Chapter 9

31 4 0
                                    

Jerk

Napayukom ako ng kamao. Pupuntahan ko na sana 'yong room niya ng bigla akong napatigil dahil sa may biglaang announcement.

"Good Morning students. Announcement! Just like what we had been talking about yesterday. This month, we'll be having a dance competition. Yesterday, we already ask you if you want to join so here's the list of the participants. Calling all the attention of partipants for our upcoming competition, "Hataw Queen". Angelica Mariano, Sheena Angeles, Angelica Lim, Jane Jimenez and Claire Joy Marquez. Start preparing and practicing for you to have a chance to dance with The Movers. Good luck. Have a good day!"

Nanlaki ang mata ko, nandoon 'yong pangalan ko? Paano? Wala akong naalalang nagpa-register ako don.

Hindi ako sasayaw. No. NEVER!

"Sasayaw ka ulit, Claire? Sasayaw kana?" nae-excite na tanong ni Jai sa akin. Seryoso ko siyang tinignan at agad na umiling.

"No Jai, no. NO!" nagulat siya dahil sa pag-sigaw ko. Agad akong natauhan ng Makita ko ang gulat sa mukha ni Jai.

"Sorry Jai, naguguluhan na kasi ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito.." nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Hey, no it's okay. Na-excite lang ako kasi ang akala ko sasayaw ka na ulit. Pero alam ko naman na hindi kaya, ayos lang..." Bakit ba kasi napakabait ng kaibigan kung 'to? "If may problema ka, alam mo namang nandito lang ako, okay?"

Thanks for the help Jai. Pero haharapin ko ito ng mag-isa. Ayoko ng makadagdag pa ako sa mga iisipin mo.

"Ayos lang Jai. Pumasok ka na sa klase mo, malapit na mag-time.." mukhang ayaw niyang iwan ako pero wala din siyang magagawa.

"Don't forget na humingi sa'kin ng tulong kung kailangan mo, okay?" nginitian ko siya at tumango.

Nang nakalayo na si Jai sa akin agad kung hinanap ang room ni Aaron. I can take this anymore. Sobra na siya!

Kailangan ko din alamin kung sino ang naglista sa akin sa competition na 'yon. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa sa akin. Malalagot ka sa'kin kung sino ka man.Nang mahanap ko ang room nila ay agad kung nakita 'yong mukha niya. Mukha siyang anghel pero ugaling demonyo.

Pumasok ako sa loob ng room nila kaya medyo nag-ingay 'yong mga estudyante. Hindi ako napansin ni Aaron dahil kasama niya ang mga kaibigan niya at may pinagkakaabalahan sila. Lumapit ako at nakita kung tawang-tawa sila habang pinanonood 'yong video ko. 'Yong video na pinost niya. Kumukulo na agad ang dugo ko, ang gago talaga!

"Aaron.." tawag ko sa kaniya. Hindi iyon malakas ngunit alam kung maririnig niya. Tumingin siya sa'kin at halatang nagulat ng bahagya pero agad din namang ngumisi.

"Oh hey, why?" umupo siya mesang nasa harap ko at tinignan ako habang nakangisi.

"I guess, you already hear the announcement.." napakunot ang noo ko. "Anong announcement?" seryosong tanong ko sa kaniya.

"The dance competition, kasama ka. Nandito ka ba para pasalamatan ako? Oh no need, gift ko nalang sayo 'yon..." tawang-tawa niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Competition? Siya ang may kagagawan non? Siya 'yong naglista ng pangalan ko don?

"Ika- ikaw ang nagsama sa'kin sa competition?" seryoso ko siyang tinignan kahit na gusto ko ng umiyak at sampalin siya.

"Yes, Claire..." Hindi na ako nakapag-timpi kaya nilapitan ko siya at hinagis ko 'yong libro nasa harap ko sa kaniya. Nakailang naman siya agad.

"Walang hiya ka Aaron! 'Yong video pati ang pagsali ko sa competition ikaw lahat ang may kagagawan!" gusto ko siyang sampalin pero hinahawakan ako ng mga kaibigan niya.

"Is that your way of thanking me?" hindi makapaniwalang tanong niya. 

"Wala akong dapat na ipagpasalamat sa'yo, lahat ng ginagawa mo ay nagpapahirap sa akin! Ang sama mo, napakasama mo!" iyak ko habang nakatingin sa kaniya.

"Bitiwan niyo ako ano ba! Sabing bitaw!" pagpupumiglas ko sa pagkahawak ng mga kaibigan niya. Pupuntahan ko sana siya para basagin ko ang bungo niya pero nahawakan nila ako agad.

"Let her go." Agad akong binitawan ng mga kaibigan niya. "That video... it's your fault actually. Hindi ginawa ang school para tulugan mo lang, Claire. And aren't you happy? Pinagkakaguluhan ka ng mga tao. Everyone is talking about you!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang gusto ko lang naman humingi siya ng tawad e. Tanggapin niya 'yung pagkakamali niya. Pero bakit sobrang hirap para sa kaniya 'yon?

I slap him. Really hard!

"Napakawalang hiya mo Aaron. Sa tingin mo ba gusto ko 'yong pagtinginan at pagtawanan ako? Kahit hindi nalang nila sana ako pansinin, ayos lang sa'kin..."mahina kung sabi habang patuloy pa din ang pag-iyak.

"Bakit ba kasi sobra mo akong pinapahirapan? Ako lang ba 'yong gumawa ng mali sa atin dito? Ganyan ka ba talaga pinalaki ng magulang mo? O sadyang wala ka lang puso?" tinignan niya ako ng seryoso habang hawak ang pisngi.

"Ikaw ang kailangan humingi ng tawad sa akin. And really? Video lang 'yon, you're taking this seriously. Fuck!" This guy is really pissing me off.

"Video lang? Alam mo ba kung ano ang mga sinasabi sa'kin ng mga tao ha? Pahirapan mo lang ako Aaron, tatanggapin ko pero bakit kailangan mo pa akong isama sa lintik na competition na 'yon? Gusto mo bang sirain 'yong buhay ko?"

Hindi ko na kaya, hindi ako sasayaw. Ayoko!

"Dahil sa pagbangga ko sa'yo? Sa pagtapon ko ng sauce? Sa pagsipa? Banggain mo ako ng ilang beses, tapunan mo ako ng kahit ilang baso ng sauce. Pero wag naman sana ganito, Aaron. Sobra ka na..." napahawak ako sa dibdib ko. Gusto ko man na tumigil na sa pag-iyak pero hindi ko magawa.

"Ikaw ang nauna sa atin, ikaw ang may kasalanan. Napuno na ako sa'yp, mabuti ka at 'yan lang ang ginawa ko!"

I really can't believe this guy. How can he be so heartless? Umiiyak na ako pero pride na niya pa din ang mas pinapairal niya?

"Oo, alam kung mali ako. Pero handa naman akong pagbayaran 'yon. Sana kinausap mo nalang ako. Matatanda na tayo, magseryoso ka naman. Mahirap lang ako, wag mo naman sana akong mas pahirapin pa..." pagpipilit ko sa kaniya.

"Well, sorry to say this Claire but I'm enjoying it!" nakangising sabi niya.

"Kung gusto mong sumaya, bumili ka ng sarili mong clown. 'Wag naman ako ang paglaruan mo Aaron. Tao ako, nahihirapan din lang. Hindi ako pwedeng makipaglaro sa'yo, may mas mabigat akong responsibilidad na nakapasan sa likod ko. Malaki kana Aaron, kaya sana maintindihan mo, alam mo na ang tama at mali. Please lang wag kang maging immature, isipin mo din 'yung taong pwede mong masaktan. Huwag puro sarili mo lang. Huwag puro kaligayahan mo..."

"I can do whatever I want Claire, you don't have a fucking right to command me!" sigaw niya. Nakakatakot pero di ako papatinag.

"Ganyan ba talaga kayong mayayaman ha? Nagiging masaya kayo kapag may natatapakan kayong tao? Na may nasisira kayong buhay? Dahil ba mataas ka kaya gusto mong gawin 'to?" di makapaniwala kung tanong.

"You don't even know me Claire, don't fucking judge me. Ginawan mo ako ng masama, kaya ibabalik ko sa'yo 'yon ng mas malaki pa!"

"Yes Aaron, I don't know you. Pero dahil sa mga ginagawa at sinasabi mo, pinapakita mo lang sa'kin nangangamoy bulok na 'yang ugali mo. Napakasama mo!" tumalikod na ako sa kaniya at umalis na sa loob ng room nila.

Napanganga lang ang mga nasa room dahil sa naging ayaw namin ni Aaron.

He tried to call me, he even shout my name but I don't even bother to look back. Hindi ko na kakayaning harapin siya ulit, ayokong makipag-usap sa tulad niyang napakasama ang ugali.

Aaron is such a jerk.

Rhythm of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon