Butterflies
I just found myself staring at them for more minutes... Nagulat ako na makita si Aaron na ganyan. Hindi ko inaasahang makita ko sa kaniya ang sinseridad habang nakatingin siya kay Lola.
May kung anong kiliti sa puso ko habang tinitignan ko silang pareho.
Nakatayo lang ako malapit sa pinto at patuloy ko silang pinagmamamasdan, lumipas ang ilang segundo ay nilingon na ako ni Aaron. Siguro naramdaman niyang may ibang tao.
"Ikaw pala... ayos na si Lola kailangan nalang daw ng pahinga," saad niya at saka tumayo para ibigay sa akin ang upuan.
"A-ah, salamat... ikaw ba ang nagdala sa kaniya dito?" tanong ko. Sa dami kung gustong sabihin at itanong sa kaniya 'yon lang ang nasabi ko.
"Oo, nakita ko siyang nagtitinda ng mga malagkit. Lumapit siya sa akin at inalok, pero nakita kung mukhang napapagod na siya kaya pinaupo ko muna siya," nakikinig lang ako sa kuwento niya habang dahan-dahang hinahaplos ang buhok ni Lola.
'Wag mo na 'yong uulitin La, tinakot mo ako...
"Binilhan ko siya ng tubig at sinabi kung bibilhin ko nalang ang paninda niya para makauwi na din siya dahil masyado na siyang matanda para magtrabaho. Pero bigla siyang nagkuwento sa akin... tungkol sa iyo. Nagulat dahil Lola mo pala siya. Sa ilang minuto naming pag-uusapan ay wala siyang ginawa kundi ipagmalaki ka sa akin..." gulat akong napalingon sa kaniya.
Tinignan ko si Lola na ngayon ay mahimbing na natutulog. Hinaplos ko ang mukha niya habang pinipigilan kung mapaluha. Walang ibang ginawa si Lola kundi alagaan ako kahit na nahihirapan na siya. Ginagawa niya ang lahat para may maipakain sa akin at maipagpatuloy ako sa pag-aaral kahit na alam kung gipit na siya.
Hindi niya ako pinabayaan at iniwan lalo na sa panahong kahit na ayawan ko na ang sarili ko. Lagi niyang pinaiintindi sa akin na mahal ako nila mama at papa at hindi nila ako kailanman sisisihin sa pagkamatay nila.
Hindi ko deserve ang pagmamahal na ibinibigay ni Lola.. Mama at Papa. Kahit na anong pilit nilang sabihin sa akin wala akong kasalanan sinisi ko pa din ang sarili sa nangyari. Gabi-gabi akong umiiyak at tinatanong ang sarili kung bakit wala akong nagagawang mabuti.
"Ta- talaga? Sinabi ni Lola 'yon?" tanong ko at hindi siya nilingon. Ayokong makita niya akong umiiyak...
"Oo.. may ipinakita pa nga siyang picture mo sa akin. Isa noong bata ka at isa noong nag-graduate ka sa high school..." napangiti ako.
Nakita ko iyon noon at tinanong ko si Lola kung bakit niya iniligay ang picture ko sa wallet niya. Ang sabi naman niya ay pampaswerte niya daw ako.
Hindi ko na napigilan ang luha ko... may mga tao pa din palang swerte ang tingin sa akin kahit ang pakiramdam ko buong buhay ko ay anging malas ako sa kanila.
"Ang pangit ko noong bata no?" pabiro kung sabi.
"No, you're so pretty and adorable... Noong nakita ko 'yong picture na 'yon hindi ko mapagilang mapangiti. Kung pwede ko na nga lang hingiin 'yong mga pictures na 'yon kay Lola, hihingiin ko e. Kasi baka swertehin din ako," mahina siyang napatawa. Gulat akong nilingon siya, nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.
Anong ibig mong sabihin, Aaron? Bakit --- hindi ko maintindihan, hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nararamdaman ito. My heart is beating insanely, and I can feel butterflies in my stomach. Just like in the movie, sounds cheesy but it is true.
Ganito pala 'yon... at bakit noon kay Axel hindi ko ito naramdaman, simpleng kilig lang. Pero bakit iba ang epekto sa akin Aaron?
Hindi ko alam kung anong pwede kung maisagot sa sinabi ni Aaron, kaya hindi nalang ako kumibo at patuloy nalang na binantayan si Lola. Kalaunan ay sinabi na din niya sa akin ang anong sinabi ng doktor sa kaniya kanina.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...