Fool
Napatuloy lang ako sa paglalakad papalayo sa kanila, marami akong nababangga dahil nakayuko lang ako habang mabilis na naglalakad. I really don't know what I am doing right now, ang gusto ko lang ay makaalis ako dito...
Lumabas ako sa venue at diretsong naglakad papalayo, kahit saan na ako dalhin ng paa ko basta ayoko na don..
Sobrang tanga ko! How can I be easily fool like that?
Lakad... takbo ang ginagawa ko. Sobrang sakit na din ng paa ko dahil sa heels na suot ko. But I don't care about it anymore, wala 'yon sa sakit na nararamdaman ko ngayon...
I feel so betrayed... feel so lost...
Ngayon ko na nga lang 'to mararanasan sa ganitong paraan pa talaga, I guess wala talaga akong swerte sa ganitong bagay? Dapat kasi mas pinili ko nalang sundin 'yong sinasabi ng isip ko kaysa sa puso ko...
Nagulat nalang ako ng biglang tinawag ni Aaron ang pangalan ako at pilit akong sinusundan. Kaya mas binilisan ko ang paglalakad... bakit pa ba niya ako sinusundan?
Hindi pa ba siya masayang nakita akong nag-mukhang tanga sa harap nila kanina?O mas gusto niyang nakikita akong umiiyak?
Panalo ka na, Aaron... sobra mo akong nasaktan ngayon...
"Wait, Claire... please!" napatigil at napaharap ako sa kaniya ng hinila niya ang braso ko. Noong oras na nakita ko siya sa harap ko ay agad na nandilim ang paningin ko... naalala ko kung paano niya ako pinagmukhang tanga sa harap ni Axel at sa kaniya. Kung paano niya ako niloko, at pinaasang ayos na kami...
Sinampal ko siya... I slap him really hard. But that slap is not enough para sa galit at sakit na meron ako sa dibdib ko.
"Ano?! Masaya ka na ba, Aaron? Look, umiiyak na ako ngayon at nagmukhang tanga.. congrats sa'yo," bulyaw ko habang humahagulgol.
"Claire... ipapaintindi ko sa'yo lahat. Hayaan mo lang ako magpaliwanag..." nagmamakaawang sabi ni Aaron.
"Ano pa bang dapat mong ipaintindi at ipaliwanag sa'kin? Gusto bang isampal ulit sa akin na ang gaga ko katulad ng kanina?! Napakasama mo, Aaron..." nanghihina kung sambit.
"N- no.. no please. Kahit saglit lang pakinggan mo naman ako,"
"Kahit ano bang sabihin mo hindi na ako magpapaniwala sa'yo, I thought you changed.. akala ko iba ka na... ibang-iba si Axel sa'yo,"
Akala ko okay na tayo.. but you're still the same Aaron. The jerk one.
Hinawakan ni Aaron ang kamay ko pero agad kung binawi. "Wag mo naman akong maliitin, Claire.. Oo alam kung naging gago ako sa'yo noon pero ibahin mo naman ngayon.. I just can't tell you the truth dahil alam kung masasaktan ka. Pero 'wag mo akong itulad sa gago na 'yon, kasi hindi kita kayang saktan!" pagdadahilan niya.
"Damn you! Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan ng dahil sa ginawa mo? Mukha ba akong masaya ngayon na ang taong nagugustuhan ko ay malapit ng ikasal sa iba?! He never hurt me, ako lang naman ang umasa..." sumbat ko.
"I know... I know it's my fault so please forgive me... Mali ako sa parteng 'yon dapat sinabi ko na sa'yo noong una pa, pero natakot ako. Hindi ko intensyong saktan ka, hindi ako kailanman magiging masaya na makita kang umiiyak ng dahil sa akin. Ayoko lang sirain 'yong sayang nararamdaman mo, 'yong ngiti mo, 'yong mga tawa mo... masaya na akonh makita 'yon kahit di ako ang dahilan," Aaron reason out.
"Ayaw mong sirain 'yong saya ko o ayaw mong sirain 'yong plano mo?" sabi ko habang punupunasan ang mga luha kung patuloy na tumutulo ay tumingin sa kaniya.
"Anong plano?" naguguluhan niyang tanong.
"Wag ka ng magmaang-maangan pa, Aaron.. simula pa lang noong una ito na ang plano mo, diba? Kaya ka lapit ng lapit sa akin para mapaglaruan mo pa rin ako.., kinuha mo pa ang loob ko. Napakagaling mo, Aaron!"
"Really, Claire? Hanggang ngayon ba nandiyan ka pa rin? Hindi pa ba talaga sapat lahat ng ginagawa ko sa'yo kaya until now ganon pa din ang tingin sa'kin? Isang gago?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Bakit hindi ba? Sa ginawa mo pa lang ang gago mo na... hindi mo man lang inisip na may masasaktan ka.. pahirapan mo ako, saktan mo ako, ipahiya mo ako. Ayos lang sa akin 'yon, pero bakit ganito pa?!" sabi ko sabay hawak sa naninikip na dibdib ko.
"I thought we are friend, Aaron... naging komportable na ako sa'yo. Nasabi ko na sa'yo ang mga problema ko, 'yong feelings na nararamdaman ko kay Axel... pero hindi pala ganon ang tingin mo. Ginamit mo 'yong advantage para saktan ako."
"Damn that friendship, Claire! Pakinggan mo ako, please lang..." sigaw ni Aaron.
What did he say? Wala na ba talaga sa kaniya 'yong mga pagkakataong magkasama kami?
Masyado akong nagtiwala sa kaniya.. masyado akong naniwala sa mga kasinungalingan niya... mas nadagdagan ang galit na nararamdaman ko sa puso ko.
Seryoso ko siyang tinignan, pilit niyang inaabot ang kamay ko pero agad akong umiiwas. Ayokong hawakan niya ako, ayokong lumalapit siya sa'kin...
"Wag kang lalapit sa akin..." pero mapilit siya at hinahawakan pa din ako. "Bitawan mo ako sabi! 'Wag mo akong hahawakan!"
"Mali ka ng pagkakaintindi, Claire... let me explain. Hear me out first.."
"Wag na wag ka ng lalapit sa'kin, Aaron. Bumalik nalang tayo sa dati, 'yong dating hindi natin nakilala ang isa't-isa. Kalimutan mo na ang lahat... kalimutan mong nakita tayo sa waiting shed, nagsama tayo at nagkakilala tayo..." hindi ko na hinintay pa akong susunod niyang sasabihin dahil agad na akong tumalikod at tumakbo papalayo.
I run as fast as I can. Away from him, away from everyone...
Patuloy ako sa pag-iyak habang tumatakbo. Hinawakan ko ang aking dibdib na naninikip.. gusto ko ng tumigil pero patuloy na tumutulo. Ang sakit.. sobrang sakit.
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko, mabuti nalang ay natutulog na si Lola kundi magaalala sa akin 'yon kapag nakita akong ganito.
Tinext ko na din si Jai na nakauwi na ako para hindi siya sa akin mag-aalala. Alam kung mali ang pag-iwan ko sa kaniya doon, pero ipapaintindi ko nalang sa kaniya. Ikukuwento ko sa kaniya lahat kapag handa na ako. Kapag kaya ko na.
Kailan kaya? Kailan kaya mawawala ito?
Agad kung sinara ang pinto humiga sa kama, umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko alam na ganito pala ang mararamdaman ko kapag masasaktan ako ng dahil sa pag-ibig... matagal ko ng sinasabi at pinapaala sa sarili ko na tatanggapin ko anoman ang kahihinatnan ng mga mangyayari...
Pero masakit pa din.. I feel like I've been stabbed by a knife many times. This feelings... this pain is suffocating me. I can't take it.
Halo-halo na ang emosyon nararamdaman ko. Sakit, dahil may ibang gusto si Axel, kahihiyan, at galit at inis dahil sa ginawa sa akin ni Aaron.
Please, can someone stop this pain that I am feeling? Help me, stop this...
Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko kasi.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...