Chapter 28

17 2 0
                                    

Last time

After that day lumayo na ako kay Axel. Hindi ko alam kung napapansin niya ba o hindi, pero ayoko lang talaga magpakita sa kaniya. Hindi ko din alam kung may mukha pa akong pwedeng ipakita sa kaniya dahil sa nangyari.

Hindi man niya alam 'yong nararamdaman ko para sa kaniya pero parang kapag nakakaharap ko siya hindi ko na alam ang pwede kung gawin... at sabihin... Hindi ko pa kaya sa ngayon.

"Claire, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Jai. 

Sandali akong napaisip sa tanong niya. "Oo.. siguro? Hindi ko alam,"

Nasabi ko na sa kaniya 'yong nangyari. Sobra din ang galit niya kay Aaron, pero minsan sinusubukan niya akong sabihan na baka may magandang dahilan si Aaron kaya niya nagawa 'yon. Pero sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang dapat kung isipin...

Ilang linggo na din ang nagdaan ng nangyari 'yon pero 'yong sakit ganoon pa din. Kaya alam na alam na ni Jai na naiisip ko ulit 'yong nangyari kapag pumupunta ako sa kaniya.

Siya lang naman ang pwede kung lapitan, siya lang ang pwede kung pag-iyakan... alam niya din naman ngayon ko lang naramdaman 'yong ganitong pakiramdam kaya sobrang naiintindihan niya ako.

I never regret liking Axel... kahit na sobra pa akong naguguluhan sa nararamdaman ko noon ay naging masaya naman ako. Being with Axel is one of the best moments that happen in my life.

Okay na ako don... masaya na ako don.

"You know naman that I'm always here, Claire diba? Isipin nalang nating hindi talaga siya ang para sa'yo. Meaning may mas better pa na darating, okay? Kaya wag ka nang sad dyan, di mo bagay," pang-aasar sa akin ni Jai na ikinatawa ko.

Mas better? Better than Axel? Hmm, meron pa ba?

"Siguro nga... pero hindi na muna 'yan ang priority ko ngayon... babalik nalang ako sa dati ko namang plano. May tamang oras para dyan." pinal na sabi ko.

Napatango nalang si Jai sa sinabi ko at nag-iba ng pag-uusapan. Pero hindi din nagtagal kasi pareho na kaming may susunod na klase kaya nagpaalam na din kami sa isa't-isa.

Naglalakad nalang ako papunta sa room ng next subject ko. Medyo malapit nalang naman na ako at may extra pang 15 minutes kaya hindi ko na muna bibilisan.

Hindi gaano maaraw ngayon, kaya ayos lang. At tsaka mahangin kaya mas maganda maglakad-lakad muna.

Until now, I really can't believe na dito na talaga ako nag-aaral. Sa dami ng gustong makapasok dito isa ako sa mga nabigyan ng chance. Sobrang saya ko, sobrang fulfilling sa damdamin. Mas masaya siguro kapag nandito din si Mama at Papa.

Pero hindi ko naman inaasahan na sa pagpasok ko sa lugar na ito ay ganito ang mangyayari...

I don't know na ganito pala kagulo. Marami pala akong makikilalang tao. Makakasalamuha, makakausap at hindi ko alam na dito ko din unang mararamdam 'yong gusto sa isang tao...

Sinabi ko naman na sa sarili ko na hindi dapat, pero kapag umiiwas naman ay para ko na ding niloloko ang sarili ko ng paulit-ulit... Pero sana nakinig nalang pala ako, no?

Para hindi sana ganito 'yong nararamdaman ko... hindi sana ganito...

"Claire..." nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin. 

It's Axel... bakit sa dami ng pwede kung makasalubong ngayon siya pa. Bakit?

Wala akong choice kundi harapin siya. Wala siyang alam sa nararamdaman ko, hindi niya alam na nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya... Hindi niya alam na sobrang hiyang-hiya ako kapag kaharap ko siya dahil binigyan ko ng malisya lahat ng ginawa niya para sa akin...

Hindi niya alam na gusto ko siya...

"Axel.. ikaw pala," hinarap ko siya at pilit na nginitian.

"Claire, ang tagal ng hindi kita nakikita. Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko na dapat hayaan ang sarili kung mahulog sa ganoong klaseng pagtitig niya.

Walang malisya 'yon, wala siyang gusto sa'yo, Claire. Sadyang mabait lang 'yong tao.

"A- ah.. medyo b-usy lang kasi ako lately kaya baka hindi mo ako nakikita, pero okay lang naman ako." Another lie. I'm not okay!

"Good to hear that, noong birthday ko kasi sinabi mong magsi-cr ka lang pero hindi ka na bumalik kaya nag-alala ako. Sumunod pa nga yata sa'yo si Aaron pero pag dating niya don ay mukhang badtrip na, may nangyari pa sa inyo? Nag-away na naman ba kayo?" nagtatakang tanong ni Axel.

Bigla akong napatigil sa tanong niya. "N-no.. walang nangyari sa amin. At tsaka hindi ko naman siya nakitang sumunod sa akin, baka iba ang pinuntahan niya noon..." pagdadahilan ko.

"Really? Okay.. okay. Buti nalang nakita ko ang kaibigan mo at siya ang nagsabi sa aking sumama ang pakiramdam mo," nginitian ko nalang siya. "Napapansin ko nga na laging badtrip at wala sa mood itong nakaraang araw si Aaron e... baka may problema lang sa mga babae niya." pagbibiro niya.

Pilit akong tumawa at hindi na nagtanong pa tungkol kay Aaron. Ayoko ng makialam pa sa buhay niya, Not again.

"Oo nga pla, sorry pala at hindi na ako nakapag-paalam sa'yo..." saad ko. Nginitian niya lang ako at tumango.

"No, it's alright. I'm happy kasi nakapunta ka pa din, tinupad mo 'yong promise mo sa'kin," umiwas nalang ako ng tingin dahil di ko kayang tignan ang mukha niya. Ang ngiti niya, ang mga mata niya...

Ito na naman.. hindi na pwede, Claire. Mali na ito!

I can't believe that my heart will beat fast and feel broken at the same time. Nababaliw na yata talag ako...

"No problem, thank you sa pag-invite sa'kin. Bawi nalang ako sa'yo next time." Another lie. Gusto ko na talaga siyang iwasan. 

Ayoko na ng ganitong nararamdaman, alam kung wala siyang nagawang mali dahil ako lang naman ang nag-assume sa mga pinapakita niya pero hindi ko kayang kalimutan 'yong nararamdaman ko para sa kaniya kung malapit lang siya sa akin.

Gusto ko na maharap ko din siya ng maayos. Gusto ko sa susunod na magkakasalubong at mag-uusap kami hindi na ako naiilang, hindi ko na kailangang umiwas.. Hindi na din ako masasaktan.

"Really? You mean it?" nae-excite niyang sabi. Tumango naman ako sa kaniya. Sorry, Axel. "But you know, Claire... you don't have to do that. As long as you stay as my friend it's fine. I'm fine and happy." may senseridad niyang sabi.

Friend. Oo, tama.. kaibigan niya lang ako. Mag-kaibigan lang kami. Bawal na akong maghanggad pa ng mas malalim pa 'don. Bawal na kasi may gusto na siyang iba, mahal ng iba 'yong tao. Wala na akong laban 'don. 

"Of course, Axel... pwede na ba akong mauna sa'yo? Kasi baka malate na ako sa susunod na klase ko e," pagpapaalam ko sa kaniya.

"Oh sorry, yes. Ako din baka malate na din pala ako. Kita nalang tayo ulit kapag hindi kana busy, okay? Ingat ka, Claire..." nagsimula na siyang maglakad papalayo. Kumaway siya sa akin na kinangiti ko. 

Tumalikod na din ako at nagsimulang maglakad. Agad na nagbagsakan ang mga luha ko... kanina ko pa ito pinipigilan. Ayoko namang maguluhan si Axel sa akin kung bakit ako umiiyak. Ayoko na malaman niyang gusto ko siya...

Akala ko tama na, akala ko pagod na ako, pero bakit meron pa din? 

This is the last time... hahayaan ko nalang na tumulo ito hanggang sa mapagod siya. Pero ito na ang huli. 

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon