Ilang araw pa ang lumipas at biyernes na. Ito na ang araw kung kailan pupunta ang mga lalaking iyon dito. Pinag-hahandaan ng lahat ang kanilang pag-punta. Lahat ng tao ay hawak ang kanilang mga baril. Lahat kami sa grupo ay naka-patay na. Pinatay nila ang mga wanted na naka-paskil sa mga poste at kuntento na kami doon. Di na namin kailangang pumatay pa.
"Anong plano?" Tanong ni Rain.
"Marami na tayong armas, may mga pagkain na tayo, siguro makaka-alis tayo dito bukas o samakalawa." Sagot naman ni Garett.
"Ano pa ang hinihintay natin?" Tanong naman ni Glimmer.
"Oras. Kailangan pa natin ang oras para malaman kung saang banda ang medival--" napahinto siya sa pag-sasalita ng makarinig kami ng malakas na tunog nang parang sirena ang umalingaw-ngaw sa buong lugar. Tahimik ang lahat at tanging ang tunog lang ng sirena na iyon ang aming naririnig.
"Magandang umaga. Maari nang lumabas ang lahat upang mabigay na ang kanilang mga kabayaran. Salamat."
Iyon ang aming narinig bago kami lumabas. Marami rin palang tao ang nandito. Sa di kalayuan ay may mga lalaking tantya ko ay nasa mga 25 lahat. Naka-suot sila ng gas mask at kulay puti na mga lab gown. May hawak-hawak din ang ilan sa kanila na mga baril. Pumila na ang mga tao at pumila narin kami. Naramdaman ni Raphael na kinakabahan ako kay hinawakan niya ang kamay ko.
Isa-isa na silang binigyan ng pera. Pero nagulat nalang ako ng bigla nilang barilin ang isang lalaki. Siguro ay wala itong napatay. Malayo pa kami sa kanila. Napaka-layo pa. Marami pa kaming makikita na mamamatay.
"LUMABAN NA TAYO!" iyon ang aming narinig, pagkatapos noon, nagka-gulo na ang lahat. Tumakbo kami pabalik sa bahay. May naririnig kaming mga putukan na para bang nag-lalaban ang dalawang pwersa.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Chloe. Naka-hawak sa kamay niya si Rain.
"Ito na nga. Ito nga sinasabi nila." Tumingin saakin si Raphael. "Bali-balita narin dito na mag-aaklas daw ang mga tao laban sa mga lalaking iyan. I guess, nangyayari na nga." Puro putukan at sigawan lang ang naririnig namin. Sumilip ako sa binatana at napa-hawak ako sa bibig ko dahil sa nasak-sihan ko. Ang daming patay. Sobrang daming patay. Marami rin ang lumalaban. Lahat sila ay may hawak na mga baril.
"Ngayon na." Napatingin kami kay Garett. "Ngayon na ang pagkakataon para tumakas tayo. May mga armas na tayo at mga pagkain. Ngayon na ang tamang panahon." Tumango kami at nag-handa. Pinalitan ko ang damit ko ng kumportableng mga damit. Alam kong maglalakbay nanaman kami. Kinuha ko ang bag ko na punong-puno ng mga baril at mga pagkain.
Noong bumaba na kami, naka-handa narin sila.
"Ganito ang plano, sasali muna tayo sa away nila, lalaban din tayo para hindi nila tayo mahalata. Magnanakaw tayo ng mga kabayo at pupunta na tayo sa kabilang dulo ng bayan kung saan nandoon ang maze papunta sa medieval part." Sambit ni Raphael. "Handa na kayo?" Tumango kami at binuksan na niya ang pinto.
Lumabas na kaming lahat at binaril ang mga lalaki. Nabawasan sila ng 6 dahil saamin. Asintado ang bawat pag-baril ko sa kanila. Sa ulo sila palaging tinatamaan. Naturuan ako ng tama ni Alison kaya alam ko na ang ginagawa ko. Nang maubos na ang mga may baril sa kanila, sumunod naman ang mga lalaking nagbibigay kanina ng pera.
Sinugod nila kami ng may hawak na kutsilyo. Binaril ko ang sumugod saakin at nagtalsikan ang dugo niya sa muka ko.
Naubos na sila. Wala nang hahadlang saamin. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na kaming kailangan pang patayin.
"Tapos narin." Natatawang sabi ni Rain.
"Nagpapatawa ka ba?" Napalingon kami ng lumapit ang natatawang si Alison saamin na puno narin ng dugo. "Hindi pa tapos ang laban. Tingin nyo ba, hahayaan nalang nila tayo na mabuhay matapos ang ginawa natin? Hindi. Magpapadala sila ng mga sundalo dito para patayin tayong lahat." Tumingin siya sa mga dala naming bag. "Aalis kayo? Sasama ako."
"Paano na tayo makaka-alis?" Nanlulumong sabi ni Glimmer."Makaka-alis tayo. Kailangan lang nating maubos ang mga sundalo na ipapadala nila dito." Sambit ni Alison at umalis na para kunin ang kaniyang mga gamit. Tinitigan ko ulit ang daan. Nakakapan-lumo dahil puro bangkay ang nandito. Napakaraming buhay ang nasayang.
"Hey, ayos ka lang, Natalie?" Hinawakan ni Raphael ang kamay ko.
"Oo. Salamat" hinalikan niya ako bago ngumiti.
Ilang saglit pa, may nakita na kaming mga sundalo sa di kalayuan, ito na iyon. Nag-tago kami sa mga lugar na hindi nila makikita. May plano kaming sa likod ng mga bahay dumaan. May mga kabayo narin ang nag-aantay saamin sa labas ng bayan na ito.
"SUGOD!" sigaw ng isa sa mga kakampi namin at binaril nila ang mga sundalo. Napakaraming bala ang lumipad. Napakaraming dugo ang dumanak. Nag-umpisa narin kaming bumaril. Sinisigurado kong may tinatamaan ako. Napakarami nila. Sobrang dami.
Nang nasa kalagitnaan ng laban, sinenyasan kami ni Alison na oras na. Tumakbo kami sa likod ng mga bahay, papunta sa mga kabayo. Pinatakbo na namin ang mga kabayo papunta sa maze. Ngunit di pa man kami nakaka-layo...
"May tumatakas!" Sigaw ng isa sa mga sundalo at pina-ulanan na nila kami ng bala.
"Shit!" Sigaw ni Alison at mas lalo pa namin binilisan ang pag-takbo ng mga kabayo hanggang sa makita na namin ang maze. Naka-hinga ako dahil ligtas narin kami.
"Muntik na tayo dun." Sabi naman ni Alison habang nag-pupunas ng pawis. Nag-pahinga muna kami sandali. "Makakalabas narin ako sa impyerno na ito." Matigas na sabi niya.
"AH!" Kinabahan ako ng sumigaw si Glimmer. May daplis ng bala ang kaniyang braso at bahagyang nag-dudugo ito.
"Shit!" Nag-aalalang sigaw ni Garett at pumunit ng mahabang tela sa kaniyang damit at itinali ito sa sugat ni Glimmer. "Masakit pa?" Nag-aalalang tanong niya kay Glimmer. Tumango naman ito at nagulat kami ng bigla nalang niyang hinalikan sa labi si Glimmer.
"Ehem." Sabi ni Raphael at nag-hiwalay na ang labi ni Garett at ni Glimmer. "Tara na." Sabi ni Raphael at pumasok na kami sa Maze. Nakakatakot ang maze na ito. Malaki at sobrang dilim. Buti nalang at nakahawak si Raphael ng mahigpit sa kamay ko kaya naman nababawasan ang kaba ko.
Nagulat kami ng may marinig kaming pag-bagsak. Lumingon ako at nakita ko na unti-unting nagbabagsakan ang mga pader ng maze.
"Takbo!" Sigaw ko at tumakbo na kami ng mabilis. Mas bumilis ang pag-guho ng maze na para bang sinusundan kami nito. Kinakabahan na ako. Pawis na pawis ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Ayun! May liwanag sa banda doon!" Tumakbo kami papunta doon bago kami mabagsakan ng mga pader ng maze.
"Ano?!" Sigaw ni Garett. Mali. Maling-mali. Mali ang lugar na napasukan namin.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...