Chapter 21

16 3 0
                                    

Moments

Ilang araw nalang bibilangin at magaganap na ang competition. Actually, maayos naman na ang akin, thanks to Aaron. At ang lalaki kung 'yon ay hindi ko na naman nakita.

I'm just sitting in the school bench, vacant time kasi naman kaya dito ko naisipang magpahinga muna ng sandali. Nagulat nalang ako ng may bilang tumabi at umakbay sa akin. Sasampalin ko sana kaso paglingon ay nakita ko si Axel.

Hindi pwedeng masugatan ang mukha ng gwapong 'to, masyadong makinis.

"Grabe, ikaw pala 'yon, akala ko kung sino na," napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat at agad na umayos ng upo.

"Sorry, did I scare you?" bahagya siyang napatawa, agad naman akong umiling. "Hindi naman..."

"Vacant time?" tumango ako. "A-ah, oo. Busy kasi prof namin e, bakit ka nga pala nandito? Vacant niyo din?"

"Yeah. Here, drink it," agad akong umiling. 

"Hi-hindi na, okay lang ako. Wala kang ibang gagawin?" pag-iiba ko ng topic.

"Kunin mo muna ito bago ko sagutin 'yang tanong mo." he said while pouting. Paano ko matatanggihan 'to kung ganito ka-cute? Kinuha ko nalang kaya naman patuloy siyang magpa-cute at patuloy din akong mahulog. Hindi ko kinakaya!

"So, 'yon nga wala din kaming prof kaya bumili lang ako ng Iced Coffee," pagpapatuloy niya at inom sa coffe niya. 

"Bakit dalawa ang binili mo? Favorite mo?"

"No, kay Aaron 'yan, paniguradong nakakunot na ang noo non ngayon sa kakahintay." natatawa niyang sabi. Muntik ko ng maibuga ang iniinom kung Iced Coffee dahil sa kaniya. Kay Aaron pala ito!

"Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong habang hinahagod ang likod ko dahil inuubo ako.

Tumango-tango ako at hinarap siya, "Ayos lang, bakit naman di mo sinabing kay Aaron pala 'to? Baka magalit 'yon sa'tin.."

"Hindi 'yan, ako bahala," inabutan niya ako ng panyo. "Sabi mo e, salamat."

Pareho kaming tumahimik, siya busy sa pag-inom ng kape niya. Habang ako hindi ko alam kung iinumin ko pa ang sa'kin, baka isumpa na ako ni Aaron nito.

Ang awkward ng paligid naming, o baka ako lang nakakaramdam non? Paano ba naman kasi ngayon lang nangyari kaming dalawa lang ang magkasama. Madalas ko lang naman siyang nakakausap kapag nandiyan ang mga kaibigan niya. Hindi din naman siya magawang lapitan dahil nahihiya ako. Ewan ko ba.

Paminsan-minsan akong sumusulyap sa gawi niya. Nakaupo lang naman siya, pero bakit ang gwapo niya? Bakit kahit wala siyang ginagawa, kumikinang siya? Unti-unti kung kinakabisado ang hulma ng mukha niya. Mula sa mata, kilay, ilong hanggang sa labi niya. Everything is just perfect, he is too perfect for me.

"Kung ayaw mong masaktan, pigilan mo 'yang puso mo..."

Bigla kung naalala 'yong sinabi ni Aaron sa'kin. Oo nga pala, dapat pigilan ko, dapat itigil ko na 'to. Ayokong masaktan, takot akong masaktan. Baka hanggang tingin nalang talaga ako sa'yo, Axel.

"Claire, napapansin ko lagi kayong magkasama ni Aaron, okay na ba kayo?"

"Ha?" nagulat ako dahil sa tanong, nakatitig lang naman kasi ako sa kaniya kanina pa e. Go back to your sense, Claire. "Ano nga ulit 'yon?" umayo ako ng upo at tinanong siya.

"Napapansin ko lang na madalas na kayong magkasama ni Aaron? Okay na ba kayo? Anong meron?"

"Yon ba? Ayos na, wala na sa'kin 'yon. Tinutulungan niya lang ako ngayon para sa competition," sagot ko naman.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon