Chapter 4

41 8 0
                                    

Never

My first week on school went well. Nagsimula na din magturo ang ibang mga prof naming, yung iba naman hindi pa. Baka sa susunod pang linggo sila magsisimula. Ngakaroon na din ako ng iilang kaibigan, yong iba halos hindi makausap kahit mamansin hindi nila magawa. Pero ayos lang.

At thankfully, hindi ko na ulit nakita yong mayabang na lalaki. Last time na nagkita kami mukhang galit na galit sa akin e.

Its Saturday. Ngayon nagbibihis na ako ng uniform ko sa trabaho. Bago ako pumasok sa college full-time ako nagtra-trabaho, pero ngayon part-time nalang. Buti nalang naiintindihan ng boss ko ang sitwasyon ko. Dagdag na din itio sa gastusin namin sa bahay, alam kung nahihirapan na si Lola kaya kailangan ko talagang magtrabaho.

Sa weekdays may trabaho pa rin naman ako ang kaso 6:00 PM -  9:00 PM. Ngayong weekends naman ay 8:00 AM - 5:00 PM. Buti nga napaki-usapan ko ang boss ko.

Naglakad na ako papuntang Coffee Shop. 7:30 A.M. ng makarating ako, agad na akong nagbihis at tumulong sap ag-aayos ng mga upuan at lamesa. Dumarating na din ang mga customers kaya nagsimula na kaming kumuha ng mga orders.

Nilipatan ko ang lalaking nakaupo sa sulok. "Good morning sir. May I get your order?" nakangiti saad ko.

"A-ahm, one coffee and croissant please." Sinulat ko ang mga orders niya at isi-nerve sa table niya.

"Here's your order sir, enjoy!" tatalikod na sana ako ng bigla niya akong tinawag. "Wait miss, can I know your name? Familiar ka e..."

"Claire Joy po sir. Sorry po, hindi ko po kayo namumukhaan..." napakamot ako sa ulo ko. 

"No, you dont have to. Ako dapat ang magsorry dahil naabala pa kita. Thank you for this!" sabay turo sa order niya. Ngumiti ako at tumango.

"Okay lang po kapag may kailangan pa kayo tawagin niyo lang po ako,"

Bumalik na ako sa trabaho ko at nagpunas ng lamesa. Biglang nahagip ng mata ko yong lalaki sa sulok, hes now wearing eyeglasses and looking intently to his laptop. Hes hot, but with eyeglasses on, he got even more hotter!

Pasulyap-sulyap ako sa kaniya ng pinupunasan ko ang mesang malapit sa table niya. Nag-angat siya ng tingin at naabutan niyang nakatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at bumalik na ulit ang tingin niya sa laptop niya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Tumigil kana sa pagsulyap, Claire. Balik sa trabaho! >_<

Nang natapos na ang shift ko, nilinis muna naming ang shop pagkatapos ay nagbihis at umalis na. Naglalakad nalang ako pauwi para makatipid, may mga tao pa naman sa daan kaya hindi ako kinakabahan.

Kaso mukhang mapapagastos ako dahil sa may nakita akong nagtitinda ng fishball, kikiam at kwek-kwek sa daan. My favorite!

Minsan lang naman diba? Inaakit talaga ako ng sobra, kaya bumili ako. Kinakain ko siya habang naglalakad. Hay, ang sarap!

Nang matapos akong kumain naghanap ako ng basurahan pero mukhang wala. Paano to? Wala naman yatang makakakita kung itatapon ko lang sa bandang gilid to. Minsan ko lang naman tong gawin kaya bahala na!

Tinapon ko yong natira kung sacue sa gilid at sinimulan ng maglakad.

"Fuck!" napalingon ako sa narinig ko. What the heck is this? biglang may lumabas na lalaki sa parting pinagtapunan ko ng sauce. Aba, kilala ko to ha, yong lalaking ubod ng yabang!

"You, ikaw na naman! How dare you to throw this shit to my shirt?" galit na sigaw niya. Napatingin ako sa damit niya, I guess karma na naman niya yan kasi ang sama niya.

"Malay ko bang nandyan ka... ang dilim-dilim tapos dyan ka pa tatambay!" pangangatwiran ko.

"The hell you care about what I do. Bayaran mo to!" napanganga ako sa sinabi niya. 

"Neknek mo! At bakit? Ikaw ang may kasalanan no..." What a reason Claire. Ah basta bahala siya, wala akong pera!

"Ako na naman? Ikaw yong nagtapon! Bayaran mo to, kakabili ko lang to. Ang mahal pa naman nito!" sabay punas ng panyo sa damit niya. White t-shirt pa talaga yong damit niya, kumalat na yong dumi. Wala ng pagasa yan.

"Ayoko! Bakit kasi sa dinami-rami ng tatambayan dyan mo pa napili, pwede ka naman don sa may ilaw!"

"Wala kang karapatang utusan ako, get it? Tsaka hindi naman sayo tong daan na to!" galit niyang sabi. Tsaka wag ka ngang magsalita, pwede ba? Ang sakit mo sa tenga, bayaran mo nalang ako ngayon!

"A-Y-O-K-O!" Tumalikod na ako sabay takbo.

"Not this time miss, I wont let you..."  napapikit ako ng hinila niya ako paharapan sa kaniya.

"Namumuro ka na sa akin ha, hindi mo ba ako kilala?" dinuro-duro niya ako. Ginamit ko yong pagkakataon para kagatin ang daliri niya at tuhudin siya.

Mabilis akong tumakbo para hindi niya ako maabot. Nilingon siya at nakita kung siyang namimilipit sa sakit. 2 points for me, I guess?

"Hey I don't know you and I'm not interested to know who the hell you are. Bye!" 

Napangisi ako agt nagpatuloy na sa pagtakbo. Narinig kung tinawag niya ako, pero hindi ko na siya nilingon pa.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa apartment naming. Sa wakas, nakabawi din ako sa kaniya. I smirk, sa'kin ang huling halakhak.

Hinding-hindi niya ako mapapasunod kahit sino pa siya! I'm not scared. NEVER!

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon