagkamali ako at natapilok. Sobrang sakit kaya bigla akong napa-upo at hinawakan ang paa ko at napakagat sa labi ko para pigilan ang sakit.

Tumigil naman kaagad si Aaron ng nakita niya akong nakaupo na sa sahig, hinawakan niya ang paa ko at sinuri kung saan ba ang masakit. Hinihilot-hilot niya ng marahan ang parte ng paa kung tinuro kung masakit.

Tinignan ko lang siya at pinipilit ang sarili kung 'wag umiyak. Gosh, ang sakit talaga. Ang lampa ko!

Agad na tumigil ang tugtog at sunod-sunod na dinaluan ako ng mga kasama namin.

"Are you okay, Claire?" tanong ni coach habang sinamahan din si Aaron na tignan ang paa ko.

"Yes po..." bulong ko.

"Huwag ka na munang sumali sa practice, take this time para makapagpahinga ka at mapagaling mo 'yan. Hindi naman gaano kagrabe ang nangyari..." sabi ni coach kaya tumango ako.

Tinulungan akong tumayo ni Aaron at pinaupo sa gilid. Nagsimula na sila ulit mag-practoce pero si Aaron narito pa din sa tabi ko. I get it, wala pa siyang partner pero bakit sa tabi ko pa dapat siya umupo. May amnesia ba siya? Parang kanina lang nagsagutan na naman kami!

"Are you sure that you're okay?" mahinang tanong niya. Tinignan ko siya at nakita kung nakatingin siya sa paa ko. 

"I'm okay..." sagot ko naman. 

Naubo ako, medyo natutuyot na pala ang lalamunan ko dahil sa practice kanina. Nasaan na ba 'yong bag ko?

Nilingon ko 'yong pinag-upuan namin ni Brielle, tama nga ang hinala ko dahil nandoon nga ang bag ko. Pero masakit pa din talaga ang paa ko kaya hindi ko makuha 'yon. 

Nagulat ako ng biglang umalis sa tabi ko si Aaron at pumunta doon sa puwestong pinag-upuan namin ni Brielle at kinuha ang bag ko.

What? Napansin niya ba na naiinom ako? Kanina niya pa ako tinitignan?

"Here..." abot niya sa akin ng bag ko. Tinignan ko 'yon at kinuha. 

Nakayuko ako habang hinahanap ang tubig na dala ko. Bakit siya ganon... bakit niya ba ginagawa 'to? Kanina, tinulungan niya ako. Tapos hindi siya umaalis sa tabi ko, wala akong sinasabi pero siya na ang gumagawa para sa akin...

Naguguluhan na naman ako... hindi naman niya ginagawa 'yon sa kahit sino. Kilala siya biglang seryoso, tahimik at mahirap lapitan. Pero bakit siya ganon sa'kin?

Is it because he feel sorry or because he still playing his game?

No... no. Hindi na pwedeng maulit. Hindi dapat ako magpapaniwala sa mga ginagawa niya para sa akin. I can't trust him, I can't trust Aaron. Not again...

"Why are you doing this, Aaron?" hindi ko mapigilang tanong. Seryoso ko siyang tinignan. Medyo umawang ang labi niya at tila ba nagulat sa biglaan kung pakikipag-usap ko sa kaniya.

"Parte pa din ba 'to ng larong ginagawa mo? Hindi ka ba tapos? Hindi ka pa ba masaya? Kulang pa?" frustrated kung tanong.

"Really, Claire? Hindi ba talaga magbabago 'yong tingin mo sa akin? Hnggang ngayon ba gago pa din ako sa'yo? Para sa'yo ba wala pa din akong pinagbago? Hindi ba pwedeng nag-aalala lang ako sa'yo kaya ko ito ginagawa..." puno ng emosyon niyang sabi.

I get it, kahit sino naman sigurong makita niyang nasaktan sa harap niya ay tutulungan lang pero natatakot lang ako. Hindi ko na din alam kung magtitiwala pa ba ako ako o hindi na...

Hindi mo ako masisisi Aaron, nasaktan din lang naman ako...

"Hindi ko alam, Aaron," mahina kung bulong pero sapat na para marinig niya. "Ang gusto ko lang hindi ka na makita ni makausap man lang. Nakakapagod.. nakakatakot. Ayoko ng ganitong nararamdaman," tumingin ako sa kaniya habang pinipigilan ang luha kung nagbabadyang tumulo. 

"Why can't you let me explain, Claire?" nagsusumamo niyang tanong.

"May mababago ba kung hahayaan kitang sabihin sa akin ang mga dahilan mo? Kaya ba niyang tanggalin ang lahat ng bigat at sakit na dinadala ko sa dibdib ko ngayon? Sabihin mo Aaron kasi hahayaan kita.. nahihirapan na din kasi ako," pagod kung sabi.

Napabuntong hininga siya at seryosong tinignan ang mga mata ko. "Hindi ko kayang nakikita kitang nasasaktan lalo na't dahil sa'kin, Claire... kaya kung ang pag-iwas ko lang ang paraan para hindi ka na umiyak at masaktan, gagawin ko. Iiwas ako sa'yo kahit labag sa loob ko..." 

Sa huling pagkakataon tinignan niya ako. Sinuri ang mukha ko. Ngumiti siya sa akin gaya ng mga ngiting ibinibigay niya tuwing magkasama kami. Na para bang sobrang saya niya. 

Ang ngiti mo... ang mga ngiting lagi kung aalalahanin, Aaron. Sorry kung sobrang hina ko, sorry kung hindi ko pa kayang makinig sa lahat ng paliwanag mo. Pasensiya na talaga...

Pero salamat sa lahat ng alaalang nagawa natin ng magkasama... Salamat sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ulit kasarap sa pakiramdaman ang sumayaw..

Makalipas lamang ng ilang segundo ay tumayo na siya at naglakad na palabas ng gymnasium. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa hindi klo na makita ang likod niya..

Maybe someday, kapag wala ang sakit kaya ko na...

Hinintay ko nalang matapos ang practice at para makasabay na sa kanila pag-uwi. Agad na lumapit sa akin si Brielle dala-dala ang bag niya at inalalayan ako sa pagtayo. Nagsimula na kaming naglakad papuntang gate.

"Anong pinag-usapan niyo ni Kuya Aaron kanina?" tanong ni Brielle.

"Wala naman..." pagsisinungaling ko.

"Talaga?" tumango naman ako. "Mukha kasing ang seryoso ng pinag-uusapan niyo e," umiling nalang ako at iniba ang topic namin.

"Brielle, kahit hanggang dito mo nalang ako sa gate. Ako nalang maghihintay ng masasakyan ko," sabi ko.

"Are you sure? Pwede naman kitang samahan or kahit ako nalang ang maghatid sa'yo sa bahay niyo..." nag-aalala niyang suhestiyon.

Umiling naman ako kaagad. "Hindi na.. ayos na ako dito. Mukhang nandyan na 'yong sundo mo." turo ko sa sasakyang mukha nag-aabang sa kaniya. Mukhang tama nga ang hinala ko dahil hindi naman niya itinanggi. "Sige na pumunta kana don, promise okay na ako," nginitian ko siya para mapanatag ang loob niya.

"Okay okay.. basta mag-ingat ka ha? Tapos i-warm compress mo yan para hindi na mamaga pa." tumango naman ako."Sige na una na ako, bye. See you bukas!" nginitian ko siya at kumaway sa kaniya pabalik.

Pagkaalis ng kotse na sinasakyan ni Brielle ay nawala na agad ang ngiti sa labi ko. Hindi din nagtagal ay nakapara na ako ng tricycle na pwede kung sakyan pauwi.

Sa oras na makatapak at makaupo ako sa sinasakyan ko ay agad na nagsitulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Inaalala ko ang mga nangyari kanina. Kanina ko pa tinatanong sa sarili ko kung tama ba ang desisyon na ginawa ko? Kung masaya ba ako dahil sa wakas ay iiwasan niya na din ako?

Matagal ko naman na talagang hinihiling na hindi ko na sa makita at makausap, di'ba? Pero bakit ako umiiyak ngayon? Bakit ako nasasaktan?

Bakit pakiramdam ko sobrang malulungkot ako kapag siya na mismo ang iiwas sa akin? Bakit?!

Naguguluhan na ako... napahawak ako sa dibdib kung naninikip na at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit ganito?!

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon