Chapter 18

24 4 0
                                    

Why not?

"Ha?" Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kung tanong.

"Nothing, you can continue practicing, don't mind me," nakakalumbaba siyang tumingin sa akin. Gusto ko sanang 'wag na magtanong pero naguguluhan ako.

"Naguguluhan talaga ako sayo, kainis!" mahina kung sabi pero mukhang narinig niya dahil tinignan niya ako ng masama.

"So, it's my fault now?"

"Yes!" sabi ko sabay irap. Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi ako papatalo sa'yo!

"You really wanna know?" tumango ako. "May gusto ka kay Axel..."

Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. Anong point niya? Masama ba? Bawal?

I admit, noon pa lang ay crush ko na talaga si Axel. He is every woman's ideal man. Matalino, gwapo, matangkad, mabait at marami pang iba. Hindi ko maiiwasang hindi siya pansinin, na hindi ako humanga ako sa kaniya dahil napakabait niya.

Pero, gusto? Gusto ko na ba siya?

"W-what? Ano bang sinasabi mo?" Halata na ba ako?

"You can fool them, but not me. Tama ako, diba?" nakangisi siyang tumingin sa'kin.

"Ano naman kung may gusto ako sa kaniya? Bakit mo ako kailangang pakialaman?" hindi ko na napigilan ang inis ko. Gosh, ewan ko ba!

"Pigilan mo." He sit properly and look at me intently.

"What?"

"Kung ayaw mong masaktan, pigilan mo 'yang puso mo..."

"Duh! Alam kung hindi magagawa ni Axel ang manakit ng babae, he is a great man!" sumbat ko.

Bahagya siyang napatawa. "Great man, yes. Kung ganoon nga ang iniisip mo, pero tulad nga ng sinabi mo mabait lang talaga siya. Don't be fool by his lame acts,"

Ako? Magpapaka-tanga? No freaking way!

"Ano bang sinasabi mo? Hindi porket inamin kung may gusto ako sa kaniya, ibig sabihin aaminin ko. Kaya kung itago, simpleng infatuation lang 'to.." pagdadahilan ko.

"You sure?"

Agad akong tumango. "I have more important things to do and achieve. Wala sa isip ko ang ganyang bagay. Crush ko siya at hanggang doon nalang 'yon,"

"Okay, tignan natin..." seryoso niya akong tinignan.

Naiinis ako sa kaniya ha!

Hindi ko nalang siya pinansin kaya nagsimula na akong umisip ng mga steps para sa tugtog ko. Lumipas ang isang oras at halos nakalahati ko naman na ang paggawa.

Hinihingal akong pumunta sa upuan at nagpunas ng pawis. Gusto kung uminom pero – wala pala akong dalang tubig.

Nakapagaling Claire! Kumuha ako ng pera sa wallet ko at bibili sana ng bottled water ng biglang may inabot sa aking tubig si Aaron. Right! Nandito pala siya, muntik ko ng makalimutan.

"Here, you can have this. Hindi ko pa ininuman 'yan, don't worry..." tinatamad niyang sabi. 

Kinuha ko nalang 'yong inaabot niyang tubig. "Thank you!" ngiti ko sabay inom.

Nasa isang oras na rin mula ng nagsimula kaming mag-practice, pero wala pa sa kalahati 'yong nagagawa ko. I need to hurry, ilang linggo na lang ay competition na.

Tinignan ko ang mga kasama ko, ang gagaling nila. Mukhang di sila gaanong nahihirapan na mag-isip ng mga steps. And me? Hirap na hirap! Sa sobra kung excited na sumayaw ulit nakalimutan ko na halos ilang taon ko na ding di nasusubukang sumayaw. What a fool!

"What's with your face? Mukha kang natatae?" sabi ni Aaron habang natatawang tinuturo ang mukha ko.

Hala, sa pag-iisip ko sa hirap ng paggawa ng steps at sa mga mamagaling kung kasama hindi ko na napansing hindi na pala maipinta ang mukha ko. Tae ka, Claire!

Napahawak ako sa mukha ko at nag-iwas ng tingin. "M-ay ano.., may iniisip lang ako. Ang sama mo, che!" Mga sanggre pwede niyo na akong pasabugin!

"Ikaw ang sama ng mukha mo. Laugh trip ka!" hindi na niya napigilan at napalakas na ang tawa niya. Lumapit sa pwesto namin si Axel, Niko at Diego.

"What's going on dude? Ang saya natin ha, anong nangyari?" umupo si Niko sa tabi ni Aaron at umakbay. Pero ang walang hiyang Aaron tumatawa lang at napapahawak na sa tyan niya. Sinamaan ko siya ng tingin!

Ganon na ba talaga kapangit 'yong mukha ko kanina para tumawa siya ng ganyan?

"Hoy minsan lang tumawa ng ganyan si Aaron, I must take a video of it. Pang documentary, dude!" nilabas ni Diego ang phone niya para sana videohan si Aaron pero bigla siyang tumigil sa pagtawa at umupo ng maayos.

Biglang nawala ang ngiti ni Diego at papadyak-padyak na umupo sa tabi ni Aaron.

"Ang pangit mo kabonding, dude. 'Wag mo ng ulitin ha..." Nakakatawa 'yong mukha ni Diego, parang batang inagawan ng candy ng classmate niya.

"Hey, stop it guys. You're all making Claire uncomfortable!" pag-sasayaw ni Axel sa mga kaibigan niya.

How can Axel handle this three weird guys? Paano niya naging kaibigan 'tong mga ito? Naligaw yata siya ng kaibigan o baka tinakot ng tatlo na 'to at pinilit kaibigan sila ni Axel? I just don't get it!

"A—ah.. no it's okay!" I lied. Ang bait na sa akin ni Axel, ayokong mag-alala o bigyan pa siya ng iispin. Pero naiinis na talaga ako sa kanila lalo na dyan kay Aaron. Lagi nalang niya akong inaasar!

Napatingin ako kay Axel. Napakaamo ng mukha niya, lahat yata maiinlove kahit titignan lang siya. Pero mas guma-gwapo siya kapag ngumi-ngiti siya. Kahit siguro may problema kang dinadala kapag nakikita mo siyang nakangiti mahahawa ka.

He is a good man. Everyone will fall for him. Did I already fall for him?

"Hey dude, you're giving that weird girl false hope..." saad ni Aaron.

"Aaron I'm not, I'm just worried." sabi ni Axel.

What? False hope? Who? Ako 'yong pinag-uusapan nila pero hindi ko sila maintindihan.

"Yeah, whatever. Bumalik na kayo 'don at magbantay!" Agad na tumayo ang tatlo at bumalik sa pwesto nila. Tinignan ko nalang silang makabalik at nagpractice na ulit.

"I saw you, noong pumunta sila dito ang tinitignan mo lang si Axel..." Napansin niya pa 'yon? Seryoso ba talaga si Aaron na oobserbahan niya ako?

"Bakit mo ba ako pinapakialaman?"

"I thought simpleng infatuation lang? Pero iba naman ang nakikita ko..." nginisian niya ako.

"Pwedeng straight to the point na, bakit ba sinasabi mo 'to sa'kin?" seryoso kung tanong.

"Ikaw ang dapat na sumagot sa mga tanong mo. Basta ang advice ko lang sa'yo ay hanggang hindi pa lumalala, pigilan mo..." sabi niya at naglakad palabas ng gym.

Bigla akong napaisip ng mga maaring dahilan kung bakit niya nga ba sinasabi ang mga 'yon. Dahil ba sobrang gwapo niya kaya hindi siya nababagay sa simpleng babaeng tulad ko? Dahil ba mahirap lang ako, kaya ang tulad ko ay hindi pwedeng mangarap na magkakagusto din siya sa'kin?

I know, wala talaga akong ibubuga hindi tulad ng mga umaaligid sa kaniya na ibang babae. May mga branded na bags, shoes at gadgets. Tanggap ko naman kaya nga pinipigilan ko. Alam ko na kaya nga tinatak ko na sa isip ko na hanggang dito nalang ako.

Pero kahit alam kung walang pag-asa, masakit pa din pala...

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon