Weird
Halos isang linggo na rin ang makalipas ng nakapag-take ako ng exam sa Batangas State University, pero wala din akong natatanggap na message or email na nakapasa ako sa exam at magkakaroon na ako ng scholarahip.
I'm starting to lose hope. Kahit sa ibang universities na pinuntahan ko wala pa din, hindi naman sapat ang ipon ko para pambayad ng tuition kung sakaling wala na akong choice kundi sa private mag-aral.
"Claire, get back to yourself now. Marami tayong customers oh? Hindi ito ang tamang oras para magmuni-muni ka dyan." agad akong napayuko. "Sorry po, Ma'am" itinuloy ko na ang aking trabaho. Claire, umayos ka nga. Hindi mo dapat dalhin sa trabaho ang mga problema ko. Tsaka think positive lang!
Sa wakas natapos na din ang shift ko. Nakakapagod dahil sa dami ng customers na kailangan kung kunin at bigyan ng mga orders nila. Kailangan ko talagang mag-trabaho, para sa pang araw-araw namin ni Lola, mga gamot niya at para sa pag-aaral ko.
Para mas makatipid ay naglakad nalang ako, tinitiis ko nalang 'yong sakit ng paa ko. Sa una talagang sobrang hirap, minsan gusto nalang ng katawan ko humiga magdamag pero kalaunan ay nasanay na din ako sa ganon. Hindi din naman magtatagal matatapos din 'to, maahon ko sa hirap ang buhay namin ni Lola.
Pero ngayon mukhang uulan pa. Kung minamalas ka nga naman oh! May kalayuan pa naman 'tong coffee shop sa apartment na tinitirahan namin ni Lola.
Tinignan ko 'yong dala kung bag kung meron akong dalang payong, pero sa kasamaang palad at wala akong dala. Lumakas ng lumakas ang ulan kaya wala akong choice kundi tumakbo nalang may malapit na waiting shed.
"Ano ba naman 'to oh? Bakit ang malas-malas ko ngayon? Hindi pa ako nakakatanggap ng message kung nakapasa ba o hindi, napagalitan pa ako sa trabaho ngayon uulan pa!" mangiyak-iyak na sabi ko. Grabe sa akin yung fate ha, kaloka siya!
"Shhh... too loud!" agad akong napatingin sa lalaking nagsalita sa tabi ko.
"Ay hala may tao pala dyan! Sorry po kuya hihi..." yumuko ako. Hindi ko makita 'yong mukha niya, naka-hoodie na nga siya tapos naka-sumbrero pa, bahgya din siyang nayuko habang nakapamulsa.
Gosh, baka naman magnanakaw to? Rapist? Kidnapper? Hala, hindi healthy ang atay ko at wala ding laman na pera ang wallet ko!
Napatigil lang ako sa pag-iisip ng bigla siyang nagsalita. "Obviously I'm a human, alive and kicking." Ay pak, attitude si Kuya! Tsaka English speaking pa, malamang 'di to magnanakaw. Napahinga ako ng maluwag!
"What's with that sigh?" tanong niya.
"Akala ko kasi holdaper ka. Pero mukhang hindi naman kaya napahinga ako ng maluwag. Wala akong pera no! Ang dami-dami ko pang problema, 'yong pagkain namain para sa susunod na lingo, 'yong pambayad naming sa kuryente at tubig. 'Yong gamot pa ni Lola.... tsaka 'yong hinihintay kung text kung natanggap ba ako sa school na pinagkukuhanan ko ng scholarship..." pagdra-drama ko.
"Really? Me? Holdaper?" hindi makapaniwala 'yong mukha niya. "Eh... ano kasi, yung outfit mo parang pang holdaper kaya naisip ko na---"
"Shhhh... tama na nga! Ang ingay-ingay na nga ng ulan sasabay ka pa!" Grabe 'tong lalaking 'to. Hindi ko siya keri!
"Grabe ka Kuya ha, ang sama mo. Kung ayaw mo ng maingay, edi umalis kana rito!" umirap ako sa kaniya. Iyong inis ko mukhang sa kaniya ko mailalabas ha? Kasi naman ang sama-sama na nga araw ko, tapos ang sama pa ng ugali nitong lalaking 'to. Sana hindi ka magka-girlfriend!
"Who are you to command me?" seryoso niyang sabi. "At tsaka teka nga lang, sayo ba 'tong shed na 'to para paalisin ako dito miss?" sabay tingin sakin ng masama.
Kaya nga naman, Claire! Wala naming sa akin dito, hindi naman ako ang nagpatayo dito. Ikalma mo Claire.
"A—ano, hindi!" mahina kung sabi. Napahiya ako 'don.
"Stupid!" gusto ko pa sanang sagutin itong lalaking 'to, pero mas pinili ko nalang manahimik. Ilang minuto ding walang nagsalita sa'min. Mabuti nalang maingay iyong ulan. I can't wait to leve this place and leave this mayabang na lalaki!
Nabasag lamang ang katahimikan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya agad kung tinignan. Nawala lahat ng inis ko sa katawa ng nakita ko ang message na natanggap ko.
From: Batangas State University
Good day! Congratulations Miss Claire Joy Marquez you had passed the test. You are now officialy enrolled at Bangtas State University.
For more information, click this link: https://batangasuniversity.com
Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. "Yes! Yes! Yes! Sa wakas. Thank you Lord!" Nagtatalon ako ng nakita ko na nakapasa ako. Natanggap ako, finally!
Agad napatingin sakin ang katabi ko. Siguro he find me weird, pero wala na akong time para makipag-away sa kaniya. Sobrang saya ko!
"Weird woman" lumayo siya sa'kin ng bahagya. Nginitian ko lang siya at paulit-ulit na binasa 'yong text na natanggap ko.
Tumila na din ang ulan. Bago umalis 'yong lalaki he look at me and give me *ang-weird-mo-look*. Gusto ko sanang sigawan siya na "Hindi ako baliw. Wala akong sakit kuya hoy!" Feeling ko kasi ganon 'yong tingin niya sakin. Bahala nga siya.
Umuwi na din ako, habang naglalakad nga patalon-talon pa ako, tsaka ngumi-ngiti pa. Claire, ito na ang simula. Unti-unti mo ng maabot ang lahat ng mga pangarap mo.
Batangas State University, here I come!
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...