Indirect Kiss
Pagkalipas ng ilang araw ay nakalabas na din si Lola. Naging maayos naman siya, at lahat naging gastos namin ay binyaran ni Aaron. Hindi ko alam kung paano ko pa siya babayaran, alam kung daan-daang libo na iyon.
Nakapagsabi naman ako sa school pati na din sa trabaho ko. Ayos lang naman daw, bumawi nalang ako kapag maayos na ang lahat.
Sa mga nagdaang araw na nasa hospital si Lola, laging bumibisita si Aaron. Tuwang-tuwa naman si Lola tuwing nandito siya, gustong-gusto niya itong kausapin. Kaya naman kahit nakauwi na si Lola sa bahay ay pumupunta pa din siya sa amin para makasama si Lola.
Tinanong ko naman kung ayos lang sa kaniya na bisitahin niya si Lola at kung hindi anman ba kami nakakaabala.. ang sabi naman ay ayos lang daw. Wala naman daw problema, masaya siya dahil masaya si Lola. Ako din, masaya ako... gusto ko din na lagi kang---- wait ano ba 'tong iiniisip ko? Nababaliw na yata ako!
"Ayos ka lang ba, apo? May nangyari ba? Mukhang kang gulat kanina at napasapo ka sa ulo mo..." nag-aalalang tanong ni Lola. Bigla akong napabalik sa ulirat, totoo nga at sapo-sapo ko ang noo ko.
Bakit ko ba kasi naisip 'yon?!
"Ma- may nakalimutan lang akong sagutan na assignment La.. 'yon lang po," sabi ko sabay naiilang na tumawa.
"Ganon ba? Kailan ba ang deadline niyan? Sinasabi ko naman kasing 'wag ka na muna magtrabaho... mag-pokus ka nalang sa pag-aaral mo e." nag-aalalang saad ni Lola.
"HIndi naman po ngayon 'yong deadline 'non La, 'wag kang mag-aalala. Pwede ko namang gawin iyon sa school mamaya. At tsaka ayos lang naman po... nakalimutan ko din kasi sagutan kagabi," pagrarason ko naman.
"Sigurado ka ba, apo? Magpahinga ka paminsan-minsan..." paalala ni Lola sa akin. "Opo, La... hindi ko naman po 'yon kinakalimutan. Promise." nginitian ko si Lola para mapanatag ang loob niya.
"Sige na't kumain kana para maaga kang makapunta sa eskuwelahan mo." Sabay na kaming kumain ni Lola, pagkatapos ay agad din namang akong pumasok.
Maayos namang natapos ang klase ko. Puro lang naman discussion kaya naman hindi gaano sumakit ang ulo ko. Bale uuwi muna ako para mapaglutuan ng pagkain si Lola bago ako pumunta sa trabaho.
"Claire..." tawag sa akin ng kung sino man. Nilingon ko 'yon at nagulat akong tumatakbo pa lapit sa akin si Aaron.
"Ahm, bakit?" mahina kung tanong ng makalapit siya.
"Wait lang, hinihingal pa ako e." hinihingal niyang sabi. Hindi ko napigilang hindi mapangiti sa sinabi niya, ang cute niya kasi tignan tsaka medyo napanguso pa siya sa akin habang umaangal siya.
"Okay.. take your time. Water?" alok ko sa kaniya ng tubig ko. "Wala naman ibang umiinom dyan kundi ako. At wala naman akong sakit o kung anoman kaya safe naman 'yan inumin..."
Gulat niya akong tinignan ngunit kinuha niya pa din ito at ininuman. "Thank you.." inabot niya sa akin 'yong bote ng tubig ko. Nakita kong namumula ito at nag-iiwas ng tingin sa akin. Anong nangyayari sa kaniya?
"Ayos ka lang ba, Aaron? Namumula ka, may sakit ka ba?" nag-aalala kung tanong.
Agad naman itong umiling. "No, I'm fine..." pero mukhang hindi naman totoo dahil kahit pati ang tenga niya ay namumula na din.
"Namumula ka talaga e, sobra ka bang napagod sa pagtakbo? May sakit ka ba sa puso?" nilapitan ko siya at hinawakan ko ang braso niya. Pero agad niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya na tila pa napapaso siya. Hindi ko siya naiintindihan... nandidiri ba siya sa akin?
"Don't give me that look, Claire.. it's not what you think. Hindi ako umiiwas at hindi ko inalis 'yong hawak sa akin dahil sa nandidiri ako sa'yo. Dahil sa tubig mo, kasi..."
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...