Clouded Mind
Gabi na noong umuwi si Aaron, ako naman na ang naiwan na nagbabantay kay Lola. Ayaw pa nga sana ni Aaron na umalis at gusto niya akong smahan pero pinauwi ko nalang siya. Alam kung kanina pa siya doon at kailangan na niyang magpahinga.
Sinabihan kung bumalik nalang siya bukas para bumisita. Hindi din agad na makakapunta si Jai dahil nga sa may imporante siyang lakad kasama ang familya niya. Sinabihan ko namang ayos lang na si Lola, pero ang sabi niya ay gusto niya itong bisitahin.
Hindi ko pa nasabi sa kaniya ang buong kuwento, paniguradong magugulat 'yon kapag nagkataong makita niya si Aaron na kasama kami ni Lola. Nasabi ko kasi sa kaniya ang lahat, at alam niyang ayokong makausap ni makasama si Aaron.
Nagising na din si Lola kagabi, inalalayan ko siya at kinuwento niya sa akin ang nagyari. Sinabi ko namang naiintindihan ko at sana 'wag magpapakapagod ng ganon. Sumang-ayon naman siya, naikuwento niya din sa akin si Aaron. Kung gaano ito naging mabait sa kaniya... hinahanap niya nga din ito agad e. Pero ang sabi ko ay pupunta siya bukas.
"La, tulungan ko na kayo," saad ko at inalalayan ko siyang umupo.
"Kaya ko na, apo. Kumain kana ba? Sabayan mo na ako..." sabi niya habang inaayos ko sa lamesa ng bigay na pagkain dito sa hospital.
"Ayos lang ako, La. Mamaya na ako, ikaw ang dapat na kumain, kailangan maging malakas ka," tugon ko sabay sinubuan ko siya.
"Salamat apo at hindi mo ako pinababayaan," tinignan ko siya at ngumiti. "Syempre naman, La. Ikaw lang ang meron ako, at aalagaan kita para mas marami pa tayong magawa na magkasama..."
"Hanggang sa mag-asawa kana, apo.." pabirong sabi ni Lola na ikinagulat ko. "La naman, matagal pa 'yan. Wala pa din sa isip ko 'yan..."
"Hindi naman kita pagbabawalan, apo. Maganda dahil may makakasama kana e.." nakangiti niyang sabi.
Nagulat ako ng may narinig kaming malakas na kalabog gawa ng pintuan namin. Noong tinignan ko ay si Jai lang pala na ngayon ay hinihingal.
"Anong nangyari sa'yo?" naguguluhan kung tanong habang nakatingin sa kaniya. Mukhang tumakbo siya nang pagkalayo-layo.
Pero hindi niya ako pinansin at agad na pumunta kay Lola at hinawakan ang kamay. "La, okay lang ba? Wala bang masakit? Grabe, pinag-alala mo ako." Nakalimutan niya yatang nandito ako dahil sa pagaalala kay Lola.
"Apo, ayos na ako ngayon. 'Wag ka ng mag-alala, bakit ba pinagpapawisan ka at hingal na hingal?" tanong naman ni Lola.
"Ang tagal kasi ng elevator, so ang ginamit ko nalang ay hagdan. Napagod ako, La..." saad ni Jai habang hinahawakan ang dibdib. Kumuha naman ako ng tubig at inabot sa kaniya.
"Sino ba kasing nagsabi sa'yong magmadali ka?" pambabara ko.
SInamaan niya naman ako ng tingin at inarapan. "Kahit kailan talaga, Claire. I'm so worried kaya hindi na ako makapaghintay!" pagmamaktol niya.
"Hindi ka ba nakinig sa akin kagabi? Sinabi ko sa'yong ayos na si Lola at pahinga nalang ang kailangan?" mataray ko namang sagot. Ang cute talaga ni Jai, ang sarap ibulsa.
"Kahit na, hmp!" inirapan na naman niya ako at uminom ng tubig. "Sure kang ayos kana talaga, La? May iba ka pa bang kailangan? Bills dito sa hospital? Pwede akong magbigay..."
Agad namang umiling si Lola. "Ayos na talaga, apo. Tsaka ang bills naman ay nabayaran na," naguguluhang tumingin sa'kin si Jai.
"Talaga po? Nangutang ka na naman ba, Claire?" seryoso niyang tanong. Alam niya kasing ayaw kung humihiram ako ng pera sa kaniya kahit sobrang gipit na ako.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...