"Ano ba'ng nangyayari dito? Bakit may hindi tayo alam? Bakit sila lang ang nagplano?" Tanong ni Chloe. Nasa harapan na parte sila Raphael, Garett, at Rain at tahimik sila na nag-uusap. Sinisigurado nila na hindi nila namin sila maririnig.
"I'm shocked too. Hindi ko inaasahan to." Sabi ko. Nang matapos na silang mag-usap, bumalik na sila Raphael at niyakap ako ni Raphael ng mahigpit.
"Sabi ko sayo Natalie. Naka-takas na tayo." Malaki ang ngisi Raphael.
"Ano bang nangyayari dito, Raphael?" Tanong ko.
"Mamaya. Ipapaliwanag namin sayo lahat kung ano mismo ang nangyayari." Nanatili lang siyang naka-yakap saakin. Ilang oras pa kaming nasa helicopter hanggang sa maramdaman namin na unti-unti nang bumababa ang pag-lipad hanggang sa tuluyan na kaming nasa isang helipad ng isang malaking bahay.
Parang pamilyar saakin itong bahay na ito. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na. Ito ang bahay namin dati. Dito ako naka-tira noong buhay pa ang mga magulang ko. Ano naman kaya ang ginagawa namin dito? Tumingin ako kay Raphael at malaki lang ang ngisi sa kaniyang labi.
Nag-lakad na kami papasok. Hindi pa rin nag-babago ang bahay namin. Ang bahay na kinalakihan ko. Ang bahay kung saan puro masasayang ala-ala lang ang namamayani. Dito ako lumaki at nagka-isip. Dito ko rin nasaksihan ang pag-mamahalan ng mga magulang ko.
Habang nag-lalakad kami, hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa mga ala-ala na tumatakbo sa isip ko. Bawat sulok ng mansyo na ito ay may ala-ala ako.
Pumunta kami sa Sala at naupo kami sa mga sofa. Pinasan ko muna ang mga luha ko dahil naka-titig sila Chloe at Glimmer saakin. Nanatiling naka-tayo si Raphael sa harapan ko.
"Ipapaliwanag ko na ang Lahat. Mag-simula tayo sa umpisa, ako ay Miyembro ng Schwartz Mafia Group." Nanlaki ang mga mata ko. Imposible. "Kami ni Garett ay miyembro ng Schwartz Mafia Group dahil ang dad namin ay ang nag-alaga sa organisation na ito ng mamatay ang magulang mo. Ang Pryor Mafia at ang Schwartz Mafia group ay pinag-sama upang mabuo ang isang napaka-lakas na grupo na tatalo sa Mafia ng World's Organization."
"Mafia?! Walang mafia ang mga magulang ko!" Sigaw ko pa.
"Hindi kita masisisi kung yan ang paniniwala mo. Itinago lang ito ng mga magulang mo sa'yo para maging Ligtas ka, Natalie. Si Andrew Schwartz at Natalia Schwartz ay isa sa mga pinaka-malalakas na Leader sa buong mundo." Lumunok muna si Raphael.
"Si Rose Dela Vega naman, galit siya sa mama mo dahil minahal niya si Andrew ngunit mas pinili nito si Natalia. Naiinggit din siya kay Natalia dahil nasa kaniya na ang lahat. May Mafia si Rose, malakas naman ang kaniyang mafia ngunit mas malakas ang mafia ng mga magulang mo. Dapat ang magiging World's Government President ay si Andrew, ngunit noong ibibigay na sa kaniya ang pwesto, pinapatay sila ni Rose, at si Rose naman ang naging Presidente." Naiintindihan ko na ang mga nangyari.
Humanda siya saakin. Pagbabayaran niya lahat ng kahayupan na ginawa niya saakin at sa pamilya ko.
"Noong mamatay ang mga magulang mo, itinago ka ni Rose mula saamin. Dapat ang mag-aalaga sa iyo ay ang Dad namin, ngunit itinakas ka na ni Rose. Pinaniwala ka niya na kalaban kami, Natalie. Pero hinahanap ka talaga namin para ikaw na ang mamuno sa mga Mafia Group dahil matanda na ang Dad namin" napa-kuyom ako dahil sa inis ko kay Rose. Walang hiya siya! Siya ang may kagagawan ng lahat ng ito!
"Noong tuluyan ka na naming nahanap, inubos ni Rose lahat ng mga miyembro namin na sumusunod sa iyo at ang mafia niya naman ang ginamit niya upang pag-mukhain kaming mga kalaban. At dahil hindi pa kami kilala, napag-desisyunan namin ni Garett na mag-apply bilang mga Artista. Minanmanan ka namin sa loob ng isla at binantayan. si Rain naman, siya ang pinaka-bagong miyembro ng Mafia. Isa rin siya sa nag-bantay sa iyo at hindi siya Traydor." Huminga ng malalim si Raphael.
"At Natalie Schwartz, ikaw ang tagapag-mana ng Scwartz Mafia Group. Ikaw ang Heiress ng pangalawa sa pinaka-malakas na Mafia sa buong mundo." Naiintindihan ko na ang Lahat.
"Gusto kang maka-usap ni Sir." Sambit ni Rain. Tumango ako at sinamahan niya ako paakyat sa pangalawang palapag, huminto kami sa tapat ng kwartong dating kwarto ng mga magulang ko. Binuksan ko ito at pumasok.
"Natalie Schwartz." Isang lalaki ang naka-upo sa silyang kahoy ang bumati saakin. Siya na siguro ang tatay nila Raphael at Garett. "Ikinagagalak kong makita ka." Lumapit siya saakin at niyakap ako.
"Ako rin po."
"Kamukha mo si Natalia. Nakuha mo naman ang labi at ilong ni Andrew." Ngumiti pa siya at umupo na kami.
"Ako si Vlademir Pryor. Ako ang leader ng Pryor Mafia at ang namamahala sa Schwartz Mafia Group." Ngumiti siya. "Walang pinag-bago ang bahay na ito, Natalie. Wala kaming ginalaw simula nang mamatay ang mga magulang mo. Ganitong-ganito pa rin siya simula nang kuhanin ka ni Rose." Ngumiti siya ng mas malawak.
"Maraming salamat po."
"Ngayon, Natalie, handa ka na bang Hawakan ang Schwartz Mafia Group? Handa ka na bang manahin ang lahat ng mana at kapangyarihan?" Tanong niya.
"Handang-handa na po ako. Masyado na akong nag-hirap noon. Oras na para lumaban."
"Handa ka bang patayin si Rose Dela Vega?" Natigilan ako sa sinabi niya. Napa-lunok ako at Tumango.
"Ngayon, ikaw na ang Leader ng Schwartz Mafia Group. Ikaw na ang isa sa pinakamalakas na Leader sa buong mundo." Inilabas niya ang isang Kwintas na may naka-ukit na SZ. Gawa ito sa Ginto at nakikita ko itong suot ni Mama dati.
"Alam mo, mabuting kaibigan sila Andrew at Natalia saakin. Noong hirap na hirap ako, sila ang nag-sabi saakin na mag-sikap. Tinulungan nila akong maka-ahon. At ako'y naging pangatlong pinaka-malakas na Leader sa buong mundo. Ngunit ipapasa ko rin ito kay Raphael sa tamang panahon."
"Ibig sabihin, si Raphael ang tagapag-mana ng Pryor Mafia Group?" Tumango siya.
"Hija, kailan ba kayo gagawa anak ni Raphael?" Natigilan ako sa tanong niya at pakiramdam ko ay namula ako.
"A-ano po?"
"Kailan ako magkaka-apo, Hija? Matanda na ako at gusto ko nang magka-apo. Dati ko pang sinasabi kay Raphael iyan pero hindi siya tumingin sa ibang babae. Simula nang makita niya ang Litrato mo noong bata pa lang siya, ipinangako na niya na ikaw ang papakasalan niya." Namula ako at nag-init ang pisngi ko.
"O siya sige na't bumalik ka na sa baba nang makaligo at maka-kain ka na." Sambit niya Pa.
"Sige po. Maraming salamat ulit." Ngumiti ako at lumabas na ng kwarto.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
مغامرةTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...
