Regrets
Kung kahapon ay pinagtatawan nila ako dahil sa video, ngayon naman ay tinitignan nila ako ng masama dahil sa ginawa ko kay Aaron.
Bakit ba? Bagay lang naman sa kaniya, at siya din lang naman ang may kasalanan. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil sobra na siya! Hindi pwedeng hahayaan ko nalang siya na pahirapan ako ng sobra.
Aba bahala sila, isipin nila ang gusto nilang isipin!
Ang problema ko ngayon ay kung paano ko nga ba mapapatanggal 'yong pangalan ko sa list ng mga contestants? Mamaya ko nalang iisipin yon, makikinig muna ako sa professor ko. Nadito ako para mag-aral ng mabuti, hindi para magmukmok.
"That's all for today class. I will announce your next activity next meeting. You can have your lunch." pagka-sabi ni prof ay agad na kaming tumayo. Bago pa man ako makalabas ay may humila sa akin at tinulak ako pabalik sa classroom.
"Who the hell are you para gawin 'yon kay Aaron, ha? Bakit mo sinampal at sinigawan siya? Ang akala mo ba ay kaya mo siya? " galit na saad ni Iris. Tumango-tango pa 'yong mga kasama niya. Pinigilan ko ang sarili kung umirap dahil sa mga sinabi ng babaeng 'to.
Bagay lang anman sa kaniya 'yon, kulang pa nga!
Mga admirer ni Aaron, na nasisilaw sa kagwapuhan niya pero hindi nila nakikita 'yong masamang ugali niya. Tss!
"Alam kung mahirap lang ako, pero hindi ko ginawa 'yon para lang magmataas o magpapansin. Ayoko ng gulo, so let me just go outside..." I said in calm way. Ayokong pag-initan nila ako, ako ang kawawa kasi hindi ko sila kaya. Ayoko ng panibagong stress!
"Sa tingin mo ba hahayaan ka naming umalis ng hindi nakakaganti sa ginawa mo kay Aaron? Ako na ang babawi sa kaniya, triple pa!" mabilis akong hinawakan ng mga alipores niya.
Tumingin ako sa labas pero walang halos dumadaan. Lunch break na kasi. Nagpupumiglas ako pero masyado silang madami. Argh! Paano na yan?
Pinipilit kung kumawala pero ang higpit ng hawak nila sa akin. Babae ba 'tong mga to? Masakit na ha!
"Iris, Mika, Lucy, Shea! Ano ba yang ginagawa niyo?" napalingon ako sa nagsalita. Si Axel, one of Aaron's friend.
"Axel, tinuturuan lang namin siya ng lesson. She need to know her place!" sabi ni Mika.
"Para kayong bata, itigil niyo 'yan or else isusumbong ko kayo sa Dean..." pananakot ni Axel.
Kaya agad nila akong binitawan at sinamaan nalang ng tingin. Hinila ako Axel sa tabi niya. Mukhang takot sila na maipatawag ang mga parents niya sa school dahil sa mga ginagawa nila.
"Maswerte ka lang ngayon Claire dahil nandito si Axel. But, if you did that again with Aaron, better hide because you're dead!" Nakahinga na ako ng maluwag ag dahan-dahang hinihilot ang kamay ko na namumula na. Garbe naman kasi 'yong hawak nila!
"I'm so sorry sa attitude ng mga 'yon. Are you okay? Gusto mo bang pumunta tayo sa clinic at gamutin 'yan?" nag-aalalang tanong ni Axel habang nakatingin sa kamay ko.
"Hindi, ayos lang ako... Thank you ha? Kung hindi ka dumating baka kung ano ng mangyari sa akin."
Ibang-iba talaga si Axel kay Aaron. Bakit ba sila naging magkaibigan? Ang bait niya, si Aaron? Ah, nevermind.
"You're welcome. Basta wag mo nalang silang pansinin. They're just too obsess with Aaron.." napatawa ako sa sinabi niya. Axel is right, obsess sila pero hindi naman sila pinapansin ni Aaron. They're just wasting their time.
"Anyway, thank you Axel. Una na ako kasi naghihintay na sa akin panigurado 'yong kaibigan ko. Bawi ako next time!" tumango nalang siya at ngumiti kaya naglakad na ako papauntang cafeteria.
Pagkarating ko sa cafeteria ay agad kung hinanap si Jai. May mga naririnig akong bulungan na sigurado akong ako ang pinag-uusapan nila. Nang mahanap ko si Jai, agad na akong umupo sa tabi niya.
"Jai, sorry ngayon lang. Nagka-problema kasi e. Thank you sa pag-order. Kain na tayo..." kinuha ko na ang kutsara at nagsimulang kumain.
"Ano bang nangyari?" tanong niya.
"Kasi may nangharang sa akin kanina, admirer ni Aaron," biglang nagbago ang expression niya. "What? Anong ginawa nila sayo? Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.
"Don't worry Jai, hindi naman nila ako nasaktan. May dumating naman para tulungan ako..." nakangiting saad ko.
"Buti naman," napatango siya. "Claire, nabalitaan ko 'yong ginawa mo kahapon. Ayos ka lang ba? Hindi ba, I told you na if you need anything you can always call me? Edi sana sinamahan kitang awayin 'yong Aaron na 'yon!"
"Ano ka ba Claire, hindi ba sinabi ko naman sa'yo na kaya ko? Kaya 'wag ka ng magalala sa akin, di uubra si Aaron sa mga muscles ko.." sabay flex ng muscles ko kaya natawa nalang siya.
"Anong meron dyan Claire? Buto?"
Nagkunwari akong nasaktan at humawak sa dibdid ko. "Grabe ka naman sa akin Jai, ang sexy ko kaya! Ang sakit mo sa puso..."
"Oo na sexy ka na, tama na ang mga jokes kumain kana!" sabay subo sa'kin ng fries.
"Baka nakakalimutan mo Jai, kaibigan mo ako ha. Fine, ikaw din kumain kana.." pareho kaming natawa. Tinapos nalang naming ang pagkain naming dalawa at nagkuwentuhan sa mga nangyari sa klase namin.
Ayoko ng pag-usapan naming ni Jai ang tungkol sa problema ko, ako ang dapat lumutas non. Hindi na dapat siya mainvolve sa gulong ginawa ko.
Dahil medyo mahaba pa ang time bago magsimula ulit ang klase ay humanap muna kami ng place kung saan pwede kaming tumambay.
"Alam mo ba Claire, napaka-sungit ng prof naming ngayong araw. Mukhang nag-away sila ng jowa niya, kami pa yata mapag-iinitan. Nakakainis! " napatawa ako dahil sa sinabi niya.
"Paano mo naman nasabi aber?"
"Ah basta! Sana mag-break na sila.." Ang bitter talaga ng babaeng 'to.
Nagkuwentuhan lang kami at nagpalipas ng oras.
"Claire?"
"Hmm?"
"Paano 'yong competition na sinali ka ni Aaron? Anong gagawin mo para maalis ka don?" natahimik ako sa tanong niya. Oo nga pala, yung competition.
"Hindi ko nga alam Jai. Siguro kakausapin ko nalang 'yong coordinator na ialis na yung pangalan ko doon." Sana, sana pwede.
"Buti pa nga. Pero alam mo Claire, dapat sumayaw kana ulit. Nakakamiss makita 'yong dating ikaw sobrang nag-eenjoy sa pagsasayaw. Gusto ko ulit makita 'yong ganong ngiti mo, Claire. Sana wag mong isisi lahat sa sarili mo 'yong nangyari..." napa-iwas ako ng tingin sa sinabi ni Jai. Tumingin ako sa langit.
"Hindi ko alam kung kaya ko pang sumayaw ulit," Natatakot ako. Natatakot akong may masaktan ulit ng dahil sa akin.
Ayokong gawin ulit 'yong dahilan kung bakit ako nawalan ng mahal sa buhay. Hindi ko na kakayanin.
"Basta kung kailangan mo ng tulong nandito ako Claire, okay? Handa kitang tulungan anytime.." nginitian ko siya at tumango.
Hindi madali sa akin na tanggapin ang lahat ng 'yon. Hindi ko din mapigilang sisihin angsarili dahil ang totoo ako naman ang dahilan kung bakit sila nawala.
Halos gabi-gabi akong di makatulog at umiiyak.
Dahil sa pagsasayaw ko ay nawala sila, nawalan ako ng dahilan para maging masaya ulit!
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...