Temper
It is Saturday. Gumising ako ng maaga dahil may trabaho ako ngayon sa coffee shop. Naglinis muna kami at inayos ang mga upuan.
Habang nag-aayos kami naalala ko na naman ang sinabi sa akin ng coordinator.
"Wala ka bang kayang gawin ha? Wala ka bang talent? Puro biro nalang ang alam mo?"
"Sorry to say this Miss, but you will join the competition whether you like it or not. Face the consequences that you made!"
I just I'm useless, takot, walang talent at marami pa. Hindi ko lang talaga magawa ulit, pakiramdam ko hindi ko binibigyang halaga ang pagkamatay nila Mama at Papa.
I'm so sorry Ma, Pa, I can't make you proud. I can't give everything you want.
Hindi ako sasayaw ulit kung 'yon ang makakapag-pabalik sa inyo dito sa tabi ko. Gusto ko na kayong ulit mayakap.
"Claire? Ayos ka lang?" nabalik ako sa ulirat ng tinanong ako ni Mateo.
Nagpilit ako ng ngiti, "Salamat sa pagtatanong, pero ayos lang naman ako. May iniisip lang, balik na tayo sa trabaho..."
"Sigurado ka?" tumango ako. "Sige, pero kapag may problema ka, nandito lang ako. Handa akong tumulong," bakit baa ng babait ng mga taong nakapaligid sa akin? Hindi ko sila deserve!
Matagal ng nagtra-trabaho si Mateo dito sa coffee shop, halos kasing-edad ko lang kaso napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Pero saludo ako sa kaniya kasi sobrang pursigido siyang maka-ipon at maka-balik ulit sa pag-aaral.
Hindi man kami magkakilala at napakalapit na ng loob natin sa isa't-isa. Sa unang linggo ko sa shop ay isa siya sa mga una kung naging kaibigan, ang bait niya at laging handang tumulong. Parang kapatid na ang turing naming sa isa't-isa.
Lunch time na naming at sabay-sabay kaming apat na naglakad sa malapit na carenderia sa shop. May dala naman na kaming kanin kaya ulam nalang.
"Ang tumal ng benta ngayon no?" saad ni Maggie.
"Oo nga, Mag. Ang pinupunta lang yata ng mga estudyante don ay wifi.." pabirong sabi ko.
"Kaya nga. Dapat kailangan mag-order muna bago sila gumamit ng wifi. Malulugi tayo!" dagdag ni Mateo. Natawa kami sa sinabi niya.
Totoo naman kasi, kaya nga minsan nakakainis na din. Kumukuha man sila ng order ay paisa-isa lang, pero wala naman kaming magagawa.
"Anong bibilhin niyo ulam? Ako na ang kukuha..." sabi ni Mateo.
"Menudo nalang at libreng sabaw ang akin," sabi ni Clea sabay abot ng pera kay Mateo
"Ang akin, chopsuey at libreng sabaw," saad naman ni Maggie.
"Ano ang sayo Claire? Ako na ang magbabayad.." agad akong umiling sa sinabi ni Mateo. "Tumigil ka nga dyan, ako na ang magbabayad ng akin Mateo.."
"Hoy ikaw Mateo, napaka-daya mo kami ba hindi mo aalukin?" pagtataray ni Clea.
"Oo nga Mateo, puro ka Claire ha! Kasama mo din kami, ilibre mo din naman kami!" pagdadag ni Maggie.
"Tumigil nga kayong dalawa dyan, nandito na ang mga bayad niyo oh.." pagpapakita ni Mateo ng mga inabot nilang pera kanina.
"Edi ibalik mo yan sa'min, ilibre mo na kami.." sabi ni Maggie at sumang-ayon din si Clea.
"Bawal, wala ng bawian!" bago pa man makapag-salita ang dalawa umalis na si Mateo at pumili ng ulam.
"Nakakainis 'yang si Mateo ha, ang unfair porket may gusto siya sayo ganon na siya agad!" inis na sabi ni Clea.
Anong gusto ako ni Mateo? Parang magkapatid lang ang turing naming sa isat't-isa.
Umiling agad ako, "Kayo ha, ma-issue. Para lang kaming magkapatid ni Mateo.."
"Ewan ko ba sayo Claire, maganda ka naman pero medyo tanga ka minsan..." napatawa silang pareho. "Kapatid ba 'yong ganyan? Para ngang nanliligaw eh."
"Tumigil nga kayo, nilalagyan niyo kasi ng malisya 'yong ginagawa ni Mateo sa akin.." hindi na sila sumagot, pero tinignan nila ako ng nakakaloko.
Imposible na magustuhan ako ni Mateo, imposible talaga!
Dumating na si Mateo at agad na din kaming kumain. Kung ano-ano ang mga pinag-uusapan nila, mabuti nalang ay hindi na nila pinag-usapan 'yong tungkol sinasabing gusto ako ni Mateo. Pagkatapos ay bumalik na kami sa shop, at bumalik na sa kaniya-kaniyang trabaho.
"Claire, ikaw kumuha ng order ng bagong dating na customers, may ginagawa pa kasi ako..." Tumango ako at tinignan ko ang bagong dating na customers.
My day is almost perfect, pero nasira na ang lahat ng nakita ko si Aaron kasama ang kaibigan niya.
Wala naman akong ibang magawa kundi lapitan sila at kunin ang mga orders nila. Mabilis lang 'to Claire, kaya mo yan!
"Good afternoon, Sir," nginitian ko 'yong mga kasama niya except siya syempre. "Kunin ko na po 'yong order niyo..." sinabi ko at handa na akong ilista ang mga kukunin nila.
Madali ko lang nakuha ang mga orders ng kasama niya, pero sila hindi pa siya nagsasabi ng gusto niyang kunin. Busy siya nagce-cellphone.
"Sir ano pong order niyo?" I said in the most polite way that I know. Ayokong tarayan siya, customer ko pa din siya. Ayoko ng panibagong gulo.
Kinalabit ni Diego si Aaron. "Bro, order mo daw.." agad niyang binalingan ng tingin si Diego at mabilis niya din akong tinignan. "Isang Iced Americano.." sinulat ko nalang ang sinabi niya.
"Anything else, Sir? What about our pastries? Masasarap po 'yon!" pag-aalok ko.
"I just say one Iced Americano, 'yon lang ang kukunin ko," masungit na sabi niya. "Dapat inaayos mo 'yong pandinig mo para hindi ka nakakasayang ng oras.." pabalang niyang sabi.
"Sir, wala pong problema sa pandinig ko, ginawa ko din po ng maayos ang trabaho ko," seryoso ko siyang tinignan "Pwede niyo naman pong tanggihan kung ayaw niyo, 'wag po sana kayong bastos!" I try my best not to sound mad, but I just can't!
Nakakulo na talaga ng dugo 'tong lalaking 'to. Hindi ko na kaya!
"Really? Ako pa 'yong bastos ngayon? Hindi ba ikaw, kasi ganito yung trato mo sa customers mo? Hindi ka ba tinuro sayo na customers are always right?" mayabang sabi niya.
"Tinuro at alam ko po 'yan Sir, pero hindi naman ako papayag na babastusin niyo kami dahil lang sa customer naming kayo!" galit kung sabi. Naramdaman kung hinawakan ni Maggie ang braso ko, at nilayo ako sa table nila Aaron.
"Tama na Claire, hayaan mo nalang. Ako nalang ang bahala..." sabi ni Maggie at lumapit 'don sa table nila.
Napakuyom ako ng kamao, hayaan? Napakasama ng ugali ng lalaking 'yan, nagtimpi naman ako e. Hinayaan ko noong una kahit na nakakasakit na siya. Kahit na sobra akong nahihirapan dahil sa ginagawa niya, pero hindi nama tama na hahayaan ko nalang siyang paulit-ulit na gawin niya sa'kin 'yon.
Hindi ko siyang hahayaan na gawin sa akin 'yon, hindi ako papayag!
"I'm so sorry Claire, sorry kung ganon 'yong ugali ni Aaron.." hindi ko namalayang nasa tabi ko na si Axel.
Tumango nalang ako kay Axel at pilit na ngumiti. Hinayaan ko nalang na si Maggie ang humarap sa kanila Axel, umalis na ako 'don at pumunta sa counter.
Tinapik ni Mateo ang balikat ko at tinanong kung ayos lang ako. Tumango lang ako sa kaniya at inabutan niya ako ng tubig. Kumalma na din ako kahit papaano.
Nahagip ng mata ko ang mata ni Aaron na nakatingin sakin ng masama.
Why? Ano bang problema mo sa akin?!
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...