Chapter 6

27 6 0
                                    

Start

Sinamahan ako ni Jai sa comfort room para makapaglait ng damit. Buti nalang may dala siyang extra at 'yon ang pinahiram niya sa akin.

"Ano ba kasing nangyari ha? Bakit niya ginawa sayo 'yan?" Pumasok ako sa loob ng cubicle at naglinis ng katawan. Kinuwento ko sa kaniya lahat simula una.

Napanganga siya. "Kaya naman pala siya sobrang galit sa'yo. Ayaw niya ng may gumagawa non sa kaniya!" Kaasar! Alam kung may mali ako, pero bakit sobra naman yata siya sa para ipahiya at gawin sa akin 'yon?

Napairap ako habang nagbibihis. "I know I did something wrong to him, pero bakit parang sobra naman siya don?"

"I just don't know the exact reason... but if he bother you again, I'm always here for you, okay?"

Napangiti ako. "Hindi ko naman siya aatrasan no, pero thank you Jai..."

Nang matapos na akong magpalit at sabay na kaming lumabas sa comfort room.

"Jai?" napatingin siya sakin. "Why?"

"Ahh, paano mo nga ba nakilala si Aaron? Bakit parang marami kang alam tungkol sa kaniya?" Nagtataka akong nagtanong.

"I don't really know him, pero my family knows him..." napatingin ako bigla sa kaniya. "Maybe we're rich but his family is so damn rich! Walang-wala kami sa kanila. They own companies here in the Philippines also from other countries!" Napanganga ako! What the hell, sino ba ang binangga mo, Claire?

"And base sa ilang nalalaman ko, ang pamilya nila ang may pinakamalaking-shares sa school na'to. At kapag umalis sila, paniguradong bagsak ang school na'to. So basically, sila ang nagbibigay ng mga scholarships.." Nanlamig ang buong katawan, paano kung pati 'yong scholarship ko madamay?

You're dead now, Claire.

Sa mga nakalipas na araw, hindi ako makapag-isip ng maayos. Mas maaga na akong pumapasok ngayon, at mabilis na umuuwi. Hindi ako makapakali, feeling ko anytime soon nandyan na na naman si Aaron. At kung ano na naman ang gagawin sa akin. Dapat ko na siyang layuan, para din masalba ko pa ang scholarship ko na matagal ko nang pangarap.

Pinilit kung makinig sa mga discussions. Bawal ma-distract at mas lalong bawal mapabayaan ang grades. Magso-sorry nalang ako sa kaniya para matapos na...

"Hey.. anyare dyan sa face mo? Mukhang pasan-pasan mo ang problema ng mundo, sis..." natatawang sabi ni Jai. Pinatong ko nalang ang ulo ko sa mesa at mahinang inuuntog.

"Hoy bestie, masasaktan ka. Tama na nga 'yan. 'Wag mo nga kasing isipin 'yon!" Kung pwede lang, kung kaya ko lang talaga.

Ano ba kasing 'tong pinasok ko?

Napaangat ako ng tingin kay Jai. "Pwede bang 'don nalang tayo sa bandang soccer field? Gusto kung matulog..." kahit kasi maayos na tulog wala ako.

Napabuntong-hiniga siya. "Okay sige.. mauna kana bibili lang muna ako ng makakain natin."

Naglakad na akong soccer field at umupo sa damuhan. Dumating na din agad si Jai at umupo sa tabi ko, inabutan niya ako ng bottled water. Tinanggap ko 'yon.

"Do you want me to talk to him, Claire?" agad akong napailing. "Jai, 'wag na.. problema ko 'to. Kaya ko na 'yon, ako pa ba?" Ayoko ng idamay pa sa gulong 'to si Jai, ako ang dapat na umayos nito.

"Pwedeng matulog muna ako Jai? Gisingin mo nalang ako kapag malapit na mag-time..." tumango siya. "Mukhang kailangan mo nga ng tulog.. wag mo muna isipin 'yon, okay?"

Hinigaan ko ang hita niya at pumikit. Mas inantok pa ang ng dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ko.

Hindi ko alam kung ilang minute na ako natutulog, nagising nalang ako ng ginising ako ni Jai.

Unti-unti akong dumilat. "Hmm.. bakit? Time na ba?"

"Hindi pero may naghahanap sayo." Umupo ako at tinignan kung sino ang naghahanap sa akin.

Nice, kanina lang todo pa ako tago pero ngayon nasa harap ko na siya. At hinahanap pa ako, can I just run?

"A-ano, bakit?" kinakabahan ako punyeta!

"You have something to do, but let's talk... in private," Napatingin siya sa kasama ko. Tinignan ko si Jai at binigyan ng assurance na kaya ko. Mukha kasing ayaw niya akong iwan mag-isa.

"You sure? I can stay... baka ano na naman ang gawin nito sa'yo..." pabulong niyang sabi.

Umiling ako at nginitian ko siya. "Ayos lang ako, tsaka usap lang naman e. Kaya ko ito!" Tumayo na si Jai, at umalis. Seryoso kung tinignan ang lalaki sa harapan ko.

"Anong kailangan nating pag-usapan?"

"Follow me." Wala na akong nagawa kundi sundan siya, nakarating kami sa school library.

Mas sanay na kasi ang mga tao ngayon sa technology kaya wala na halos gumagamit dito.

"Anong gagawin ko dito?" nagtataka kung tanong.

"Linisin mo 'to..." He simply said na parang simple lang 'yong pinagagawa niya? Ang laki-laki nito, at ako lang mag-isa!

"What? Bakit ako?" High ba siya? Grabe na 'to!

"Why you, you ask? Scholar ka, di'ba? Trabaho 'to ng mga scholars, you already know, right?" nakangising sabi niya.

"A-alam ko naman 'yon, pero bakit ako lang?" gusto kung maiyak, ang lawak ng library tapos puno pa ng alikabok.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, as in ang lapit! Napaatras ako, pero hinawakan niya ang bewang ko at nilapit niya akong katawan ko sa katawan niya. "Kasi mali ka ng kinalaban..." bulong niya sa akin.

Agad ko siyang tinulak at lumayo ako sa kaniya. Napa-iwas ako ng tingin, at pinaypayan ang sarili. Ang init bigla!

"Magsimula ka na at marami ka pang gagawin. Enjoy cleaning, Claire..." inabot niya sa akin ang kapirasong tela, walis at dustpan bago umalis.

Napatitig ako sa mga binigay niya. Wala na akong ibang magagawa. Para sa scholarship Claire.. lumaban ka. Kaya mo 'yan!

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon