Naglalakad ako sa mall dala-dala ang nakabalot ko na gown para bukas, Excited na akong mai-suot ito, kung tutuusin, perfect na sana ang araw ko bukas pero may naa-lala akong babasag sa maganda na araw ko bukas, wala na kaming matitirhan bukas,
Bigla akong nalungkot nung naalala ko yun, Saan naman kami titira pagkatapos ng Prom?
"Natalie, Uwi na kami! Bye, Sabay na kayo ni Chloe!" Paalam nila, kumayaw na kami ni Chloe at nawala na sila sa paningin namin, sabay kami ni Chloe dahil parehas kami ng Street, Kaya naman hindi ako natatakot umuwi dahil may kasama naman ako.
"Ano? Tara na?" tanong nya sakin, tumango ako at nag-umpisa na kaming malakad palabas ng Mall, Medyo mabagal lang ang lakad namin dahil malapit lang naman dito ang mga bahay namin, Tawa lang kami ng tawa na parang wala kaming mga problema sa buhay,
"Uy Natalie! bukas ah, 1 o'clock tayo sa parlor, Magiging maganda ka talaga bukas promise! Ang perfect din ng date mo! Sigurado akong magiging perfect ang araw mo bukas"Puri sakin ni Chloe, pero di nya alam na may mas malaki pala akong problema bukas, wala na akong uuwian, sana naman, may mahanap si Tita na apartment agad.
"Oo sige, salamat ah.. Ikaw, sino ba date mo bukas?" tanong ko
"Wag mo ng tanungin, Nobody lang ang date ko, di katulad ng sayo, sya na ata ang pinapangarap ng mga babae sa school natin sabay sayo pa sya napunta? Ang swerte mo lang Natalie!" Tuwang-tuwa si Chloe para sakin, mukang ito na ang umpisa ng magandang pagkakaibigan namin.
"Alam mo, wala naman sa Escort mo eh kung magiging maganda ang araw mo bukas, gawin mo lang Masaya ang araw na yun para sayo" payo ko sa kanya, may napansin akong kakaiba, parang may nag-mamasid samin sa bawat galaw namin,
Kinakabahan ako, tumingin ako sa likod, wala namang kotse o tao man lang, kami lang ang naglalakad dito.
Katahimikan, sobrang tahimik, parang may kakaiba dito, tumingin ako sa likod at malayo ay may kulay itim na kotse ang Umaandar, bigla akong kinabahan pero hindi ko pinahalata kay Chloe para hindi sya matakot, Medyo papalapit na samin ang kotse, Mas lalo akong kinabahan at parang napansin ni Chloe iyon,
"Natalie, may Problema ba?" tanong nya sakin, Napalunok ako, kailangan kong sabihin ito,
"Tumakbo tayo, Mag-hiwalay tayo ng daan, may sumusunod satin, magkita tayo sa playground." Tumango naman sya, nag-bilang ako, Pagkatapos nun tumakbo na kami sa magkaibang landas, tinahak ko ang landas papunta sa may Creek, si Chloe naman papunta sa Playground,
alam kong hindi kami masusundan ng mga yun dahil hindi pa nila alam ang bahay namin. kaunting takbo pa, hindi na nila kami mahahabol, nakikita ko na ang playground at nakikita ko na din si Chloe na halatang Kadadating lang din nya dun at hingal na hingal pa sya.
"Bakit ba tayo tumatakbo Natalie? Sino ba yun?" Tanong nya sakin habang nagpupunas pa sya ng pawis, pawis na pawis din ako ngayon dahil sa katatakbo, medyo malayo-layo din ang tinakbo ko dahil Lumiko pa ako sa kabilang Street, Nakakahingal talaga.
"Basta" Simpleng sagot ko sa kanya.
"Anong basta? Madadamay din ang buhay ko dito Natalie!"
"Mahirap kasi ipaliwanag Chloe eh, Sige kita nalang tayo bukas!" Nagbeso na ako sa kanya at tumakbo na ko palayo, ayoko ng may madamay pa sa buhay ko pero Hindi pwede eh, lahat ng mga taong nakakasama ko nagiging bahagi narin ng Mapeligro kong Buhay.
Ng makalayo na ako kay Chloe, Naglakad nalang ako hanggang sa makarating ako sa bahay. Walang tao, ang mga gamit ni Tita ay naka-empake na, siguro naghahanap sya ng malilipatan namin bukas.
Kaunti lang kasi talaga ang mga gamit namin dahil palipat-lipat kami, wala nga rin kaming mga appliances eh, basta kung ano lang ang kailangan namin ay yun lang ang dinadala namin, sinarado ko ang pinto at sinigurado na wala na yung kotse kanina, natakot talaga ako at kinabahan dahil sa pangyayari na yun, napa-buntonghininga nalang ako at dumiretso na ako ng kwarto at Nag-empake narin, Ang gown ko naman ay sinampay ko sa hanger.
Pinagmasdan ko ang gown ko, napakaganda, napakasaya din dahil kahit wala akong pera ay nag-ambagan ang mga kaklase ko para lang makabili ako nito, nakakatuwa. Sinisigurado kong napakaganda ko bukas pag sinuot ko ito, sinsigurado ko rin na magiging Guwapo si Rain bukas, naiisip ko palang sya, may nag-liliparan ng mga paro-paro sa tyan ko.
Ng matapos ako sa pag-eempake, humiga na ako sa kama at tiningnan ko ang oras, 6 na pala ng hapon, kaya naman napabangon ako at nag-luto ng kakainin namin ni Tita total may mga natira pa naman na Ingridients at mga noodles, ito lang ang makakayanan namin kaya ito lang ang lulutuin ko.
--
Kinaumagahan, ang ganda ng gising ko, kahit na alam ko na nagyon na kami aalis dito sa tinitirhan namin, Binigyan kami hanggang mamayang gabi para maka-lipat kami ng matitirhan, swetre naman na may nakita ng apartment si Tita na pwede naming lipatan mamaya, ako naman ang naghanda ng kape namin ngayong umaga.
"Tita, saan po ulit yung lilipatan natin?" tanong ko
"Doon lang sa kabilang street, medyo maliit lang yun pero mapag-tatyagaan na at mura pa. nga pala, kamusta na gown mo sa prom?" tanong nya dahil hindi pa nya nakikita ang damit ko at ngayong umaga lang sya naka-uwi.
"Maganda naman tita, sumobra pa nga ang presyo nun sa napag-ipunan pero dinag-dagan ng mga kaklase ko" Kinuha ko yung Gown sa kwarto at pinakita ko sa kanya,
"Wow! Ang ganda! Bagay na bagay sayo to!" puri nya,
"Salamat, mamayang hapon na pala kami mag-paparlor.."
"Ah, ayos yun Natalie, minsan mo lang maranasan to kaya naman lubusin mo na. Magiging proud talaga sayo ang mga magulang mo dahil maganda ka! Wag mo na munang alalahanin ang mga problema natin, malalampasan din natin yun" napangiti kaming dalawa ni tita at nagyakapan kami.
Kinahapunan, pumunta na ko sa napag-usapan naming parlor, nandun na sila at ako nalang ang inaantay nila, nagbeso kami at pumasok na kami sa Salon, good thing na walang mga tao dito at kaming lahat lang ang mga costumer, napaliwanag narin sakin na sila na daw ang magbabayad para sakin, umangal pa nga ako at sinabi kong babayaran ko nalang sila pag may pera na ako pero sabi nila wag na daw, Nakakatuwa talagang isipin na nandyan ang mga kaibigan ko para sakin, binabawasan nila ang mga probleama ko kahit paano.
Madaming ginawa samin, tantya ko nasa 5000 o pataas pa ang magagastos sakin, nahihiya na nga ako pero hindi nila ako papaalisin ng salon hanggang sa hindi ako pumayag, kaya naman napapayag nila ako, Unang ginawa samin ang Facial, Kasunod ang Hair dye, Pinapili pa nga ako ng kulay, hindi ako makaisip, pero ng may Makita akong kulay na babagay saakin, iyon na ang pinili ko, Kulay Grey ang kulay na iyon, kasunod ng kulay ang make-up, ngayon ko lang naranasan ko, tuwang-tuwa talaga ako dahil ngayon ko lang ito naranasan.
"Okay! Handa na tayo sa prom!" sigaw ni Chloe ng lahat kami ay nakita nyang handa na.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...
