Confess
Pumunta ako sa cr at dumiretso para maghilamos ng mukha. Napatingin ako sa mukha ko, sobrang pula ko tsaka ang bilis pa din ng tibok ng puso ko.
Shit lang, hindi kayo nakakatulong!
Nang medyo kumalma na ako ay lumabas na ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng nakita kung nakasandal sa pader si Aaron.
Bigla kung naalala 'yong nangyari kanina at mukhang useless din lang ang pagpaapakalma ko sa sarili ko kanina kasi parang nagpa-palpitate na naman ang puso ko!
Umiwas nalang ako ng tingin at mabilis na lumakad palayo. Pero bago pa man ako makalakad ng ilang hakbang ay hinawakan ni Aaron ang braso ko at inihrapan sa kaniya.
"Ano ba?!" asik ko at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa'kin.
"We need to talk, Claire... 'wag ka ng makulit please," mahinang usal niya.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan pa, Aaron. Marami pa akong dapat gawin kaya please lang, bitawan mo ako," pagpupumilit ko.
Kahit saglit lang, Claire. 'Wag naman tayong ganito, mage-explain ako..." I hear sadness in his voice. Nagkasalubong kami ng tingin, hindi ko siya mabasa.
Please 'wag mo akong tignan ng ganyan, baka matunaw ako!
Napabuntong-hininga ako at umayos ng tayo. "Okay, magexplain kana..."
"Claire, I- I'm sorry about last time. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo, sana maintindihan mo ako..." sambit niya.
What? Aaron Daze Alejandro is saying sorry to me?
Pinakalma ko ang sarili ko at patuloy siyang binibigyan ng blankong ekspresyon kahit na mahirap.
"Tapos kana ba? Kung oo, aalis na ako." seryoso kung sabi. Nagulat siya kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko, "Ah a-no kasi, about kanina..."
Namula ang pisngi ko at umiwas ng tingin. "Kalimutan nalang natin 'yon,"
"Look, Claire... I'm really sorry. Hindi ko sinadya 'yon, ayokong ma-offend ka," magsasalita na sana ako ng biglang mag-flash sa screen ng cellphone ni Aaron ang isang caller.
Beatrice is calling...
Beatrice? Sino 'yon?
Tinignan niya muna na ako na para bang 'wag akong aalis at sasagutin niya muna ang tumatawag sa kaniya. Inirapan ko nalang siya at naghintay sa kaniya.
'What is it?" saad ni Aaron.
"Really? You should greet me first! I just miss you na, come here please..." rinig kung sabi ni Beatrice. Hindi ko naman sinasadyang marinig, malakas lang ang boses ng babae. Nakakairita!
But wait.. medyo familiar ang voice niya. Parang narinig ko na siya noon...
Saan ba 'yon?
Naalala ko na! Siya 'yong babaeng kasama ni Aaron last time. 'Yong grabe makakapit sa kaniya. Napakunot ako ng noo at mas lalo akong naiirita. Ewan ko ba!
"Okay, I will just call you later. Bye." binababa na ni Aaron ang tawag at agad na tumingin sa akin. "Sorry, ang tagal ko ba?"
"No, pwede nga kayong mag-usap pa ng mas matagal e. Now, pwede na ba akong umalis?" mataray kung sambit.
"Wait, hindi pa ako nakakahingi ng sorry sa'yo.." pagtitigil niya sa akin.
"Tungkol saan ba?!"
"A- ahm.... about sa kiss," mahinang sabi niya pero dinig na dinig ko. Bigla akong nakaramdam ng init sa mukha at paniguradong pulang-pula na ako ngayon!
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...