Chapter 14

23 4 0
                                    

Decision

Hindi din ako makapag-trabaho ng maayos kahapon, na-distract na ako ng sobra. Ngayon papunta na ako ulit sa school.

Why is this happening to me?! I just want to have peaceful life! I just want to graduate and find job to earn enough money. Pero bakit mukhang nahihirapan pa ako dahil sa Aaron na yan?!

Nakaka-stress 'yong nangyari kanina. Gusto ko naman talagang magpasensiya at hayaan nalang, pero sobra na kasi siya. Pero sa huli siya pa din ang nanalo, dahil nga customer ko siya at hindi naman siya papatalo.

Ayoko nalang isipin pa, dahil nakakasakit lang ng ulo. Pumasok nalang ako sa room atumupo sa bandang gitna. 

"God Morning po Ma'am..." may pumasok na mukhang Senior High Students. 

"Yes, good morning. What is it?" tanong ni Ma'am sa mga estudyante.

Nag-focus nalang ako sa a-advance reading sa isang subject namin. Sayang ang oras kaya magbabasa nalang ako. Mukhang may kausap pa si Ma'am kaya maya-maya pa kami magsisimula. 

"Miss Marquez and Miss Lim?" agad akong napatingin sa harapan. "Pumunta kayo ng meeting para sa upcoming dance competition. You're excuse for today's class." tumayo na si Camille. Nakatingin siya sa akin at hinihintay akong tumayo.

"Miss Marquez, may problema ba?" tanong sa akin ni Ma'am. 

"Wala po, Ma'am..." nilagay ko na sa bag ko ang notebook ko, tumayo at lumabas na kasama ang dalawang Senior High Students at si Camille.

Shit naman! Ayoko talaga, pwede bang tumakas? 

Kinakabahan ako habang naglalakad, anong gagawin ko? Wala akong maisip!

Pumasok kami sa gymnasium ng school. Nandoon na yung ibang participants, mga nasa 15 din siguro kung mga kasali. 

Gosh! I guess wala na talaga akong choice? Pwede bang sabihin ko nalang na may sakit akong malala kaya di ako makakasama? 'Wag lang talagang magpakita sa'kin si Aaron. Nanggigigil na ako!

Speaking of him, nandito din pala siya. Kasama yung mga ka-grupo niya. Dumating na 'yong coordinator ng competition.

 Siya 'yong babaeng nagalit sa'kin, mas lalo tuloy akong kinabahan. Shit lang talaga!

"Good Morning participants. Handa na ba kayo sa nalalapit na competition?" tumango-tango 'yong mga kasama ko, ako lang yata ang hindi.

"Good. 3 weeks nalang ang natitira niying time for practicing. And then, next week ipa-practice na natin kung paano nga ba ang pagkakasunod-sunod at ang production number niyong lahat," sabi ng coordinator. "Nandito din ang grupo nila Sir Aaron, para makita ang mga participants. We are all looking forward for your performance. Any words of encouragement for them?"

"Enjoy lang kayo at ibigay niyo ang best niyo. Manalo man o matalo at least you give it all, di'ba?" sabi ni Diego.

"Ang mahalaga is maging masaya kayo sa gagawin. No pressure, I know naman na talented kayo kaya kayo sumama dito. So good luck!" page-encourage naman ni Axel. 

Ang bait talaga ever! 

"Sa akin naman, katulad din sa mga nasabi nila," napatawa kami sa sinabi niya. "Kasi kailangan maging masaya ka lang lalo sa pagsasayaw, dahil 'yon qng isa sa magiging weapon mo para mas maging maganda ang performance niyo." nag-bow pa si Niko.

Malakas na pumalakpak ang mga kaibigan niya at tawang-tawa. Kaya kahit kami ay natawa din.

Napatingin kami ngayon kay Aaron. It's his turn. "Give your best, enjoy. Good luck." tinatamad na saad ni Aaron. 

Paano ba 'to naging leader ng grupo nila? Walang kasigla-sigla sa katawan. Kung ito ang ka-grupo ko sa sayaw ay hindi talaga ako kakaganahan!

"Thank you boys. At also participants, hindi lang title ang makukuha niyo kung sakaling manalo kayo. May prize din tayo na 20,000 pesos para sa winner. 10,000 pesos para sa 1st runner-up. 8,000 pesos para naman 2nd runner-up. And 5,000 pesos for 3rd runner-up."

Napanganga ako, ganoon kalaki ang premyo para sa competition na 'to? Grabe, ang laking pera non, at malaking tulong sa amin ni Lola kung sakali mang manalo ako.

"Lastly, ang apat na mapipili ang siyang makakasama ni Aaron sa isang competition na lalahukan ng school natin. Last year tayo ang nanalo, so we want to get the crown again for the second time. Di'ba, ang gaganda ng mga prizes natin? All you have to do is give your best, if you want to win the prize." pinal na sabi ng coordinator.

"And lastly, there is no turning back. Nag-register kayo so that means, you need to participate.." nakatingin sa akin 'yong coordinator. 

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Oo na, alam kung hindi na po ako pwedeng magback-out. 

May ilan pang simula sa amin patungkol sa genre ng sayaw na gagawin natin at sa mga iba pang bagay. At saka kami pinabalik sa klase, grabe lunch time na din pala.

3 weeks nalang bago ang competition. Anong gagawin ko? 

Bigla naputol ang pag-iisip ko ng mga paraan nang biglang nag-ring 'yong phone ko. Tumatawag si Jai.

"Hello, Claire mars. Nasaan ka na? I'm hungry na!" conyong sabi niya. Napatawa ako.

Papunta na ako dyan Madam, bakit ka pa natawag?" tanong ko sa kaniya.

"Wala lang, baka namimiss mo na kasi 'yong boses ko so I call you.." napangiti ako sa sinabi niya. Ang lakas talaga ng amats ng babaeng 'to.

Bigla kung naalala 'yong mga nangyari kanina, pinag-iisipan ko kasi na sumali na sa sayaw. Alam kung magiging masaya si Jai kapag nalaman niya 'to.

"Jai.."

"Yes?"

"I have something to tell you.." pagsisimula ko.

"Oh my G! Chika ba 'yan? Kuwento mo na dali!" nae-excite niyang sabi.

"Tigilan mo nga ako hindi to chismis, hintayin mo nalang ako dyan!"

"Ano ba yan, pa-thrill pa. Gusto ko lang naman malaman pero bakit pinagkakait mo sa'kin. Hindi mo na ba ako mahal? Hindi mo na-----" bago pa siya tuluyang magdrama ay binaba ko na ang tawag at naglakad na papauntang cafeteria.

Nang nakarating ako sa cafeteria ay agad akong pumunta sa table kung nasaan si Jai.

"Hoy, walang hiya ka talaga! Bianabaan mo pa ako ng tawag, feeling ko talaga hindi mo ako love..." pagtatampo niya.

"Umayos ka nga Jai, 'wag kang sadgirl," napairap nalang siya at umayos ng upo.

"So, ano na lang 'yong sasabihin mo sa akin?"

Napabuntong hininga ako. "Kanina, tinawag kaming mga kasali sa compeptition. Nag-meeting pa tungkol sa mga kailangang gawin, pero alam mo namang ayaw ko diba?" tumango siya. "Pero noonbg narinig kung malaking halaga ang makukuha ng mananalo, naguguluhan ako. Alam mo namang sobrang kailangan namin ni Lola 'yon.."

"Anong desisyon mo, Cliare?" tanong ni Jai.

Umupo ako ng maayos at hinawakan ang kamay ni Jai. "Para kay Lola, sasayaw ulit ako."

Biglang tumayo si Jai at tumili. Biglang napatingin sa kaniya ang ilang tao dito sa cafeteria.

"Oh my G! Yes, finally. Sobrang happy ko for you, Claire!" umupo siya ulit at niyakap ako.

"Salamat, Jai. Salamat talaga.." sabi ko at pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"I'm so happy, susuportahan kita palagi, alam mo 'yan. 'Wag mo nga akong tignan ng ganyan, baka maiyak na talaga ako.." sabay hampas niya sa braso ko.

Napatawa nalang ako at nginitian siya.

Ma, Pa, sasama ba ang loob niyo sa'kin kung sasayaw ulit ako? Kung gagawin ko ulit ang dahilan kung bakit kayo nawala?

Pero kahit anong kasing pagtatago, hinahabol ako. Pinapaalalang dito ako sumasaya.

Sa pagsasayaw ako sumasaya.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon