Help
Walang nagsasalita sa amin. Hindi siya nagtanong kung bakit ako umiyak, hindi siya nagtanong. Sinamahan niya lang ako.
"You have work, right?" nabasag ang katahimikan naming ng bigla siyang nagtanong.
"A-ah, oo pero nagsabi naman na ako na hindi muna ako makakapasok ngayon..." Tumango siya. I just can't do anything right now, sobrang napanghihinaan na ako ng loob.
We're just walking. Hanggang sa napunta kami sa park, 'yong pinag-practican ko dati bago ako niligtas ni Aaron mula sa mga lasing na lalaki. Umupo ako sa bench kaya tumabi siya sa akin.
"I don't know why you are always there when I need to be save, dalawang beses na Aaron. Salamat talaga..." I sincerely said while looking at him while holding back my tears.
Pareho kaming nakatingin sa langit. Sabay na pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Ang ganda, sobra. Panigurado isa sa mga 'yan sila mama at papa.
"Dahil ba 'to sa nangyari kanina?" hindi na siguro siya nakapagpigil naitanong niya na. Tinignan ko siya at pilit na ngumiti.
"Hayaan mo na, tama naman sila. Tanggap ko..."
"Pero, hindi -" pinutol ko na agad ang dapat na sasabihin niya. "Ayos lang talaga, promise..." wala siyang nagawa kundi tumango at hindi na ulit nagtanong.
Ma, Pa.. yakapin niyo po ako please? Kailangan ko ng yakap niyo, sobrang napanghihinaan na ako ng loob.
"Ang ganda ng langit..." pagbabasag ko sa katahimikan. Tumango siya at tinignan ako, sinalubong ko ang tingin niya at nginitian ko siya.
"Masaya kaya 'don? Panigurado nange-enjoy sila mama at papa doon," nanlaki ang mata niya at nakitaan ko ng awa ang paraan ng pagtingin niya sa'kin.
Huwag mo akong tignan ng ganyan please!
"I'm sorry for your loss, I don't want to ask why kasi baka mahirapan ka lang. Pero masaya sila panigurado, pero hindi sila matutuwa kung nakikita nila 'yong anak nilang nahihirapan..." dahil sa sinabi niya napayuko at ako at umiyak na naman.
"Hindi ko na kasi alam kung ano pang dapat kung gawin, sinabi ko naman sa sarili ko na kakayanin ko pero kahit na totoo naman 'yong sinasabi nila, pero ang sakit pa din," tuloy-tuloy na sabi ko habang umiiyak.
"Alam mo naman sigurong ganon talaga, di'ba?" tumango-tango ako. "Kailangan mo lang tanggapin 'yong mga sinasabi nila, at ipakita mon a kaya mong i-improve 'yong sarili mo..."
"Pa—paano? Ginawa ko na lahat e, pakiramdam ko hanggang doon nalang ako,"
"Tutulungan kita..." nanlaki ang mata ko at agad na tumingin sa kaniya. Seryoso ba? Aaron Daze Alejandro is willing to help me!
"Really? Tutulungan mo ako?" hindi ko mapaniwalang tanong. Tumango siya, "Oo, tutulungan kita..."
"You don't have to. Pero salamat talaga sa tulong mo, Aaron..." I really misunderstood Aaron, akala ko ang alam niya lang ay gumawa ng kalokohan.
"I don't have to? Meaning I don't need to help you?" nang-aasar niyang sabi. Agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.
"Ang sama mo sa'kin ha!" hampas ko sa braso niya.
"I was just kidding, I'm always willing to help you, Claire..."
Aaron really do what he promise. Sinasamahan niya ako sa oras ng practice ko, binibigyan niya ako ng tips kung ano at paano ang dapat na gawin. Tinuturuan niya din ako ng ibang steps kapag wala na akong maisip na pwedeng ilagay.
Sa ilang linggo naming magkasama naging close na din kami ni Aaron. 'Yong dating nangyari sa amin ay naayos na. Nakahinga na kami ng tawad sa isa't-isa. Pinagtatawanan at pinang-aasar nalang namin sa isa't-isa ang mga nangyari noon.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...