Practice
After the incident ay hindi na kami ulit nagkita ni Aaron. Kahit sa school ay hindi na kami nagkikita, napakalaki din naman ng school kaya malabong magkasalubong kami. At bakit ba naman kailangang magkita?
Nagpatuloy na lang ako sa pagpa-practice dahil malapit-lapit na din ang competition. Nakakakpagod actually, nagtra-trabaho ako sa coffee shop at kailangan ko pang magpractice ng sayaw. Pero masaya naman ako, kasi nagagawa ko na ulit.
"Hey sissy, I brought some drinks. Uminom ka nga at mukhang pagod na pagod ka," saad ni Jai at umupo sa tabi ko. Parehas kaming may vacant time ngayon dahil sa mayroong meeting ang mga teachers.
Ngumiti ako sa kaniya at ininom ang binigay niyang juice. "Thank you, Jai. Grabe, ang sakit nga ng katawan ko dahil sa pagpa-practice sumabay pa 'yong trabaho ko sa coffee shop..." sabi ko at napabuntong hininga.
"Sleep, gigisingin kita kapag time na." Agad kung sinandal ang ulo ko sa balikat ni Jai at natulog.
Nakatulog din ako agad sa sobrang pagod, hindi ko na alam kung gaano katagal. Nagising nalang ako ng tinapik ni Jai ang pisngi ko.
"Claire, gising na. May naghahanap sayo kailangan niyo daw magpractice para sa production number niyo sa contest..." unti-unti dinilat ko ang mata ko at nakita ko sila Aaron, Axel at iba pa niyang kaibigan.
"Sakto kasing papunta kami sa gym at nakita ka namin kaya naisip kung tawagin ka para sumabay sa amin," nakangiting saad ni Axel.
Axel has this side na sobrang positive lang. Makita mo lang siyang nakangiti ay mahahawa ka na. Nakaka-inlove. A-ah este, titigil na ako sa kakalandi!
Hindi ko pa naiintindihan ang mga sinasabi niya, pero umayos nalang ako upo, nahagip ng mata ko si Aaron na mukhang bored na bored na sa kakahintay sa akin. Ngayon nalang kami ulit nagkita.
"Sige, alis na din ako. Malapit na rin naming mag time..." tumayo na rin si Jai.
"Thank you, Jai. Ingat!" I smile at her at walk towards Axel and his friends.
Nagsimula na din akong maglakad kasabay ang mga kaibigan ni Aaron. Kay Axel na ako tumabi dahil siya lang naman ang mukhang approachable dito at pinaka-matinong kausap panigurado.
"Miss, ang ganda ng kaibigan mo! Can I get her number?" bigla akong napatingin sa isang kaibigan nila Axel. Kitams, ang isang to babaero. It's a no for me!
Alam ko na 'yang ganyang galawan, at bakit ko naman ibibigay ang number ni Jai dito? Eh mukhang magpaiyak lang ng babae ang alam niya. Hindi ko kayang makitang umiyak si Jai no!
Biglang binatukan ni Diego ang kaibigan niya. "Ang galling mo din talaga Niko, no? Kanina lang nakita kitang may kasamang babe tapos ngayon nagtatanong ka na agad ng ibang number ng babae?"
"Aray ko ha! Kasalanan ko bang gwapo ako ha? Hindi ko naman sila pinipilit na sumama sa akin, sila ang kusang lumalapit..." he said in a cool way.
Yabang, grr!
Nandiri si Diego sa sinabi ni Niko. "Gwapo ka na niyan? Mukha ka pa ngang paa ko e!" pabirong sabi niya habang kunyare ay nasusuka. Buti nalang mapigilan ko ang sarili kung 'wag tumawa dahil sa dalawang 'to.
"Guys, stop it! Nakakahiya kay Claire oh, ang iingay niyo. Umayos kayo dyan panay kayo kalokohan!" panenermon ni Axel. Natahimik ang dalawa pero hindi pa din natapos ang asaran nila. Maririnig mo pa rin ang bulungan nila na nagyayabangan. Mga isip-bata.
"Pasensiya na Clare ha? Ganyan talaga 'yang dalawang yan palagi. Sanay na ako pero ikaw baka naiirita ka kaya pinatigil ko," tumingin siya sa akin at nagkamot ng ulo.
Napangiti ako sa kaniya, napakabait neto bakit napasama siya sa ganitong kaibigan? Tinakot ba ni 'tong taong 'to kaya napilitang sumama sa kanila? Hindi siya bagay sa grupong 'to.
"A-ayos lang naman sa akin," sabi ko nalang.
"Nga pala Claire, na-excuse ka na pala sa lahat ng subjects mo ngayon. Nag-decide kami na mag-practice kayong mga participants ngayon ng isang buong araw para sa susunod na araw magfo-focus nalang kayo sa mga audition piece niyo..." Napatango ako sa sinasabi niya.
Nagpatuloy kaming maglakad at natanaw kung malapit na kami sa school gym.
"Kumusta 'yong sayo? Di'ba, nagtra-trabaho ka pa? Hindi ba sobrang nakakapagod 'yon? Nag-aalala niyang tanong.
"Actually, nakakapagod nga ng sobra. Minsan hindi ko na alam kung papaano ko pagkakasyahin ang oras ko para sa trabaho, pag-aaral at pagpa-practice. Pero ayos lang, masaya naman ako habang ginagawa ko 'yon..." I look at him and I see his amused face.
"Eh? A-anong tingin 'yan?" naiilang kung tanong. Bigla siyang natauhan sa tanong ko. "Sorry, I was just amaze by you. Not all girls are like especially at this age. Swerte ng magulang mo sa'yo..."
Really? Swerte nga ba talaga ako para kila Mama at Papa?
Nginitian ko nalang siya at sabay na kaming pumasok sa gymnasium. Naupo kaming lahat at sabay-sabay na naghintay sa coordinator. Naupo sa harap naming ang grupo nila Aaron.
"So, good morning contestants. Ngayong araw naming ibibigay ang musics para production numbers niyo. 1-minute and 30 seconds ang time at kayo na rin ang gagawa ng sariling choreography. Dito natin masusukat kung gaano kalawak ang pag-iisip niyo sa mga steps na pwede niying gamitin sa sayaw niyo. Iisang genre lang namana ng gagamitin niyo which is "Modern Dance..." nakikinig lang kami sa mga instructions na sinasabi.
Isang linggo na din akong nagpa-practice pero kapag naiisip kung sasali ulit ako sa competition ay kinakabahan ako. Toto na talaga 'to!
"So, dahil excuse kayo sa mga classes niyo, gagamitin natin itong oras na ito para maka-isip at maka-practice. I know that this will be exhausting but I trust in you all," she smile. "You can get your music here and start practicing. Good luck!"
Agad na kaming lumapit at isa-isang kinuha ang music na dapat naming sayawin sa production number.
Hindi na kailangang itago sa iba yung music na 'to, Dahil bantay kami ng mga coordinators, walang mangangahas na manggaya ng choreography ng iba. Dito na rin nagsisimula ang pagja-judge nila sa amin kung sino ang deserving sa awards for "Best in Production Number."
Nagsimula na silang gumawa ng mga steps na pwede nilang isayaw. Ako naman, pumunta sa dulo at pinakinggan ang music. I close my eyes para mas maisip ng steps na babagay sa beat ng tutog. Naramdaman ko nalang na may taong umupo sa harapan ko.
Nang matapos kung pakinggan ay kanta ay minulat ko ang mata ko, at sobra ang gulat ko ng nakita kung nasa harap ko na si Aaron.
"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko.
"Obviously, sitting and watching you," he answered. Napakapilosopo talaga, kainis!
"I know pero 'bat dito? 'Bat ako?"
"Huwag kang mag-assume, pwede ba? Inassign kami to look for you all, baka kasi may mag-gayahan ng steps at para na din mag-judge sa inyo..." Hindi ako agad nakapag-salita dahil sa sinabi niya. Parang kalian lang mabait siya sa akin ha? Babae 'ba to? Parang siyang may mens!
"Why, you want Axel to watch you instead of me?" sabi niya habang masamang nakatingin sa akin.
Ha?
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...