Meeting again
I already spend 30 minutes, pero halos iisang shelf pa lang ang naayos ko. Ilan pa ba 'yong natitira?
Nagulat nalang ako ng bumalik si Aaron, pero ngayon kasama na niya 'yong mga kaibigan niya. Hindi pa naman time ha? Nag-skip sila? Pwede ba 'yon?
"Bro, ano bang gagawin natin dito? Ang boring ng mga trip mo ngayon ha, punta nalang tayo sa computer shop. Laro nalang tayo..." pagrereklamo niya.
"Can you just shut up and sit, Niko?" galit na sabi ni Aaron.
"Ewan ko sayo, bro. Pangit mo ka-bonding!" padabog na umupo 'yong Niko. May dalawa pa silang kasama. 'Yong isa kumakain lang kaya hindi na sumasabat sa usapan. 'Yong isa naman mukhang wala siya ng reklamo dahil kumuha siya at nagbasa.
What? Siya 'yong lalaki sa coffee shop? 'Yong mas gumagwapo kapag nakasalamin? Ano na nga ulit ang pangalan niya? Ali? Allen? Alex? Hindi ko na matandaan.
"Hey.. anong tinitingin-tingin mo dyan? Maglinis ka na. Marami-rami pa 'yan..." ngumisi siya sa akin. Tinignan ko siya ng masama at bumalik na agad sa paglilinis.
Nakakainis na siya sobra. May araw ka din Aaron!
Nagulat nalang ako ng biglang tumabi sa'kin 'yong lalaki sa coffee shop. May hawak siyang basahan, nagsimula na din siyang magpunas ng mga libro. Gwapo na ang bait pa!
"Dude.. are you out your mind? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Aaron sa kaibigan niya. Kahit ako din naman di ko alam kung bakit niya ako tinutulungan.
"Let me do this, Daze. Masyado 'tong marami for her.." napatingin siya sa akin at ngumiti. 'Yong puso ko sir, nakuha niyo na!
"You don't have to. This is not your business. Itigilan mo na ang 'yan!" galit niyang banta sa lalaki.
"It is not my business, pero mali ang ginagawa mo..." seryoso niyang sabi. Mukhang ma-aaway pa 'tong dalawa ha?
Napatingin lang ako sa kaibigan nila para patigilin sana ang kaibigan nila. Pero puro sila walang pakealam, busy sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Hala, anong gagawin ko dito?
"Wala kang pakealam sa mga ginagawa ko, Axel. Scholar siya sa school na 'to, ang pamilya ko ang nagpapa-aral sa kaniya. Responsibility niya na gawin 'yan." sinamaan ako ng tingin ni Aaron.
"May responisibilidad nga siya pero hindi niya dapat 'to gawin ng mag-isa. Alam mo 'yan Daze.."
"A-ah, 'wag na kayong mag-away. Okay lang, ako na –"
"No, tutulungan na kita," napatingin siya sa akin at ngumiti. Ang bait talaga!
"Pero, baka mag-away lang kayo ni Aaron dahil dito..." pabulong na sabi ko.
"Don't worry about us, kakausapin ko nalang siya after this," Nagulat ako ng biglang hinampas ni Aaron 'yong bookshelf. Ang lakas!
"The hell, 'wag niyo akong gawing tanga dito!" sigaw niya sa amin. "Ikaw na babae ka, kasalanan mo 'to e.." Hala, ako na naman?
"Bakit na naman ako?" I'm so pissed!
"Alam niyo, magsama kayong dalawa. Bullshit!" binato niya 'yong kaibigan niya ng basahan at tsaka padabog na umalis.
Grabe, ang babaw ha? Inaway niya kaibigan niya tapos sasabihin niya kasalanan ko? Just wow, Aaron!
"Miss, sorry sa pinakitang attitude ni Aaron, ha?"
"Hindi dapat ikaw 'yong nagso-sorry sa'kin, siya dapat..." Tama naman ako, di'ba? Kahit na may ginawa akoing kasalanan sa kaniya siya, may kasalanan din naman siya! Kaya dapat pareho kaming mag-sorry.
"Intindihin mo nalang 'yong ugali niya..." napangiwi ako sa sinabi niya. Paano ba? "Bakit nga ba siya nagagalit sa'yo?"
"A-ano, mahabang kuwento..." ayoko ng ikuwento pa 'yong mga katangahan na ginawa ko!
"You don't have to tell me, pero kasi hindi naman magkakaganon 'yon kung hindi siya ginalit ng sobra.." Sobra na bang nakakagalit 'yong ginawa ko? Claire naman kasi!
Sinamahan nalang niya ako na maglinis. And finally after how many hours, natapos na din namin.
"Wow, ngayon lang ako napagod ng ganito..." napa-upo siya habang pinupunasan ang noo niyang may pawis.
Umupo din ako dahil sa sobrang pagod. "Pasensiya na talaga ha.. nadamay ka pa tuloy dito. Paano kung mag-away pa kayo dahil sa akin?" pag-aalala ko.
"No, you don't have to worry about it. Paniguradong ayos na kami bukas.." napatawa pa siya. Bakit ang bait mo?
Nagpahinga lang kami sandal at sabay na ding umalis, 4:45 PM na pala, malapit na ang shift ko. Paniguradong late na ako nito.
"Una na ako sa'yo, may trabaho pa ako sa coffee sho," pagpapaalam ko. "Gusto mo bang ihatid kita?" napailing ako.
"Hindi na, kaya ko naman na. Sobrang dami mo nang naitulong sa'kin. Thank you talaga..." napangiti siya.
"No, it's nothing. Sure ka talaga?" Tumango ako. "Ah, hindi mo na siguro natatandaan pero nagkita na tayo sa coffee shop na pinagtra-trabahuan ko.."
Napakamot siya ng ulo at umiling. "Sorry, medyo mahina ang memories ko sa mga ganyang bagay.." tumawa siya.
"Hindi, ayos lang. Akala ko kasi hindi na tayo magkikita ulit, pero nandito ka ngayon sa harap ko at tinulungan mo pa ako. Kaya sobrang maraming salamat sa'yo..."
"Wala sa akin 'yon, ayos lang sa'kin..." Ang swerte ng babaeng magkakagusto sa kaniya.
"So, magpapakilala ulit ako ha? Hi, I'm Claire Joy Marquez, you are?" sabay lahad ko ng kamay ko.
"Hi Claire, I'm Axel John Miller. Nice meeting you." Napatawa kami sa ginagawa namin.
"Ayan, magkakilala na tayo ulit. Hayaan mo babawi ako sa'yo sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa'kin, pero hindi muna ngayon may trabaho pa e.."
"Okay, hihintayin ko 'yan. See you around Claire. Ingat!" pumara siya ng tricycle para sa'kin at nagpaalam.
Thanks to Axel, kahit na gaano naging ka-stressful ang araw na'to gumaan dahil sa kaniya...
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...