Chapter 12

29 4 0
                                    

Consequences

Should I enter o not? Nandito ako sa office kung saan nagme-meeting at nagpla-plano ang mga coordinators for the competition.

Hindi lang kasi facilities ang maganda sa school na 'to, pati na din ang mga events na gingaganap dito. Madalas ngang naipapalabas sa TV ang mga events dahil sa sobrang garbo, lahat pinaghahandaan. Kaya maraming gustong mag-aral dito, isa na ako doon.

At salamat sa Diyos ay pinalad akong makapasok.

Kaso mukhang wrong timing yata ang pagpunta ko dahil maingay sa loob. Baka may problema o meeting sila ngayong araw?

Sa susunod na araw nalang kaya ako pumunta?

"Papasok ka ba, Miss?" napalingon ako sa nagsalita. "Kung papasok ka pakibilisan at marami akong bitbit. Baka ako pa ang pagalitan kapag nahuli itong mga papeles, 'wag kang haharang diyan.." yumuko ako at bahagyang umatras. May dala siyang box na may laman na papel.

"A --ah, tulungan ko na po kayo.." Ako na din ang nagbukas ng pinto at pumasok na sa loob. Medyo magulo sa loob, ang daming nagsasalita, yung iba naglalakad-lakad.

"Pakilapag nalang dito, Miss. Salamat ha," tinuro niya ang lamesa at nilapag ko na 'yong nga gamit niya. Ngumiti nalang ako at tumango.

"Miss, sino po dito 'yong may hawak ng list ng mga contestants? 'Yong head po dito?" tanong ko. "Ah yung coordinator. Ayon siya..." agad kung tinignan ang tinuro niya.

Tinignan ko ang tinuro ng babae, seryoso siyang nakatingin sa monitor ng kaniyang computer at nakakunot ang noo. Mukhang badtrip, paano na?

Lalapitan ko pa ba? Kasi naman baka pagalitan ako, kaso saying naman ang pinunta ko dito. Nakapasok na ako kaya itutuloy ko nalang. O 'wag nalang? Bahala na!

Sa huli ay nilapitan ko nalang siya at naglakas-loob na magtanong.

"Good morning po Ma'am..." panimula ko. Kinakabahan talaga ako!

"What is it?" nakatingin pa din siya sa monitor at hindi nag-abalang tignan ako.

Hingang malalim, Claire.

"Ma'am, isa po kasi ako sa mga nakasama sa contestants para Dance Competition na gaganapin..." nakatingin pa din siya sa monitor at mukhang walang pakialam sa sinasabi ko. "Gusto po sana na ipa-tanggal ang pangalan ko sa listahan. Pasensiya na po talaga sa----"

"What did you just say?" mahina ngunit may diin na sabi niya.

"Iniligay lang po kasi doon ang pangalan ko ng hindi ko alam, hindi ko naman po sinasadya. Masamang biro lang po 'yon..." nakayukong saad ko.

Napatayo siya at hinampas ang mesa. "Anong biro? Do you think na biro lang 'tong ginagawa naming? Na madali lang 'tong ginagawa namin?" sabay turo niya sa mga nasa loob ng silib. Tahimik lang silang pinagmamasdan ako, 'yong iba naman ay tinuloy ang trabaho dahil ayaw mapagalitan.

"Alam ko pong mahirap ang ginagawa niyo kaya nga po ako humihingi ng pasensiya. Hindi ko po alam kung bakit niya ginawa sa'kin 'yon, sana po maintindihan niyo..."

"Pasensiya? Malapit naming matapos lahat ng plano para sa event tapos sasabihin 'yan ngayon? Sisirain mo dahil sa walang kuwenta niyong biro?" galit nag alit niya akong dinuro. "Paano kita iintindihin kung kami nga hindi niyo maintindihan? Hindi niyo iniisip 'yong hirap na pwede naming danasin dahil sa mga biro niyo. Malalaki na kayo, alam niyo na dapat na hindi biro-biro lang ang buhay, trabaho namin ang nakataya dito.." napayuko ako.

Pinigilan kung umiyak at tinanggap nalang ang mga masasakit na salitang sinasabi niya. Kung hindi ko naman kasi pinatulan si Aaron hindi na kami hahantong sa ganito.

Dapat kasi tiniis ko nalang, dapat hinayaan ko nalang. Tulad nalang ng lagi kung ginagawa.

"We're all working hard for this event, hindi nakakakain sa tamang oras at kailangan pa naming mag-over time. Aware ka naman sa mga ginaganap na events dito, right? Magarbo at elegante. Kailangan naming ibigay ang best naming para maabot ang gusto ng mga tao!"

Tama siya, hindi dapat sila mag-adjust para lang sa akin. Sino ba ako, di'ba? Isa lang akong hamak na scholar sa school na 'to.

"Wala ka bang kayang gawin ha? Wala ka bang talent? Puro biro nalang ang alam mo?" napaangat ako ng tingin ng dahil sa sinabi niya.

"Ah—hindi naman po sa ganoon Ma'am," nauutal kung sabi.

"Sorry to say this Miss, but you will join the competition whether you like it or not. Face the consequences that you made!" final na sabi niya. Nanlaki ang mata ko at tinignan ko ang coordinator na nakatingin sa akin ng diretso at halatang hindi na mababago ang isip.

Paano na? Hindi ako pwedeng sumayaw ulit, hindi ko kaya. Ayokong mawalan ulit ng mahal sa buhay.

"Anong tinitingin niyo dyan ha? Go back to your work!" umupo na siya at agad ding bumalik sa trabaho ang mga nanonood sa amin kanina.

Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. I don't know what to do. I'm so helpless. I want to cry, but not here.

Sinimulan ko ng maglakad papalayo sa table ng coordinator. Dinaluhan din ako ng babaeng tinulungan ko kanina at sinamahan hanggang sa makalabas sa loob ng kwarto.

"Are you okay? Sorry sa inasal ni Ma'am Ferrer kanina. Sobrang stress lang talaga namin dahil sa madami ang demand ng mga students at mga nakakataas.." pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Ayos lang po, naiintindihan ko po. Sorry po talaga sa ginawa ko..."

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kung paniwalaan. Pero ano ng gagawin mo niyan? Mukhang buo na ang desisyon ni Ma'am na hindi ka tanggalin sa mga contestants? Sumasayaw ka ba?" hindi ako agad nakasagot sa tanong niya.

"Gagawa nalang po ako ng paraan. Sige po salamat po sa pag-aalala. Ayos na po ako dito, pwede na po kayong bumalik doon at baka marami pa po kayong ginagawa. Salamat po ulit.." I thank her sincerely.

"Naku, walang anuman. Sige mag-ingat ka ha?" Nagpaalam na siya at bumalik.

Napaisip ako sa tinanong niya kami. 

Sasayaw pa ba ako? Kaya ko pa ba? 

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon