Chapter 35

13 3 0
                                    

Jealous?

Magulo pa din ang isip ko habang nanonood kasama sila Lola at Aaron sa mga videos ko. 'Yong una naming napanood ay 'yong mga oras na nagpa-practice kami. 

Hindi ko napapansing kinukuhanan na pala niya ako noon dahil ang akala ko naman busy lang siya sa pace-cellphone o kaya may kausap lang siya. 'Yon naman pala ay vini-videohan niya ako, naririnig ko din sa video ang mga mahinang pagtawa niya kapag nagkakamali ako. 

Susunod naman ay ang performance ko para sa contest. Hindi ko na siya napansin noon habang sumasayaw ako, naka-focus kasi ako sa mga steps na gagawin ko dahil ayoko na magkamali. Hindi ko alam na kinukunan na niya pala ako ng video non.

May mga part pa ng video na naizo-zoom ang mukha ko kapag nakangiti ako, minsan ay seryoso lang. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag nangyayari ang ganon...

Ano bang ibig sabihin nito?

Nagulat nalang ako ng biglang mag-ring ang phone ko, nakita kung tumatawag doon si Mateo. Nakalimutan ko nang may trabaho pa pala akong dapat na puntahan. 

Inabot ko 'yong phone ko na nasa mesa at agad na sinagot ang tawag. 

"Hello?" sabi ko.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba ulit papasok?" nag-aalalang tanong ni Mateo.

"Papasok ako, medyo natagalan lang ako sa pag-uwi kanina..." pagdadahilan ko. "Maaga pa naman, 'wag kang mag-alala." natatawa kung sabi.

"Hindi lang ako sanay na nahuhuli ka sa pagpasok, baka kasi may emergency na naman sa inyo..." sagot naman niya.

"Wala naman, sige na papasok na din ako. Salamat sa pagtawag, 'wag kana mag-alalala," tinapos ko na agad ang tawag.

Tinignan ko ulit sila Lola kung ano na ang ginagawa nila, magpapaalam na din ako dahil papasok na ako sa trabaho. Patuloy pa din namang nanonood si Lola pero si Aaron ay seryosong nakatingin sa akin. Hawak niya ang cellphone niya habang nanonood si Lola pero ang mga mata niya ay nasa akin...

Bakit siya ganyan makatingin? 

Parang may ginawa akong mali o kasalanan? Mukhang galit sa akin, wala naman akong ginagawa ha? Problema nito?

Inalis ko ang tingin ko kay Aaron at lumapit nalang kay Lola, "La, pasok na po ako sa trabaho. Kumain kana dyan ha? May pagkain na dyan, at tsaka 'wag mong kakalimutang uminom ng gamot..." pagpapaalala ko.

"Ganon ba? O sige, mag-ingat ka," tumango naman ako. Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

Pagkababa ko ay naabutan kung pinagsasandukan ng kanin ni Aaron si Lola. 

"La, alis na po ako. Pasensiya na sa abala Aaron ha? Painumin mo nalang si Lola ng gamot at kung may gagawin ka pa ay pwede ka naman na mauna..." saad ko habang kinukuha ang gamot ni Lola. 

"I'm not busy, ihahatid na kita. Babalik ko nalang si Lola..." seryosong sabi niya habang nakasandal sa lababo. 

Agad akong umiling, tinapos ko na ang pagsi-sintas sa satapos ko at tumingin ako sa kaniya. "Wag na ayos lang, malapit lang naman dito 'yong shop. Kayang-kayang lakarin, sayang pa gas mo,"

"Gabi na, baka may mga gagong lalaki ka na namng makasalubong dyan sa daan," pabulong na sabi niya. Hindi alam ni Lola na may nangyari sa aking ganon, buti nalang ay naramdaman niyang hindi ko pa nasasabi kay Lola 'yon kaya mahina ang pagkasabi niya.

Oo nga pala, muntik nang may mangyaring masama sa akin. Buti nalang ay nandoon si Aaron para iligtas ako.

"Ayos naman na ako, may dala ako laging pepper spray sa bag ko. Binili ko ito last week, kaya 'wag ka mag-alala..." sabi ko para hindi na siya mag-alala.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon