Happy now?
Sobrang sakit ng katawan ko ng dahil sa kahapon pero wala naman akong choice kundi pumasok pa din. May araw ka talaga sa'kin Aaron. Sobra ka na!
Pagka-pasok ko ay agad din naman nagsimula 'yong discussions. Pagkarating ng lunch break nakatanggap ako ng message kay Jai na hindi muna siya makakasabay dahil may kailangan siyang gawin na group activity.
Wala naman akong gana na kumain kaya, pumunta nalang ulit ako sa soccer field dahil gusto ko talagang matulog. Sakit ng katawan ko!
Nainis ng biglang may gumising sa akin.
"Miss, ikaw ba si Claire?" tanong sa akin ng lalaki. Hala senior ko pala 'to.
"Ah, hello po. Ako nga po 'yon. Ano pong kailangan niyo?" pinagpagan ko 'yong pants ko at tumayo.
"Scholar ka, right?" tumango naman ako. "Kailangan mong pumunta sa gymnasium ngayon. Kailangan kayo 'don." Nagpasalamat ako at agad na pumunta sa gymnasium.
Nakarating ako don at nakita kung maraming monoblock na patong-patong. Pero bakit walang tao dito? Kala ko mga scholar? Nauna ba akong pumunta?
"Great, nandito ka na pala.."
Napalingon ako sa nagsalita. "Ano na naman ba 'to Aaron?"
"Another task for you, my scholar." sabay turo ng mga upuan.
"What? May sira ba talaga 'yang ulo mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"As fas as I remember, I am a healthy person kaya sure akong wala akong sira sa ulo.." mapang-asar niyang sabi. "Madali lang naman gagawin mo, arrange mo lang 'yang mga upuan. Pakibilisan lang dahil mamaya na ang program." Nakangising niyang sabi at naglakad na papalayo.
"Hoy Aaron! Hoy, anong madali dito ha?" napanganga ako. Grabe, pagod pa ako galing sa trabaho!
"Yes, alam ko namang kayang-kaya mo 'yan..." pang-aasar naman ni Aaron. At tinuloy ang paglalakad papalayo.
"Ikaw kaya gumawa nito, nakakainis ka na talaga sobra ha! Kakarmahin ka din! Bumalik ka dito, Aaron!" sigaw ko pero hindi siya lumingon. Kumaway-kaway pa siya!
Ang dami naman nito. Mas malaki pa nga ng 10 beses itong gymnasium sa apartment naming ni Lola.
Paano na 'to?!
Pagod na pagod na ako ng inilagay ko 'yong pinakahuling monoblock. Salamat naman at natapos ko din. Mga ilang minute lang ay nagsimula na din ang program.
Gustuhin ko man matulog nalang dahil sa pagod, pero wala naman akong magagawa dahil required ito at attendance na din.
Umupo nalang ako sa bandang sulok, halos wala ng pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi nila sa harapan. Wala na akong maintindihan, gusto na talagang pumikit ng mga mata ko!
Napagising nalang ako ng naramdaman kung nagsisi-uwian na ang mga tao. Tumayo nalang ako at umuwi.
Another day, another body pain. Kasalanan 'to lahat ni Aaron e!
"Anak, gising na at para makakain kana. Baka malate ka pa sa school niyan..." binilisan ko nalang mag-ayos.
"Sige po La, bababa na po ako!" Nang matapos akong mag-ayos ay agad ko ng kinuha 'yong mga gamit ko at bumaba.
"Mukhang puyat ka na naman, anak. Sabi ko naman sayo, hindi ba? Na tumigil kana sa pagtra-trabaho mo. Baka magkasakit ka pa." nag-aalalang sabi ni Lola.
"La, hindi ko naman pinapabayaan sarili ko. Malakas 'to." sabay pakita kay Lola ng muscles ko. Napatawa naman siya dahil sa ginawa ko.
"Ikaw talagang bata ka. Pangako mo yan ha?" I nod. Natango nalang din siya at ngumiti kaya tinuloy na naming ang pagkain.
Pagkapasok ko sa school ay agad akong nagtaka. Everyone is looking at me and I don't know why? Parang noon lang hindi naman nila ako kayang lingunin man lang. Anong nangyari? 'Yong iba tumatawa at 'yong iba nagbubulungan pa. May nagawa ba akong kahihiyan? Ang weird ha.
"Claire... Claire!" nakita ko si Jai na tumatakbo papunta sa'kin. Hingal na hingal na naman siya. Nagma-marathon pa talaga 'tong babaeng to? Laging takbo ng takbo. Isasali ko na 'to sa Olympics minsan.
"Marathon na naman? Huminga ka Jai, pwedeng huminga..." natatawang sabi ko.
"You need to see this Claire, watch this.." agad niyang plinay yung video na nasa phone niya.
Video ito kahapon sa program na naganap. Sa unang segundo ng video nakatutok lang ito sa mga estudyante. Nagulat ako 'nong bigla kung nakita 'yong mukha ko sa video. Ito yung pinipilit kung di makatulog, pero hindi ko napigilan kaya nakatulog talaga ako. Nakikita pa 'yong paggalaw ng ulo ko.
May naririnig din akong tawa at pag-uusap habang vini-video ako. Who the hell did this? Bakit? T_T
"Tignan mo pa iyong mga comments" agad kung nabasa 'yong mga comments ng iba.
"HAHAHA sino 'yang babaeng yan?"
"mukha siyang tanga!"
"bigyan niyo ng kama hahaha"
"sleep well bwahahaha"
"She's crazy as fuck HAHAHAHAHA"
Halos 17, 000 na ang nakapanood ng videos, marami na din ang naka-share. Ang daming mga comments at react. Nagulat ako dahil sa sobrang daming nakikita.
Ang sasakit ng mga sinasabi nila. Alam ba nila 'yong pagod ko ng panahon na 'yan? Alam ba nila kung gaano ko kagustong magpahinga at matulog noong araw na 'yan pero mas pinili kung pumasok?
Bakit... Sinong pwedeng gumawa sa'kin nito?
"Si--sinong may gawa nito?" nauutal kung tanong. Gusto kung umiyak.
"Claire kasi, si a-ano..."
"Sino nga kasi Jai? Sinong nag-post niyan? Sinong may gawa niyan?" pagmamakaawa kung sabi. Gusto kung kausapin 'yong taong 'yon. Bakit niya kailangang gawin 'yon?
"Si -- sii Aaron Daze Aljenadro.." napatulala ako ng marinig ko 'yong pangalan ni Aaron.
Ang iyak na gusto kung ilabas kanina ay napalitan ng galit. Sobrang galit.
Sobra naman na ata ito? Bakit kailangan niyang gawin 'yon? Kailangan niya talaga akong pahiyain ng ganon?
Are you happy now, Aaron? Are you happy seeing me like this?
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...