Chapter 22

18 3 0
                                    

Stares

Omg talaga, as in oh-m-g! Pwede bang wag na akong gumising? Pwede bang i-skip ko nalang 'tong araw na 'to?

Ngayon ang araw ng competiton. Kaya sobra akong kinakabahan, wala na bang paulugit? Hindi ko na alam gagawin ko!

Wala pa akong nakikitang tao, sobra na akong kinakabahan. Nakapagpractice naman ako ng maayos, so kumalma ka Claire. Kaya mo yan!

Bigla aong napabangon sa higa ng biglang tumawag sa akin si Jai. 6:00 AM pa lang ha? Usapan namin na pupunta ako sa bahay ni mamaya ng 8:30 AM. Bakit an gaga naman yata?

"Hello? Ang aga mo tumawag, bakit?" tanong ko.

"I'm just so excited, Claire. Inaayos ko na nga 'yong mga damit at accessiories na gagamitin mo later e," sagot naman niya. Mas excited talaga siya sa'kin, usually hindi 'yan nagigising ng maaga. Pero ngayon sisiskat pa lang ang araw sobrang lakas na ng energy!

"Jai, pwedeng magback-out?"

"Claire, mahal mo ba ang buhay mo?" seryoso niyang tanong. Pinagsasabi nito? "Oo naman, bakit?"

"Pwes, sumali ka. Alam mo namang gusto kung sumayaw ka, diba?" pagmamaktol niya kaya naman natawa nalang ako.

Napabuntong hininga ako. "Kinakabahan talaga ako para mamaya, Jai. Paano kung magkamali ako? O kung may masama na namang mangyari?"

Natatakot ako, ayoko ng mawalan ulit. Ayoko ng maiwan mag-isa. Kaya kung isakripisyo ang lahat pati na din ang pagsasayaw kung 'yon ang magiging dahilan para mawalan ako ng mahal sa buhay.

"Claire, lagi ko namang sinasabi sa'yo na wala kang kasalanan. 'Wag mong sisihin ang sarili mo, okay? Hindi 'yan magugustuhan nila Tita at Tito..."

"Sorry, sige na maliligo nalang ako at pupunta na ako dyan," sabi ko at agad na tumayo para maligo.

"Okay, I'll wait for you here. 'Wag kang nega mag-isip, mananalo ka at walang mangyayaring masama." Tumango ako at napangiti.

"Yes, ma'am. Sige na, tatawag nalang ako kapag papunta na ako dyan sa inyo," saad ko at saka tinapos ang tawag.

Natapos na din akong maligo at nagsimulang mag-ayos.

Napatingin ako sa salamin, tinitignan ang sarili ko. I stare at myself for many minutes until I found myself crying. Hindi ko alam kung bakit, pero basta nalang tumulo. Kahit anong punas ko, ayaw niyang mawala.

Ma, Pa, tama ba ang ginagawa ko? Hindi ba talaga kayo galit sa'kin? Magiging masaya ba kayo kung gagawin ko 'to ulit? Please, kausapin niyo ako. Kahit ngayon lang, kahit ilang segundo lang.

Miss na miss ko na kayo e, kaya kahit ngayon lang.

Napayakap nalang ako sa sarili ko at napahagulgol ng biglang humangin sa loob ng kwarto ko. Hindi bukas ang bintana, ganoon din ang electric fan.

Napaupo ako sa sahig, "Mi-miss ko na kayo, miss ko na ang mga yakap niyo. Salamat, Ma, Pa... sa pagtupad sa gusto ko. Lahat ng pangrap ko tutuparin ko para sa inyo, pangako,"

Nakalipas ang ilang minuto ay tumigil na din ako sa pag-iyak, tinuloy ko na ang pag-aayos at nagpaalam na kay Lola dahil sinabi kung papasok na ako.

Hindi ko pa sinasabi sa kaniyang sumasayaw na ako ulit, pero panigurdaong matutuwa 'yon kapag nalaman niya. Tulad ni Jai, lagi niya din akong pinapaalalahanan na wala akong kasalanan at hindi galit sa'kin ang mga magulang ko.

Hindi niya ako iniwan, patuloy niya akong sinamahan at inalagaan kahit hindi naman niya ako obligasyon. Kaya kung papalarin akong manalo, ibibigay ko ang lahat ng premyo kay Lola.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon