Chapter 24

15 2 0
                                    

Kiss

Naglalakad na ako ngayon papunta sa gymnasium, ngayong araw kasi ang simula ang pagpa-practice namin para sa competition. 

Panibagong sakit ng katawan na naman 'to!

"Claire!" napalingon ako ng may biglang tumawag ng pangalan ko. Si Axel pala. "Hintayin mo ako, sabay na tayong pumunta sa gymnasium..." nginitian ko siya at tumango. Hinintay ko siyang makalapit sa'kin.

Dali-dali siyang tumakbo palapit sa akin, kaya ang nangyari ay hingal na hingal siyang nakarating sa harap ko.

"Hindi mo naman kailangang tumakbo, hindi naman tayo nagmamadali. Sandali, may tubig yata ako dito," sabay halungkat sa bag ko. Inabot ko na sa kaniya 'yong tubig at agad namang niyang ininom.

"Thank you dito, Claire... bakit ganon ang sarap ng tubig mo?" pagbibiro niya kaya naman natawa ako. 

Paniguradong namumula na ako ngayon, ganiyan pa lang ang sinasabi niya pero kinikilig na ako? Ang landi mo, Claire Joy!

Tama, si Axel talaga. Siya ang laging nagpapangiti sa'kin, nagpapagaan ng loob ko at nagpapakilig sa'kin, hindi si Aaron. Kaya dapat hindi na ako maguluhan.

Dahil kung may magugustuhan man ako, si Axel lang.

"E-ewan ko ba sayo Axel, normal na tubig lang 'yan. Tara na nga, maglakad na tayo..." pagpapalit ko ng topic. Tumango naman siya at sabay kaming naglakad, panay kami tawanan habang naglalakad. For sure, marami nang tumitingin.

Pero, pareho kaming walang pakealam ni Axel doon, para bang kami lang dalawa ang naririto... pakiramdam ko walang taong mga nakatingin. 

Nakatingin ako sa kaniya, at ganoon din siya sa akin. 

Tinitigan ko siyang mabuti, napaka-ganda ng mga ngiti niya. Ngiting ako ang dahilan... ako nga ba? Sabihin mo sa'kin, Axel. Ano nga ba tayo? Bakit mo pinaparamdam sa'kin ito?

Pinipilit ko naman talagang itigil at layuan siya pero mahirap. Kasi kusa akong dinadala ng mata ko sa kaniya, ang hirap ng tignan lang siya ng malayo. Gusto ko na lagi kaming ganito, lagi ko siyang kasama. Naririnig ko ang boses niya, at nakikita ko ang mga ngiti niya.

Natatakot ako, pero gusto kung sumugal. 

Hindi ko alam kung anong kahihinatnatan nito, pero gusto ko ng sabihin sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko. Gusto kung malaman niyang gusto ko siya. Para hindi na ako naguguluhan tuwing nakikita ko si Aaron.

Aamin na ako.

Pero bago pa man kami makapasok sa loob ng gymnasium ay agad ko siyang tinawag para tumigil kami sa paglalakad.

"Axel..." panimula ko, lumingon siya para harapin ako. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko, agad ko 'yong itinago sa likod ko. Kumalma ka, Claire.

"Bakit, Claire?"

"A-ah... may gusto akong sabihin sa'yo," 

"Hmm, ano 'yon?" 

"Ka-si, ano... Axel, hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Hindi ko din alam kung kailan ko 'to naramdaman. Axel, gu---" napatigil ako ng biglang tinawag ni Aaron si Axel.

"Dude, anong ginagawa niyo dyan? Pumasok na tayo." saad niya sabay tapik sa balikat ni Axel. Nagtataka siyang tumingin sa akin pero naiinis akong tinignan siya.

Panira siya ng moment, nandon na e. Sasabihin ko na, sayang 'yong kaba ko kanina!

Tinignan ko ng masama si Aaron, hindi ko na naituloy 'yong dapat kung sabihin dahil pumasok na kami ni Axel sa loob.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon