Chapter 39

15 3 0
                                    

I love you

Two weeks.. ganyan na katagal simula noong huli naming pag-uusap ni Aaron. Even his friends notice why is he not with me anymore. Dati kasi kulang nalang ay hindi siya umalis sa tabi ko. Kahit saan ako pumunta ay nandyan siya. 

Lagi na nga siyang inaasar dahil buntot niya daw ako. Sinasabi din nilang grabe siya makabakod kahit di kami, paano nalang daw kung naging kami na baka daw ikulong na ako. Ang magiging sagot naman niya ay No, I will let her enjoy her life... She deserve it, and me as her boyfriend, I will give the world for her that is how much I love Claire.

Mapait nalang akong napapangiti dahil ang lalaking laging nasa tabi ko oras-oras ngayon ay wala na... Kasalanan ko naman. Ang gaga ko kasi! I should explain everything to him para hindi mali ang pagkakaintindi niya, pero wala akong ginawa. I just watched him and let him think what he wants to think...

"Are you okay, Claire?" biglang sulpot at tanong sa akin ni Jai. Umayos naman ako ng upo. Tinignan ko siya at nginitian. "Oo naman.."

"Mukhang hindi naman," sabi niya habang umiiling-iling pa.

"Ha? Bakit? Ayos lang naman ako tsaka masaya..." katuwiran ko naman kahit hindi naman totoo. Sobrang gulo na ng isipan ko ngayon. 

"You can fool others, but not me, Claire. Not your bestfriend. Now, ikuwento sa akin kung bakit ilang linggo na kayong hindi nagpapansinan ni Aaron. Ni hindi na nakabuntot sa'yo 'yong tao. Anong nangyari? You can tell me, let me help you.."

Pagkasabi 'non ni Jai ay agad akong lumapit at niyakap ko siya ng mahigpit. Umiyak ako ng umiyak sa kaniya, patuloy naman siya sa paghaplos sa buhok ko at paulit-ulit na sinsabing ayos lang 'yan.

Pagkatapos kung umiyak at kumalma ay umupo na ako ng maayos. Huminga ako ng malalim, tinignan ko si Jai na kasalukuyan ding nakatingin sa akin at naghihintay na ng mga sasabihin ko. 

"Una sa lahat, walang naging kasalanan ni Aaron dito, this is all my fault because I'm so stupid..." pipigilan niya pa sana ako pero tinuloy ko na agad ang pagsasalita. "I was jealous. remmber that time na lumabas tayong lahat? Masaya noong una, pero may biglang dumating... si Beatrice, friend nila, friend ni Aaron. Hindi mo na naabutan dahil may naging emergency ka..."

Nagpatuloy ako sa pagkuwento. "I feel so alone that time, parang hindi nila ako kasama. Naramdaman kung hindi ako belong doon. Syempre, nasaktan ako.. lumayo at hindi na nagtanong. Nagalit ako, nasasaktan... I need space kaya hindi ko siya kinakausap. Naguguluhan pa ang isip ko, pero kung kailan ko na balak makipag-usap sa kaniya ay nakita niya kaming magkasama ni Axel... Sinamahan niya ako sa library para kumuha ng libro, nagkukuwentuhan at nagtatawanan lang kami. Bigla niya akong tinanong kung ayos lang ba ako? Nagulat ako sa tanong niyang 'yon.. sinabi niyang lagi siyang nandyan para sa akin. Kaya naman natuwa ang puso ko dahil don. Hindi ko alam na nakikita kami ni Aaron, kanina niya pa pala kami pinapanood... Nagkatinginan kami.. pero di nagtagal ang pagtitinginan namin. Tumalikod na siya at umalis. Ang malaking pagkakamali ko lang na ginawa ay ang hindi siya habulin.. Ang tanga-tanga ko..." 

"Bakit hindi mo manlang siya kinausap? Bakit hindi ka nagpaliwanag? Alam mo ba kung anong pwedeng naglalaro sa isip niya?" naguguluhan niyang tanong sa akin.

Napayuko ako at umiling... "Hind, natatakot ako. Paano kung iba na ang tingin niya sa akin dahil doon? Paano kung nawalan siya ng tiwala dahil sa ginawa ko 'yon? Baka ang akala niya niloloko ko lang siya... Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin..."

"You love him, Claire..." napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil sa gulat. I love him? "Oo, alam mo pero naguguluhan ka pa dahil ngayon mo lang naramdaman 'yan. Pero mahal mo siya kaya natatakot kang mawala siya. Pero sa tingin mo ba mananatili siya sa'yo kapag ganyan ang ginagawa mo?" 

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon