Chapter 5

30 6 0
                                    

Pay back

Papasok na ako ngayon sa school, mukha akong tanga dahil panay ang lingon ko kung saan-saan. Baka kasi nandiyan lang sa paligid yung lalaking 'yon. Baka gumanti siya, mabuti ng handa!

Nakarating na ako sa school ng walang nangyayari sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. See, wala ka dapat ikatakot Claire, naturuan mo na ng leksyon 'yong lalaking 'yon. Hindi na 'yon manggugulo kasi takot na siya sayo!

"Hay nako, ang duwag naman ng lalaking 'yon." Nagpatuloy nalang ako maglakad papuntang room naming at hinintay ang prof ko.

Nang dumating ang prof namin, agad na kaming nagsimulang mag-aral.

"Good morning. Today, we will discuss about Intoduction of Accountancy. Before that, let's define first the definition of Accounting....

The most commonly accepted definitions of Accounting are expressed by the following authoritative bodies:

"Accounting is the art of recording, classifying and summarizing in a significant manner and in terms of money, transactions and events which are in part at least of financial character and interpreting the results thereof." -American Institute of Certified Public Accountants (AICPA)

"Accounting is a service activity. Its function is to provide quantitative information, primarily......" nakikinig ako habang nagti-take down notes.

"Krrriiiiiiiiiiiiingggggg~" nagsi-tayuan na kami at pumunta sa cafetria. Finally, gutom na din ako sobra!

All of my other subjects went well. Iyong iba ay kakasimula pa lang kaya less hassle pa, 'yong iba nagbigay na ng quiz. Buti nalang at nakapag-basa ako kagabi. I need to study really hard, may mini-maintain ang grades. Ayokong masayang ang lahat ng hirap ko para makapasok lang dito.

I'm own my way to the cafeteria. Sa tinagal ko dito, medyo nakabisado ko na 'din ang ibang pasikot-sikot dito.

Nagkasundo kami ni Jai an lagi nalang magsabay ng lunch. Busy na din kami pareho pero gusto pa din naming makasama ang isa't-isa. May mga times na hinahatid niya ako sa coffee shop kapag hindi siya busy, lagi kamng nagtutulungan kung kailangan ng isa ang tulong.

I'm bless to have someone like Jai in my life.

"Claire bestie... dito!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Pumunta agad sa table kung saan nakaupo si Jai.

"Alam mo ba Claire, ang hirap makakuha ng table dito. Muntik na nga ako makipag-away kanina. Ako naman kasi talaga nauna dito..." Napangiwi ako sa ginawa niya. 

"Edi sana hinayaan mo nalang Jai, 'wag ka ng makipag-away."

"Ako ang nauna, ako ang may karapatan!" she said with conviction, Napatawa nalang ako. "Oo na, ikaw na po..."

"'Wag kasi tayo dito kumain, sa labas nalang tayo kumain ng lunch. Mainit pa dito," pagrereklamo niya. "Gagastos lang tayo kapag don tayo kumain, tsaka okay naman dito..."

"Libre ko na nga kasi..." agad akong umiling. 

"Jai, ilang beses ko bang sasabihin na 'wag na, kaya ko naman," Napabuntong hininga nalang siya at tumango.

"Hindi ka pa naka-order?" umiling siya. "Hindi pa, hinihintay kita e. Ako na o-order, anong gusto mo?"

"Isang kanin, isang ulam at tubig. Ikaw na bahala pumili sa ulam. Ito bayad ko," Diniretso kung inilagay sa kamay niya ang bayad ko para hindi na siya makatanggi.

Nanatili ako dito sa table naming at hinihintay si Jai na bumalik ng biglang may tumabi at umakbay sa balikat ko. Ang bango niya--- este who the hell are you?

Nilingon ko kung sino ang umakbay sa akin, agad na napanganga sa nakita ko. Ito 'yong lalaki, 'yong nakabangga sa akin, 'yong natapunan ko ng sauce at 'yong kinagat ko ang daliri at tinuhod ko. How to escape?

"Finally.. I found you. Ang hirap mo hagilapin ha?" nakangisi niyang saad habang nakatingin sa akin. Ngising handang mangagat.

"Bitawan mo nga ako..." pilit kung tinatanggal 'yong kamay niyang nakaabay sa akin pero mas hinigpitan niya pa at mas nilapit niya ako sa kaniya.

"Why? You scared? Don't be, I don't bite..." tumawa siya. Ang sexy naman ng tawa nito--- nako Claire umayos ka nasa binggit ka na ng kamatayan!

"Anong kailangan mo sa akin?" may diin kung saad. "I just want to see you, may problema ba don?" Nakakainis naman 'tong lalaking to!

"'Wag mo nga akong bolahin, sinabi ko naman sayong hindi kita babayaran diba? Kasalanan mo naman kasi talaga..." napatawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko. "I was trying to be nice pero pinapainit mo talaga ulo ko e.." seryoso siyang tumingin sa akin. Pinatigil niya ang babaeng may hawak ng tray na naglalaman ng spaghetti at juice.

Tinignan niya ako, nginitian at maingat na hinaplos ang mukha at balikat ko. Napaiwas ako ng tingin, painiguradong pulang-pula na akong mukha ko.

Nagulat ako ng biglang niyang tinapon sa buhok ko ang spaghetti at juice ng babae kanina. Napanganga ako sa ginawa niya pati 'yong babaeng may-ari ng pagkain. Napatigil din ang ibang mga kumain malapit sa amin. What the hell?!

"Damn.. it looks good on you! I mean, you're already pretty but you got even hotter with that.." turo sa spaghetti "on your head. Pwede bang ganyan ka nalang palagi?" tumawa siya at tumayo. Kinuyom ko ang kamay ko dahil sa galit at inis. Bwesit siya!

Tumigil siya sa pagtawa. "Okay, that's all for now. Kumain na ulit kayo at tapos na ang palabas.." tinignan niya ng masama ang mga estudyanteng nanonood sa amin. Agad silang bumalik sa upuan nila at tinuloy ang pagkain na para bang walang nangyari.

"If you think I'm already done... think again. Hindi pa ako tapos sa'yo..." tinignan niya ang ID ko. "Miss Claire Joy Marquez. Too bad but it's goodbye for now Claire. Be careful." Nginisian niya ako at umalis na din.

Galit kung tinanggal ang spaghetti na nasa buhok ko, medyo basa na din ang damit ko dahil sa juice. Just great Claire, may pablush-blush ka pang nalalaman! Ang sama niya! Napakaisip-bata, naisip niya pa talagang gantihan ako!

"My goodness! Are you okay, Claire?" tinulungan ako ni Jai na punasan ang dumi sa damit ko. "Narinig ko 'yong mga bulung-bulungan don kanina. Nanggugulo na naman daw si Aaron... siya ba may gawa nito sayo?"

"Hayaan mo nalang..." ang lagkit ko na!

"Aaron talaga! Hindi naman ganon 'yon unless may nagawa kang kasalanan sa kaniya. Ano bang nangyari?" nag-aalala niyang tanong.

Aaron... that's his name huh? Kung hindi ka pa tapos at handa ka pang gantihan ako, pwes hindi ako papayag na maulit mo ito!

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon