Chapter 10

30 4 0
                                    

Reason

Hinayaan ko lang magdesisyon ang paa ko kung saan ako pupunta. I just wanted to stay away from those people. Hindi na ako nakapasok sa mga klase ko. Tinignan ko 'yung paligid ko, nasa park pala ako. Malawak, mahangin at tahimik.

 Bigla kung naalala 'yung dati. Sa park din kami tumatambay, nagtatawanan at nagpra-practice.

Oo, sumasayaw ako. Kaya ganon nalang 'yung excitement ni Jai ng malaman niya na sasayaw uli ako. Matagal na kaming magkaibigan at nakita niya kung gaano ako kasaya habang sumasayaw ako.

Everything is so fun. I have my own happy family, I have my friends with me, and I'm dancing. My life is almost perfect, kung hindi lang nangyari 'yong aksidente.

"Guys, I have an important announcement. Dahil sa nanalo tayo last competition dito sa school, sinama nila tayo sa isa pang contest sa Baguio. So, kailangan na ulit nating mag-ready for our next competition. Magpaalam muna kayo sa mga parents niyo, at kung sino ang papayagan 'yon lang ang sasama. Let's call it a day for now. Diretso uwi na ha!" agad na kaming tumayo at nagsimulang maglakad.

"Guys, nakaka-excite pupunta tayong Baguio! Sama kayo ha?" Dahlia said.

"Paalam na tayo. Sayang din opportunity, malay mo may maka-discover satin, di'ba?!" napatango ako. Sabagay baka may mga nanonood na naghahanap ng talents.

"Ikaw Claire, pupunta ka ba?" Jude asked.

"I don't know, magpapaalam muna ako kay mama at papa. Medyo malayo kasi 'yong Baguio. Paniguradong mag-aalala sila.." saad ko. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Hanggang sa naghiwalay-hiwalay na kami ng daan at nakauwi na.

"Mano po, Pa." nagmano ako at inilapag ko ang 'yong bag ko sa upuan.

"Oh, anak kumusta ang school?" tanong sa akin ni papa.

"Ayos lang naman po, Pa. Nasaan po si Mama?" tanong ko. "Buti naman. Ang mama mo nasa kusina, tulungan mo na at para makakain na tayo.." agad na akong pumunta sa kusina at tinulungan si mama na maghain ng pagkain.

"Pa, kain na po tayo!" nagsandok na ako ng kanin at nagsimula ng kumain.

Bigla kung naalala 'yung competition na sasalihan namin. Paano ko ba sasabihin?

"Ma, pa may ipapaalam po sana ako..." tinignan nila ako.

"Ano yon, nak?" tanong ni mama.

"Diba po nanalo kami sa competition sa school?" tumango sila. "Nabigyan po kasi kaming ng chance na sumali sa isa pang competition, ang kaso nga lang po ay sa ibang lugar po.."

"Talaga, nak? Saan naman yan?" tanong sa akin ni papa. "Sa Baguio po, gusto po talagang sumama don. Baka po ma-discover, diba po? Makakatulong na ako sa inyo dito sa bahay..." natutuwa kung sabi.

"Nak, masyadong malayo yang Baguio. Wala kami don para tignan ka. Huwag ka ng sumama, mag-aalala lang kami sa iyo niyan," saad ni papa. Agad akong napayuko at napasimangot.

"Tama ang papa mo, nak. Tsaka nagtra-trabaho naman kami ng mabuti para matustusan ang pangangailagan natin at sa pag-aaral mo. Ang gawin mo nalang ay pagbutihin ang pag-aaral mo. Maari kang sumayaw dahil alam naming kaligayahan mo 'yan pero huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo..." dagdag ni mama.

"Sabihin mo sa mga kasama mo na hindi ka sasama dyan, nak. Masyadong malayo," tumango na lamang ako bilang tugon at nagpatuloy sa pagkain.

Nalaman nila Dahlia na hindi ako makakasama sa contest. Pero dahil sa mapilit sila ay sila na daw ang gagawa ng paraan para makasama ako. Kaya sumama ako sa pagpra-practice ng sayaw.

Mahirap, nakakapagod pero panigurado kapag naayos na namin ito ay may pag-asa kaming manalo.

Bago ang araw ng kompetisyon ay pinaalam nila Dahlia na gagawa kami ng project sa bahay nila at doon na din ako maghahapon dahil marami-rami ang gagawin. Sinabi rin ni Dahlia na hindi din siya pinayagan ng magulang niya na sumama sa contest kaya mag-aaral nalang kami.

Pumayag naman sila mama at hinayaan ako dahil kapani-paniwala naman ang palusot na sinabi ni Dahlia.

"Excited na talaga ako, Claire. Ewan ko ba kung anong mararamdaman ko..." napatawa na lamang ako sa mga ginagawa at pinagsasabi ni Dahlia. Nasa byahe na kami papunta sa venue kung saan gaganapin ang competition.

Biglang nag-vibrate yung phone ko kaya tinignan ko. Nagtext pala si Jai.


From: Jai Gorgeous

Goodluck, Claire. Sorry I can't go to support you :< Pero alam ko namang kaya niyo yan, ang gagaling niyo kayaa! I miss you mwa!

Ako:

Thank you so much, Jai. It's okay, malayo din ito. Kakayanin namin! I miss you more huhu :<


Naging madalang nalang ang pagkikita namin dahil parehas din kaming busy ni Jai. Ako busy sa practice, siya sa mga projects niya. Pero nag-uusap namin through text minsan.

Natapos ang compepition. Hindi kami ang nag-champion pero nanalo pa din naman kami. 2nd place kami, sobrang saya pa din namin. Hindi namin inaasahan na mananalo kami, dahil sobrang gagaling ng mga contestants.

Nagkatuwanan at kumain muna kami bago kami umuwi. Sumakay na kamk sa van, at doon ko lang tinignan yung cellphone ko. Ang daming text nila Jai at Tita Alice.


From: Jai Gorgeous

Claire nasaan ka?

Hinahanap ka sakin nila Tito. Wala ka daw sa bahay nila Dahlia.

Hindi ka ba nagpaalam na sasama ka sa competition?


Kanina pa 'to na-send ni Jai, ano bang nagyayari?


From: Jai Gorgeous

Nag-aalala na ako sayo at mas lalo sila tita at tito. You should call them, para masagot mo mga katanungan nila.

Hoy, Claire!

Please reply. Aalis sila para sunduin ka.


From: Tita Alice

Joy, nasaan ka ba? Nag-aalala na kami sayo. Hindi mapakali ang mama mo.

Pinuntahan ng mama at papa niyo ang school mo at nagtanong kung nasaan ginanap ang contest na 'yan.


Ano? Pupuntahan ako nila mama dito, lagot na!

Napatingin ako sa orasan, 7:15 PM na pala. Hindi ko na namalayan ang oras. Paniguradong nag-aalala na sila. Paano na yan? Lagot talaga ako!


Ako:

Tita pauwi na po ako. Pasabi nalang kila mama na bumalik na at sa bahay nalang kami mag-usap.

From: Tita Alice

Claire, kailangan mong pumunta sa Metro Bacolod Hospital. Ang mama at papa mo, nabunggo ang sinasakyan nilang tricycle sa truck. Madilim kasi ang daan at makipot kaya nangyari ang aksidente.


Nanlamig ang katawan ko. Naaksidente ang magulang ko dahil sa akin. Ako ang dahilan!

Nadala sa hospital sila Mama at Papa, pero hindi na naagapan. Walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko dahil sa nangyari. Kung pinili ko lang na sundin 'yong sinasabi nila, edi sana magka-kasama pa kami ngayon. Masaya at buo pa kami.

If only I know kung mangyayari ito ay hindi na ako pumunta, mas gusto kung makasama sila kaysa sa sayaw na yan!

Bakit ba kasi puro sarili ko nalang iniisip ko? Kasalanan ko, kasalanan ko 'tong lahat!

Dahil sa akin nawala sila, nawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ang taong nagbibigay sa akin ng lakas at pag-asa.

I loss my parents because of me.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon