Fight
Naabutan kung nagluluto si Lola ng makauwi ako sa bahay. Agad siyang lumingon at tila nagulat nang makita ako.
"Akala ko ba may pupuntahan kayo ni Aaron?" nagtatakang tanong niya. Pinaalam kasi ako ni Aaron na aalis kami ngayon, palagi naman tuwing gusto niyang umalis kami...
"Ma-may mga nangyari po Lola, bigla pong sumama ang pa-pakiramdam ko kaya hinatid niya ako dito. Hindi na nga lang siya pumasok dahil may importante siyang pupuntahan," pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba? Ano ba ang masakit sa'yo? Kumain ka muna at para makainom ka ng gamot..." Puso ang masakit sa akin La, I don't know why I'm feeling this way, but dang I can't help it!
Agad akong umiling sa suhestiyon ni Lola. "Kumain na din po ako kanina kasama si Aaron, sa tingin ko kulang lang ako sa tulog kaya pagpapahinga nalang po ako sa kwarto..."
"Sigurado ka ba dyan, apo?" tumango namana ko. "O sige, pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga ka na... tawagin mo lang ako kung sa tingin ay lumala ang sama ng pakiramdam mo, ha?"
"Opo, La. Salamat po, pahinga lang po ako saglit..." sumang-ayon naman siya kaya agad akong pumunta sa kwarto ko.
Pagkasara ko ay agad akong sumandal sa pinto at doon ko ibinuhos ang mga emosyong kanina ko pa pinipigilan. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa dibdib ko, ang isa naman ay tinatakpan ang bibig ko at pilit na nilalaban ang ano mang ingay na magagawa dahil sa hikbi.
Bakit sobrang sakit? Walang-wala 'to sa mga naramdaman ko noong kay Axel... I don't feel this kind of pain before, mas grabe.. mas masakit.
Umupo ako sa kama ko at inilabas ang cellphone ko, kailangan kung i-text si Aaron para di siya mag-aalala. Agad ko itong binuksan at pumunta sa messages. Unang-una kung nakita ang pangalan ni Aaron. Palagi kasi siyang nagte-text at naga-update sa akin.
Mapait akong napangiti ng makita ko ang nickname na nakalagay. My Aaron Daze<3... siya ang naglagay dyan hindi ko na din inalis dahil cute tignan.
To: My Aaron Daze<3
Nakauwi na ako.
Pagtapos kung i-text siya ay agad kung itinago ang cellphone ko at humiga sa kama ko. Niyakap ko ang unan ko at doon umiyak hanggang sa mapagod. Hanggang sa naramdaman kung bumibigat ang talukap ng mata ko...
Kinabukasan nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw. Tinignan ko kung anong oras na, late na ako para sa first subject namin. Agad na akong tumayo at naligo.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, mugto ang mata ko. Hindi naman ganon kalala pero baka mag-alala pa si Lola kapag nakita akong ganito. Buti nalang may naiwang makeup kit si Jai dito, medyo may alam naman ako dahil itinuturo ni Jai sa akin ang ilang gamit nila kapag inaayusan niya ako.
Kinuha ko ang concealer ko at tinakpan ang mugtong parte ng mata ko. Agad na akong bumaba at naabutan ko si Lola na naghahanda ng almusal.
"Ayos na ba ang pakiradam mo, apo?" nag-aalalang tanong ni Lola. Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. "Opo, La..."
"Kumain kana, apo para makainom ka ng gamot. Papasok ka ba din ba ngayon?" tumango naman ako habang kumakain. "Opo, La.. ayos lang naman ako kaya wag kang mag-alala,"
"Ganon ba? Pasensiya na at hindi kita nagising dahil ang akala ko ay mas sumama ang pakiramdam mo kaya di ka na kita ginising,"
Uminom ako ng tubig dahil busog naman na ako. "Ayos lang, La.. unang subject lang naman ang hindi ko mapapasukan. Tsaka magtatanong nalang ako sa mga classmates ko,"
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...