Crazy
Tinupad nga ni Aaron ang sinabi niya sa akin. Dahil huli na naming pag-uusap ang nangyari noong nagtalo ulit kamio. Hindi na niya ako ulit nilapitan at pati ang pagtingin sa akin ay hindi na niya magawa.
It is like I'm not existing in his world, tulad nang buhay niya bago kami magkakilala.
But why am I feeling this way? Bakit nakakaramdam ako ng kirot at sakit dahil kahit pagtingin lang sa akin ay hindi na niya kayang gawin? Naguguluhan ako. I know that I shouldn't feel this way because I'm the one who suggested this step up, pero I can't understand myself right now...
Para bang hinahanap ko ang mga tingin niya, ngiti pati na din ang tawa at pang-aasar niya sa akin. Tuwing naalala ko 'yon at hindi ko maiwasang malungkot dahil alam kung hindi na 'yon mangyayari pa.
What did you do to me, Aaron?
"May naintindihan ka ba sa mga sinabi ko, Claire?" tanong ni Jai. Gosh, nakalimutan kung kasama ko pala siya. Hindi ko namalayang lumipad na ang utak ko sa kakaisip kay Aaron at hindi ko na napansing kausap ko pala si Jai.
"A-ah, sorry, Jai. Ano nga ulit 'yon?" sabi ko at tinignan siya habang kinakamot ang batok ko. Get back to your senses, Claire. Itigil mo na ang kakaisip sa kaniya.
"You're spacing out lately, may problema ka ba?" nag-aalang tanong naman niya.
"Wala... baka dahil lang sa pagod 'to," pagsisinungaling ko.
Sinusuri niya akong tinignan. "Sigurado ka ba? You know that I'm always here, right? Pwede mo akong sabihan o pwede kang humingi ng tulong sa akin," pagpapaalala niya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Alam ko naman 'yan. Ano ka ba, napaka-paranoid mo din lately ha!" pang-aasar ko naman sa kaniya.
Inirapan niya ako at sumiksik sa kamay ko at niyakap. " Kasi kilala kita, kailangan pa kitang pilitin o hindi kaya hulihin para lang malaman ko ang mga problema mo..."
Napatawa ako sa sinabi niya. "Because that's my problem, kaya hindi mo na kailangang problemahin pa." Ayoko ng lagi nalang akong iniisip at inaalala dahil alam kung marami din siyang problema.
"Tsk, pumasok ka sa buhay ko at naging kaibigan mo ako kaya talagang papakealaman kita. Kasalanan mo 'yan, kinaibigan mo ang isang maganda pero chismosang kagaya ko..." napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya.
Really, this girl is so cute and funny! Alam na alam niya talaga kung papaano ako patatawanin. Lagi niyang pinapagaan ang bigat na dinadala ko.
Nandito nga pala ako sa bahay nila Jai dahil nga may program sa school at pinilit niya akong 'wag ng pumasok dahil mabo-bored lang daw kaming pareho kapag nandoon kami. Pumayag naman ako dahil wala naman talagang gagawin 'don at para na din makapagpahinga ako.
Nanonood lang kami ng movie sa loob ng kwarto niya habang kumakain ng chips. It's 9:55 A.M, nandito na ako ng maaga para marami na din kaming magawa. Gusto niya kasi sanang mag-overnight ako dito, girls night out kumbaga ang kaso hindi ako pumayag dahil may trabaho pa din ako mamaya at uuwi din ako before lunch. Kaya inagahan ko na ang punta ko.
Bibili na din kasi ng pagkain at gamot ni Lola mamaya, madalas kasi ang pagsakit ng ulo niya at mas madali siyang mapagod ngayon. Kahit hindi niya man sabihin sa akin ay napapansin ko pa din. Pinapatigil ko na siya sa pagtitinda dahil baka mas humina lang siya, kaso ayaw niya talagang magpaawat.
Laging niyang sinasabing ayos lang siya at wag akong mag-alala. Pero hindi ko pa din maiwasang di kabahan sa tuwing nakikita siyang nahihirapan. Siya lang ang meron ako, hindi ko kayang mawala pa siya.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...