Strange
After their performance ay ang paga-announce na din ng mga nanalo.
At ako? Sobrang kinakabahan, tanggap ko naman na kung matatalo ako, pero saying kasi 'yong prize na pwede kung ibigay kay Lola. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ko 'to pinasok e.
"Hey, you're shaking. Ang galing mo kaya Claire, 'wag ka ng kabahan..." hinawakan ni Jai ang kamay ko at marahang pinisil.
I really don't expect na manalo o makakuha manlang ng isang place sa competition na 'to dahil sa dami nilang magagaling, but why I'm still nervous? Damn!
Umalis si Jai sa tabi ko para kuhanan ako ng tubig, nagulat nalang ako ng biglang umupo sa tabi ko si Aaron, he look at me and I think he is observing me.
"Why? May dumi ba ako sa mukha?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Hmm.. wala naman. You okay?" nagulat ako ng dahil sa tanong niya. Tinignan ko siya at nagkasalubong ang tingin namin. He looks so soft, unlike kanina na para niyang inaakit ang babae sa mga tingin niya.
Pero ngayong nasa harap ko siya, iba 'yong hinahatid na pakiramdam ng mga tingin niya. Stop doing that, Aaron!
"I-i'm okay, don't worry..." saa ko sabay ibinaling sa iba ang tingin ko.
"Are you sure? You look nervous, you don't have to. You did well kanina sa performance mo, I like it," may sensiridad niyang sambit.
"W-what?"
"You did well, ang galing mo kanina. Syempre dahil magaling din akong tumulong sa'yo, plus gwapo at hot pa!" natatawa niyang sabi sabay kindat pa.
Hindi ko maintindihan kung bakit napakabilis ng tibok ng puso ko, alam ko namang pinapagaan niya lang ang loob ko pero bakit sobrang saya ko? Hindi ko na alam kung bakit, paniguradong sisikip ang dibdib ko kapag hinayaan ko lang na tignan ang mukha, at ngiti niya.
Bago pa man ako makasagot at makapagpasalamat sa sinabi niya ay biglang may umakbay sa'kin. Nang nilingon ko kung sino nagulat ako ng makita ko si Axel.
"Grabe ka, Claire. Ang galing mo kanina, hindi mo lang yata ginalingan noong nagpa-practice ka e..."
"Thank you, Axel." pagpapasalamat ko sa kaniya. Nawala ang nararamdaman kung kaba kanina dahil kay Axel, buti nalang dumating siya.
"Alam mo, deserve mo manalo. No joke, you're so great!" may halong amaze sa pagkakasabi ni Axel. Why is he so cute?
Gumagaan ang pakiramdam ko kapag kausap ko siya, nakakawala ng problema ang mga ngiti niya. Buti dumating siya, I should not let my unknown feelings for Aaron na sirain kung ano man ang nararamdaman ko kay Axel.
Si Axel ang gusto ko, siya lang.
Pareho kaming napatingin kay Aaron ng umubo siya ng malakas.
"Oh dude, nandiyan ka pa!" bati niya kay Aarion. "Obviously, busy kayong mag-usap kaya hindi niyo na ako napansin..." naiirita niyang sabi.
"Sorry dude, ano nga pala ginagawa mo dito?"
"May sinabi lang ako kay, Claire. Ituloy niyo nalang pinag-uusapan niyo, una na ako may gagawin pa pala ako," walang ano-ano ay umalis na din siya agad.
Pinanood ko nalang siya hanggang makaalis, ilang minuto lang ay nakarating na din si Jai, medyo natagalan lang siya dahil sa madaming tao ang nasa cafeteria ngayon.
Kasalukuyan na din ina-aanounce ang mga panalo, hinawakan ko nalang ng mahigpit ang kamay ni Jai.
"For the first place, she will be receiving 10, 000 pesos. And our 1st place, is ----" tigil ng emcee at tumunog ang drum rolls. Wala na yata talaga akong pag-asa, panigurado naman na hindi ako ang winner.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...