Batangas State University
"Good morning universe! Good morning Claire..." bati ko sa sarili ko habang nagsusuklay. "Good morning...."
I'm just so happy. I finally made it! Nakapasok ako sa university na gusto ko... at nila Mama at Papa na pasukan ko.
Proud ba kayo sakin Ma, Pa?
After I fix my hair. Sinuot ko na 'yong white t-shirt ko at ti-tuck-in sa mom jeans. I wear my white shoes, and I'm done. Wala pa akong uniform kaya ito muna.
Maaga akong gumsing ngayon dahil may kalayuan ang school ko sa inuupahan namin.
"Claire anak, halika na dito handa na ang almusal. Kumain kana para hindi ka malate!" sabi ni Lola. Dahil tapos naman na akong mag-ayos, agad na akong pumunta sa kusina ng matapos akong nakapag-bihis.
Nagluto si Lola ng sinangag, itlog, tocino at gatas para sa akin, kape naman para sa kaniya.
"Ang bango naman nito tsaka mukhang masarap. Tara na po kumain na tayo..." saad ko kay Lola habang nakangiti. "Hay nako, nambola pa 'tong maganda kung apo. Sige na kain, kumain ka para may lakas ka..."
Pagkatapos naming kumain ako na ang naghugas, ayaw pa sana ni Lola kaso ang sabi ko ako na at magpahinga nalang muna siya. Anak ni Lola Tesa si mama, kaya nagpapasalamat talaga ako kay Lola Tesa dahil inalagaan niya ako at pinalaki. Maaga kasing namatay si mama at papa e.
"La, alis na po ako ha? Ingat po kayo dito!" kinuha ko na ang bag ko at naglakad palabras.
"O siya apo, mag-ingat ka ha? 'Wag ka ng mag-alala kay Lola, mag-enjoy ka lang, achieve natin yan!" sabi ni Lola sabay ngiti sakin.
"Oo naman La, achieve na achieve natin!" humalik ako sa pisngi ni Lola at umalis na.
Napagpasiyahan ko nalang na sumakay ng tricycle ngayon. Dahil sa unang araw ko ngayon kailangang di ako malate at tsaka nakakahiya namang dumating ako don ng pawis na pawis.
Pagkapasok ko sa University halatang halos lahat ay mayayaman. Mukhang mahirap makisama sa iba. Buti na nga lang dito mag-aaral si Jai e. Hindi talaga kami napag-hihiwalay non! Ang kaso di kami pareho ng kurso na kukunin. Siya kasi Tourism, samantalang ako Accountancy. Nahanap ko na ang room namin kaya agad na akong pumasok.
Unti-unti na ring dumami ang tao sa loob ng room. Ang gagara ng suot, bags, sapatos miski accesories nila. Halatang hindi sanay sa hirap, ang kikinis pa nila. Yung ibang matataray tignan, yung iba mukhag approachable naman. Hindi rin papahuli ang mga kalalakihan, mayroon din silang magagarang sapatos, bags at damit.
Dumating na rin ang professor namin. "Good day new students of Batangas State University. I'm your professor for this whole school year. My name is Solene Macaranas, nice meeting you all...." As usual, kailangan ang introduce yourself sa first day of school.
"Hi I'm Shaina. I hope we can all be friends!" saad niya habang nakangiti. In fairness ang ganda niya, parang diwata.
"Miss, can I can get you number? Hahaha" sabi ng isa naming kaklase. Boys are all the same, tss!
"Hello girls. I'm handsome -- este, I'm Jake De Vera." Aba't kumikindat pa. At syempre madaming tumiling mga babae. Girls kalma, papaiyakin din kayo niyan.
"Good morning, blah blah blah blah....." ang dami pang nagpakilala bago ako na ang ituro na pumunta para tumayo.
"Hello guys, I'm Claire Joy Marquez. Hope we can be friends." sabi ko habang nakangiti. Pero napawi ang ngiti ko ng narinig ko ang mga bulungan nila.
"Marquez? May kilala ba kayong ganon?"
"Branded ba 'yong suot niya?"
"Amoy squatter siya sis!"
"So cheap! Hahaha"
I know, wala naman talaga akong kahit na anong branded na gamit. My surname name is not famous and powerful. Ordinary lang naman talaga akong tao. I just don't get it, bakit nila ako kailangang ipahiya pa? Maliitin?
Pare-pareho silang mayayaman. Dahil mas nakatataas sila, gagawin nila lahat ng gusto nilang gawin kahit na mali. But I don't want to cause any troubles kaya hahayaan ko nalang sila. Hindi sila ang dapat kung pagtuunan ng pansin.
Nakikinig lang ako ng sinasabi ng prof namin ng biglang ---"Krriiiiiiiiiiiiiiiiinnnnngggggggg~"
Nagtayuan na agad ang mga classmates ko at lumabas, lunch break na din. Nagtext sa akin si Jai na sa cafeteria nalang kami magkita. Nakahanap na din siya ng table, mahirap umalis dahil sa maraming tao.
I was having a hard time finding the cafeteria ng biglang may bumangga sa akin. Ouch, ang sakit ng pwet ko ha! Sa poste ba ako bumangga? Ang tigas kasi, ubod ka ng tanga Claire!
Napasapo ako sa noo ko at inangatan ng tingin kung saan nga ba talaga ako nabangga. Medyo maliwanag pero naaaninag ko ng bahagya ang mukha niya. He move a bit at doon ko na nakita 'yong buong mukha niya. And my goodness gracious na napaka-gwapo niya, the heck!
I just stare at him for more seconds at napag-pasyahan ng tumayo. Siguradong naghihintay na din si Jai sa akin, sinubukan kung tumayo pero ang sakit talaga ng pwet ko.
"A-ano, can you please help me?" inabot ko sa kaniya ang kamay ko pero tinitigan niya lang 'yon at lumakad na paalis.
The heck, what was that? Talaga wala siyang balak tulungan ako ha, gwapo ka kaso ang yabang mo!
Pinilit kung tumayo at pinag-pagan ang dumi sa pants ko. "Wait, ikaw 'tong nakabangga pero ikaw ang may ganang alisan ako. Hindi ka manlang nag-sorry, nasaktan ako dahil sayo!" asik ko sa kaniya kaya bigla siyang lumingon at tinignan ako ng masama.
"Really? Ako ang bumangga sayo? Sino sa atin ang linga ng linga habang naglalakad at hindi tumitingin sa dinaraanan?" lumakad siya ulit palapit sa akin. He's voice really sounds familiar. Nakita ko na ba siya noon?
"Look... I'm sorry pero 'di ka pa pwedeng mag-adjust nalang? Para naman sana walang gulo. Nasasayang 'yong oras ko sa paghahanap ng cafeteria dahil sayo!" tugon ko. I mean, he just have to say sorry too!
Ang yabang-yabang niya. Hindi porket gwapo siya may karapatan na siyang apihin you're your face may look perfect, but your attitude really gone so bad. Kumukulo dugo ko sa kaniya!
Napangisi siya dahil sa sinabi ko. "Sino ka ba para kailangan kung mag-adjust? And look miss, kung may nasasayang man ang oras dito, ako yon. Becausae of your stupid dramas and rants!"
"For your information mister, hindi ako nagdra-drama lang nasaktan din ako!" Napairap ako sa kaniya. I'm so done with him. Paniguradong hindi kami matatapos dahil ayaw ng magpatalo. Nakakastress siya!
"Tumabi ka na nga lang sa dinadaanan ko!" sadya kung binangga ang balikat nya at naglakad na papalayo.
"Hey... miss! You!" sigaw niya.
Nilingon ko siya at sabay kinawayan at nginitian ng pagkakatamis-tamis. Mas lalo hindi maipinta ang mukha niya, mukhang galit na. Serves you right jerk!
Tumalikod na ako at tinuloy ang paghahanap sa cafeteria. Ang yabang, nakakainis!
Grrr, sana hindi na kita makita ulit!
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...