Chapter 16

22 4 0
                                    

Thank you

I heard noises. Mga nababasag, mga nagsisigawang tao pati na rin yung tunog ng daing ng mga naglalaban.

I'm so scared. I'm so scared para kay Aaron, isa lang siya and dami-dami nila. Paniguradong mahihirapan siya, gusto ko siyang tulungan pero natatakot ako.

Nagsigawan ang tao kasabay ang ay tunog ng pagkabali ng lamesa na para bang may hinagis 'don na tao. Base sa mga nadidinig ko may dumating na mga tanod para patigilin ang away.

Is Aaron okay? Tapos na ba?

"Itigil niyo na nga 'yan, ilang beses ng nangyari 'to ha. Sabing uminom lang kayo, aba't nanghaharas na naman kayo," patuloy pa din akong pumikit at yinakap ang tuhod.

"Wag na kayong magpumiglas, sumama kayo sa'min at si Kap na ang bahala sa inyo.." nagagalit ang mga lalaki pero hindi sila hinayaang makawala ng mga tanod.

Nang tumatahimik na ang kapaligiran ay agad akong tumayo at dinilat ang aking mata.

The first thing I saw when I finally open my eyes is Aaron. Nakita ko siyang busy sa pakikipag-usap sa mga tanod. Nang maisama na ang lalaki sa barangay ay agad siyang lumingon at hinanap ako.

Nagtama ang mata naming at agad siyang lumakad palapit sa akin. Pinanood ko lang siyang maglakad palapit sa akin. Nanag nasa harap ko na siya ay mangiyak-iyak ko siyang tinignan at agad akong yumakap sa kaniya.

Siniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya at doon umiyak. I really don't know what I feel, ang alam ko lang ngayon ay gusto ko siyang yakapin.

5? 10 minutes? Hindi ko na namalayan, basta hinayaan niya lang akong umiyak ako at yakapin siya. Akala ko magagawan na nila ako ng masama. Akala ko wala ng magliligtas sa akin. Akala ko ako nalang ulit mag-isa, pero sa oras na niligtas niya ako pakiramdam ko may kasama ako. May masasandalan.

Being in his arms is so calming. Feeling ko sobrang safe ako.

Nang mahimasmasan na ako ay agad akong lumayo sa kaniya at nahihiyang tinignan siya.

"I'm sorry..."

We're just staring at each other. Napatitiga ako sa mukha niya. 'Yong kilay niya makapal pero malinis, maganda at nangungusap ang mata niya. And his lips? Kahit may sugat ay maganda pa din. It looks like he put some tints, pero paniguradong natural lang. Ako na agad ang unang umiwas dahil hindi ko na kaya ang mga titig niya.

"Are you okay?" Sobra talaga akong natakot. "I-i'm okay.." 'yon lang ang nasabi ko.

Hinila niya ako papapunta sa upuan at pinaupo ako. Inabutan niya din ako ng isang bottled water para pakalmahin ako.

I took it and I was shock when I saw his face, may mga sugat siya sa noo at sa bandang labi. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Hindi niya makukuha 'yan ng dahil sa'kin.

"Hey, drink it para naman kumalma ka. Ayos na, wala na sila.." pagpapaalala niya sa akin dahil siguro nakikita niya akong nakatulala.

"I-ikaw, ayos ka lang ba?" hinawakan ko ang parte ng mukha niyang may sugat at marahan na tinignan ang braso niya kung mayroong galos.

Nagugulahan niya akong tinignan. "Ikaw ang dapat tanungin ko niyan, ayos ka lang ba? Wala ba silang ginawang masama sa iyo?" umiling agad ako.

"May mga sugat ka, may masakit ba sa'yo?" nag-aalala kung tanong.

"I'm fine, tinulungan din nila ako. Sarili moa ng dapat mong intindihin..." sabay turo sa mga lalaking nakatingin sa'min.

Nakita ko 'yong mga lalaki nakatingin sa amin na para bang nag-aalala. Kaya sinamahan ako ni Aaron para lapitan at pasalamatan sila.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon