Chapter 15

34 4 0
                                    

Safe

I'm at the park right now. Naisipan ko na dito nalang mag-practice, mas tahimik at mas makakagalaw ako. Halos ilang oras ko pinag-isipan kung itutuloy ko ang pagsali. Tama naman si Jai, dapat hindi ko ikinukulong ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman sinasadya.

Gusto ko din sumaya tulad noon, gusto ko ulit maramdaman yung saya.

I know my parents won't be happy if I keep blaming myself, alam nilang masaya ako dito kaya panigurdaong susuporthan nila ako.

Hinihintay ko nalang si Jai ngayon, dahil gusto niyang sumama at makita sasayaw ako ulit. She is just so excited, sobrang tagal niya ng pinaiintindi sa akin 'yong mga ganitong bagay, pero pilit kung hindi pinakikinggan dahil kasalanan ko naman talaga e.

Kung hindi dahil sa pagiging pasaway ko, may kasama pa sana akong mga magulang ngayon.

"Good Morning, Claireeeee!" She greet me with a very big smile.

"Good morning din, Jai. Ang hyper mo today ha," umupo siya sa tabi ko at binigay sa akin ang Iced Coffee na binili niya.

"Of course, pinaka-hihintay ko itong moment na ito. Kaya dinala ko din 'tong camera ko para makuhan kita ng pictures and video..." napatingin ako sa dala niyang camera.

One of my best supporters ever since...

"Sige na magsimula kana, nakapili ka na ba ng sasayawin mo?" She asked me.

Agad akong tumanggo. "Oo, 'yong ibang music na ginamit naming noon, at nag-tingin na din ako sa internet kung ano bang mga bago ngayon..." sabi ko kay Jai. Pinarinig ko sa kaniya iyong music na gagamitin ko.

"Wow! Music pa lang panalo na. Gusto ko'yan, may angas pero sexy pa din. Kung magaling lang ako sumayaw, ako nalang lalaban e..." bibong sambit ni Jai.

"Baliw ka talaga, tara na magsimula na tayo..."

"Game na. Umayos ka na at kukuhan kita ng video!" nilabas ni Jai ang kaniyang camera at sinenyasan akong humanda.

"Practice lang naman ito, Jai. Pangit din lang ang kalalabasan ng video mo dahil paniguradong puro mali pa ako," saad ko kaya sinimangutan ako ni Jai.

"Wag kang basag trip dyan, Claire. Magpractice ka nalang kasi..." napatawa ako dahil para siyang batang excited manood ng cartoon movie.

"Ito na po, Madam..." May dala akong maliit na bluetooth speaker at doon pinatugtog ang music na sasayawin ko. Dahil nangangapa pa ako at practice lang ay puro mali pa. Iniisipan ko pa ng bagong steps ang iba para mas maging maganda.

Dahil nga nasa 5 minutes ang maximum na minutes ng pagpeperform ay mas nahihirapan ako sa pag-iisip ng maari pang ilagay.

Halos ilang oras na din simula ng nag-practice ako kaya napagpasiyahan ko munang tumigil at magpahinga. Pagod na din ako at wala ng pumapasok sa isip kung iba pang steps.

"Inumin mo muna ito, Claire..." inabutan ako ni Jai ng isang bottled water at towel. Uninom ko 'yon dahil hingal na din ako.

"Salamat, Jai..." sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko. Sa tinagal-tagal kung hindi nakakasayaw ay ganoon nalang ang pagod ko. Grabe!

"Alam mo, Claire ikaw na! Bakit ang galing-galing mo pa din kahit ngayon nalang ulit?" naamaze na sabi niya habang nakatingin sa mga kuha niya kanina.

"Hay nako, napakabolera mo talaga kahit kailan! Pangit pa nga ang mga steps ko at panay pa ang mali..." napabuntong-hininga ako at sinandal ang likod sa upuan. Panigurdaong magagaling ang kalaban ko wala akong panama sa kanila.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon