Last
Gusto kung sabunutan ang sarili ko ngayon. Panira ng mga plano 'tong competition na sasalihan namin. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon?
Nawala na sa isip ko na makakasama ko pa sila ulit dahil sa pagpa-practice. Great, right?
Hindi ko pa pala sila totally maiiwasan kapag ganito. Kailangan ko muna magtiis ng ilan pang buwan. Kung kailangang umiwas ng hindi sila nagtataka sa akin gagawin ko. Kakayanin ko, dapat kayanin ko para hindi ko na ulit maranasan 'yong sikip ng dibdib na dinanas ko noong nagdaang araw.
Ayoko na 'non.
Huminga muna akong malalim bago pumasok sa loob ng gymnasium. Wala pa naman 'yong makakaibigan kaya nakahinga pa ako ng maluwag.
Umupo nalang ako sa isang tabi at hinintay ang iba naming kasama. Nagulat nalang ako ng may biglang tumabi sa akin at nag-abot ng bottled fruit juice. Inangatan ko siya ng tingin... siya 'yong isa sa mga nanalo sa sayaw.
Siya 'yong second place... Anong ginagawa niya dito?
"Hindi mo ba tatanggapin 'to? Nangangawit na kaya ang kamay ko," she said while pouting. Nabalik ako sa ulirat ko ng dahil sa sinabi niya. Wala na akong nagawa kundi tanggapin nalang ang ibinibigay niya.
"Thank you..." saad ko.
"No worries. May kilala ba ba dito o kahit kaibigan man lang? Are you always alone?" tanong niya sabay uminom ng juice.
"Ah.. meron pero hindi kami pareho ng course. Bukod sa kaniya wala na akong ibang kaibigan dito kaya kapag wala siya mag-isa lang talaga ako," sagot ko sa tanong niya. Why is she interested anyway?
"Oh.. kaya naman pala. I'm Brielle Anne by the way. But you can just call me Brielle or Anne, basta kung saan ka komportable," tumango-tango naman ako.
"Hello, I'm Claire Joy. Okay nalang din ako sa Claire," pagpapakilala ko din.
"Okay, Claire..." tinignan niya ako at nginitian.
Hindi ko talaga alam kung ano ang rason niya kung bakit siya lumapit sa akin at kinausap ako. Wala naman akong trust issue or anything pero kasi ayoko ng gulo. Baka mamaya isa pala siya sa mga fans ng makakaibigan at pagkamalan na naman akong malandi dahil sa pagiging malapit ko sa kanila.
"Bakit mo ba ako nilapitan? Hindi mo ba sila close?" tinuro ko ang dalawang babae na todo ang paglalagay ng powder sa mukha nila. Mukhang pinaghahandaan nila ang pagdating nila Aaron.
"Did I make you feel uncomfortable? Aalis nalang ba ako?" gulat ako at agad na umiling sa sinabi niya.
"No, no... that's not my point. Bakit sa dami-dami ng pwede mong lapitan bakit ako pa? You obviously look elegant and rich just like them..." pagrarason ko.
"So? Basehan ba 'yon ng mga taong dapat kung lapitan? Dahil mayaman sila katulad ko?" gulat ako sa sinabi niya at agad na umiling. Oo nga naman... tama siya.
"Hindi, I'm so sorry," yumuko ako sa kaniya.
"It's okay. I'm not offended or anything naman, sa lahat ng babaeng narito ngayon ikaw lang nakikita kung matino at mapagkakatiwalaan kaya kita nilapitan. At hindi ko close ang mga babaeng 'yan, baka awayin ko lang sila kapag lumapit sila sa akin, mga maarte. Feeling magaganda, puno naman ng mga makeup ang mukha!" galit niyang sabi na nakapagpatawa sa akin.
Mula pa lang sa ekspresyon ng mukha niya, kitang-kita ko talagang ayaw niya sa mga 'yon. Galit na galit talaga siya pero ang ganda niya pa din... Ang unfair.
"Bakit ka tumawa? Totoo naman e, tignan mo sila puro makeup. Kanina pa nga sila dyan e, mas nauna sila sa akin pero hanggang ngayon hindi pa din sila tapos. I wonder kung gaano kalaki ang gastos nila para makeup lang nila..." pagpapatuloy niya.
"Wala lang, kasi mukhang galit na galit ka talaga sa kanila. Ang cute mo lang," sabi ko habang tumatawa pa din.
"Yes, naiinis talaga ako sa kanila, And another yes dahil talaga namang cute ako..." sagot ni Brielle at kinindatan ako.
Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap. Tungkol sa kung paano ako nakapasok sa school na 'to, kung paano kami nahilig sa pagsasayaw. Maging ang mga genre na nasayaw na namin at gusto naming sayawin pareho...
Ang daldal niya. Ang dami niyang baon na kuwento na sinasabi sa akin. From time to time nag-iiba ang topic namin. Paniguradong magkakasundo sila ni Jai. Baka hindi na sila tumigil sa kakausap.
Dumating na din sila Aaron kasama ang tatlo niya pang kaibigan. Pati na din ang choreographer na nagtuturo sa amin.
Makalipas ang ilang linggo ngayon ko nalang ulit siya nakita... Nothing really change. He's still the same Aaron that everyone know. Pero mukhang mas seryoso siya ngayon...
"Diba, tignan mo 'yong dalawang babae. Pagdating nila agad na tumayo tapos nagpapansin na agad. Gosh, kairita. Kala mo naman ang popogi!" nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. Really hindi siya napopogian sa kanila?
"Talaga? Hindi ba sila pogi sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
I mean, halos lahat ng babae dito nagkakandarapa sa kanila. Kaya nagulat lang ako na hindi siya isa sa mga 'yon.
"Well, gwapo naman sila kaya nga sila gustong-gusto ng halos lahat ng tao dito even outside the school. Mapa-babae o lalaki, mapa-bata at matanda man malakas sila. Pero hindi ko naman sila type. Tsaka palagi ko silang nakakasama kaya nagsawa na ako sa mukha nila..."
"Ha? Palagi mo silang kasama?" naguguluhan kung tanong.
"Oh right, hindi ko pa pala nasabi sa'yo. I'm Aaron's cousin, madalas silang nagpra-practice sa bahay nila Aaron kaya lagi ko silang nakikita. Palagi naman kasi akong nandon kila Tita para tumambay o kaya kumain. Kaya nga din siguro ako nahilig sa pagsasayaw," she said cooly.
She is Aaron's cousin?
No wonder kaya pala napakaganda niya. Kahit hindi na siya mag-effort na maglagay ng makeup sa mukha niya ay maganda pa din siya. She also got some traits of him. Pero hindi nga lang ang pagiging madaldal at friendly...
Hindi nalang ako nagtanong pa dahil magsisimula na din ang practice namin. Tumayo na kami at kami at lumapit sa mga kasama namin. Nagsimula na din kami pagkatapos ng ilang mga announcements.
"Okay guys, natatandaan niyo pa ba 'yong last na step na ginawa natin?" tanong ng choreographer sa amin.
"Yong by partner po yata?" sabi ni Axel.
"Tama, so kindly go to your perspective partners at magsisimula na tayo sa pagbuo ng sayaw ninyo..." nanlaki ang mata ko sa sinabi ng choreographer namin.
Ang huling naalala ko ay si Aaron ang partner ko... bakit?!
That time din nangyari ang kiss--- Gosh! Bakit ko ba 'yon naalala pa? Hindi ko dapat iniisip 'yon. Aksidente lang 'yon, walang malisya.
Napatingin ako kay Aaron na kasalukuyan ding nakatingin sa akin na para bang tinitimbang ang reaksyon ko. Wala naman na akong magagawa kahit gusto kung magpalit pa ng partner...
Saglit nalang naman na ito. Kaunting araw nalang malalayuan ko na talaga sila.
Labag sa loob kung lumapit kay Aaron at hindi na siya tinignan pa. Nakikinig nalang kami sa mga sinasabi ng nagsasalita sa harap namin.
"Are you sure that you're with this? Pwede ko namang kausapin nalang si coach para---" pinutol ko ang anumang pwede niyang sabihin.
"Hindi, ayos lang sa'kin. Gawin nalang natin ang part nating pareho sa sayaw na ito, pagkatapos naman nito ay hindi na ulit tayo magkakaroon pa ng dahilan para magkita at mag-usap pa tayo..." seryoso kung saad habang tinignan siya.
Sinalubong niya ang titig ko at nakipagtitigan sa'kin... Seryoso niya akong tinignan at tila may balak pang sabihin sa akin. Pero hindi ko na kinakaya ang mga tingin na ibinibigay niya kaya ako na agad ang umiwas.
"Okay.. kung 'yan ang gusto mo." sabi niya na para bang natalo. Tumango ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon.
Tama, hindi na dapat kami ulit mag-usap o magkita pa...
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...