Jealous
Lumipas na din ang ilang buwan mula nang sinabi Aaron ang nararamdaman niya sa akin, saktong tatlong buwan na din. Ang buong akala ko ay hindi totoo, ngunit kinaumagahan noon ay sinundo niya ako.
Ang mga sumunod na mga pangyayari ay ang paraan niya ng panliligaw. Pagbili sa akin ng mga bulaklak, pagkain at laging pagsama sa akin sa lahat ng pinutunhan ko.
Noong una ay hindi pa ako sanay sa mga ginagawa niya at nahihiya pa ako, pero hindi 'yon naging hadlang sa kaniya. Lagi kung sinasabi sa kaniya baka may masabi ang mga tao sa amin lalo na't hindi niya naman tinatago ang panliligaw niya sa akin, minsan nga ay may pa-surpise pa siya at lagi niyang kasabwat sina Jai at ang kaibigan niya.
Pero hindi siya tumigil, mas naging pursigido siya sa panliligaw sa akin.
I really don't know kung ano ang nakita niya sa akin at ako ang nagustuhan niya. I'm just a nobody, di ako mayaman katulad ng ibang babaeng nakapaligid sa kaniya,hindi din ako sexy at maganda. Hindi nga ako marunong maglagay ng kung anong kolorete sa mukha, at tinatak ko na sa sarili kung hindi 'yon ang prayoridad ko.
Pagkalipas din ng ilang araw ay pinaalam na namin pareho kay Lola na nililigawan na niya ako. Tuwang-tuwa si Lola dahil alam niyang bagay na bagay kami para sa isa't-isa. Pero ang kinagulat ko ay matagal na palang alam ni Lola na may gusto sa akin si Aaron, noong una ay haka-haka lang ni Lola dahil nga daw sa paraan niya ng pagtitig sa akin.
Hanggang sa tinanong na ni Lola si Aaron kung may gusto ba siya sa akin.. at umamin naman ang loko. Doon na nagsimulang magbigay ng tips si Lola kay Aaron patungkol sa mga ayaw at gusto ko. Kinuntsaba niya pa ang Lola ko...
Imagine having Aaron as your suitor? Surely, maraming magugulat. Pero mas maraming aangal kapag nalaman nilang ako, na hindi nanggaling sa isang mayaman na pamilya ang nililigawan niya.
But Aaron don't give any care about what other say, pero kapag alam niyang sumusobra na ang mga tao ay siya na mismo ang nagpapatigil dito. He never fail to make me feel that I am the most beautiful and kindest person in the world.
Ano ang naramdaman ko? Sobrang kilig, pero mas matimbang ang saya na nararamdaman ko sa puso ko ngayon. Pinaramdaman niya ulit sa akin kung papaano ba ulit sumaya. At mas minahal ko siya dahil doon, kahit hindi naman gawin nang lahat ng iyon ay alam ko nang hulog na hulog na ako.
I can't get up, hindi dahil sa hindi ko kaya pero dahil ayaw ko. The comfort and love that he gives me is so warming. Hindi ko napapakawalan, hindi na...
"You okay, baby? Kanina pa ako nagsasalita dito hindi mo manlang ako pinapansin..." pagtatampo niya. Gosh, I don't know na may ganitong side pala si Aaron. Ang cute!
"Stop calling me that!" nahihiya kung sabi. Panigurdaong namumula na naman ako, hindi pa talaga ako nasasanay sa mga ganyan niyang paandar.
Bahagya siyang natawa. "Why? You are my baby! Hindi ka pa din sanay?" sabi niya sabay kindat sa akin.
Umiling nalang ako at hindi siya pinansin. Ininom ko nalang ang shake na binili niya para sa akin. Hinihintay kasi namin ngayon ang mga kaibigan niya pati na din si Jai kasi nagkaayaan na gumala ngayong araw.
"Pero bakit nga malalim ang iniisip mo kanina? May problema ba? You know naman Claire that you can tell me," he said while caressing my hands.
"Ayos lang naman ako, may iniisip lang pero walang problema. Promise.." paninigurado ko. Knowing Aaron mapilit din katulad ko, namana niya na yata sa akin 'yon!
"Sure ka ba talaga?" tumango naman ako nginitian siya. "Yes, Aaron. You don't have to worry about me..."
Iniba ko nalang ang usapan namin. Ayoko namang malaman niyang siya ang iniisip ko dahil baka lumaki lang ang ulo ng isang 'to. Hanggang sa makarating ang mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...