Kami na ang aatake ngayon. Kami naman ang sisira ng mga buhay. Gagantihan na namin sila ngayong araw. Alam naming matatatalo namin sila. Inihanda ko na ang baluti ko at lahat ng pang-protekta sa katawan at iba pang mga sandata. Ganoon din si Raphael.
Oras na para lumaban sa Flamming Arrows. Gagantihan ko sila sa ginawa nila kay Raphael. Nag-lagay ako ng mga linya sa pisngi ko na sumasagisag sa tribo namin. Ang tribo ng Asahigi. Umuulan ng dugo sa labas ngunit balot naman ang aming katawan kaya walang dapat ipag-alala.
"Handa ka na?" Tanong ni Raphael. Tumango ako at lumabas na kami ng kubo. Mahina nalang ang ulan at halos patak-patak nalang ito. Nandoon narin sila Garett sa labas. Naka-suot din sila ng mga baluti at may mga sandata din sila.
"Tara na. Inaantay na tayo nila Shiva." Sambit ni Alison at nag-lakad na kami papunta sa opisina ni Shiva. Nandoon na ang lahat. Lahat ay naka-suot ng mga baluti at may dala ring mga sandata.
"Ngayon tayo gaganti sa Flamming arrows! Walang ititirang buhay sa kanila!" Sigaw ni Shiva. Nag-sigawan na kami at pagkatapos ay lumabas na kami at tumakbo na papunta sa tribo ng flamming arrows. Kung pula ang langit. Halos walang mga puno sa paligid. Dadanak ng dugo mamaya.
Nakikita na namin ang village ng flamming arrows. Malaki ito. Mas malaki saaming village. Ngunit naka-titiyak ako na mamaya lang ay mauubos na silang lahat. Wala akong ititira sa kanila maski ang lider ng tribo nila.
Umayos kami ng tindig ng pumunta saaming unahan si Shiva.
"Sugod!"
Tumakbo na kami papunta sa flamming arrows. Halatang hindi nila inaasahan ang aming pag-dating. Binato namin ang mga hawak naming bomba na gawa sa mga materyal na mayroon ang aming tribo. Sinunog namin ang kanilang mga bahay. Nagka-gulo lahat ng mga naninirahan sa Flamming Arrows.
Sumugod ang kanilang mga bantay pero naubos rin namin sila. Galit ang tanging laman ng isip ko dahil sa ginawa nila kay Raphael. May sumugod saaking isang lalaki na may hawak ng isang malaking martilyo. Ihahampas niya sana ito saakin pero naunahan ko siya. Sinuntok ko siya sa tyan at sinaksak ko ang kaniyang dib-dib.
Nanahimik ang buong paligid. Tanging ihip lang ng hangin ang naririnig namin. Wala nang katao-tao dito. Madaming bangkay ang nasa lupa. Nasaan na kaya sila?
"Shiva. Hmm.. Hindi ka parin nag-babago." Nakita namin si Guiles na nag-lalakad papalapit saamin. Nasa likod niya ang kaniyang mga sundalo. May hawak-hawak din na mga armas ang kaniyang mga sundalo at masasabi ko na magkasing dami lang kami. Ngayon namin malalaman kung sino ang mas matatag.
"Kung sa tingin mo ay malakas na ang Tribo mo, Guiles, nagkakamali ka." Matapang na sambit ni Shiva.
"Hindi niyo ba alam na ang Tribo na namin ang susunod?" Hindi ko naintindihan kung ano ang sinasabi niya na 'susunod'
"Wala akong pakialam kung ang tribo mo na ang susunod. Uubusin muna namin kayo bago sila dumating." Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Shiva. Anong ibig sabihin ng susunod? At sino naman ang sinasabi niyang sila?
"Kung gusto mong dumanak ng dugo, pag-bibigyan kita." Sabi ni Guiles. "Sugod!"
Sumugod saamin ang Flamming Arrows. Iwinasiwas ko ang dala kong itak at natalsikan ako ng dugo ng mga sumusugod saakin. Panay ang sipa, suntok, at ang pag-saksak ko. Hindi ko na makita sila Raphael. Bigla akong kinabahan at nanlamig.
May isang lalaki ang sumugod saakin at agad ko siyang sinaksak. Hinahanap ko sila Raphael ngunit hindi ko sila makita.
Nag-tagal ang digmaan ng ilang minuto bago maubos ang flamming arrows. Akala namin malakas sila. Iyon pala ay mahina din. Naaninag ko ang muka ni Guiles sa harapan. Wala siyang ginagawa kung hindi ang manood lang. May ngiti sa kaniyang labi. Naiinis ako habang tinititigan ko siya.
Lumapit ako sa kaniya. Narinig ko ang boses ni Alison na tinatawag ako ngunit hindi ko siya pinansin at tuluyan na akong naka-lapit kay Guiles.
"Salamat." Sambit niya na aking ikina-gulat.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam kong bago ka. At alam kong hindi pa sayo sinasabi ni Shiva." Sinakal ko siya pero hindi mahigpit.
"Anong hindi niya sinasabi saakin." Binitawan ko ang leeg niya.
"Mamaya, may mga Scientists ang pupunta dito upang kolektahin ang aming tribo. Palagi nila itong ginagawa. Inuubos nila ang mga tribo dito sa Dystopia. Maraming salamat at hindi na mahihirapan ang mga ka-tribo ko." Nanlamig ako sa sinabi niya.
"Pinadala ba nila kayo? Pinadala ba kayo ng mga baliw na scientist?" Iyon ang unang bagay na sinabi saamin ni Shiva ng makita niya kami dito sa Dystopia. Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang kaniyang sinasabi."Gusto mo bang hindi mahirapan?" Tanong ko kay Guiles na hanggang ngayon ay naka-ngiti parin na parang isang baliw.
"Gawin mo kung ano ang nararapat." Lumuhod siya sa harapan ko. Inilabas ko ang kutsilyo na nasa bulsa ko.
"Huling kahilingan?" Tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa mga mata ko.
"Manatili kang buhay, Natalie Schwartz." Nagulat ako. Alam niya ang pangalan ko? "Ikaw ang nararapat na pumatay sa mga gumawa ng lugar na ito." Ngumisi siya. Alam niya rin pala ang katotohanan sa likod ng lugar na ito. "Gawin mo na, Natalie. Para hindi ako makuha ng mga scientist na iyon."
Huminga ako ng malalim bago ko itarak ang kutsilyo sa kaniyang leeg. Umagos ang napakaraming dugo mula doon.
"NATALIE! Sa harap mo!" Narinig ko ang boses ni Alison at tumingin ako sa unahan at inilagan ko ang sibat na lumilipad papunta sa direksyon ko. Naka-hinga ako ng maluwag.
"Salamat, Alison--" nanlumo ako sa nakita ko. Nanlamig ako at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naka-tusok ang sibat sa tyan ni Alison at umaagos ang dugo mula sa kaniyang bibig. Agad na bumuhos ang luha sa mata ko. Nilapitan ko kaagad si Alison at niyakap siya.
"T-tandaan mo, N-Natalie, makakalabas ka sa lugar na ito. Pag-bayarin mo ang may mga gawa ng lugar na ito." Lumuha rin si Alison.
"Alison..." Wala akong masabi. Bigla kong naalala ang nangyari sa mga magulang ko.
"Hindi ko na kaya, Natalie. Hanggang dito nalang ako." Pumikit na siya. Naramdaman ko ang lubos na galit ata ang pagka-muhi. Bakit ba ganito ang buhay? Bakit ba napaka-daya? Bakit palaging may namamatay?
Sumigaw ako ng napaka-lakas. Napa-tingin saakin sila Chloe. Nanlaki ang kanilang mata sa nakita nila. Agad silang tumakbo papunta saamin at agad akong niyakap ni Raphael. Umiyak din sila Chloe at Glimmer. Kahit paano ay naging parte narin si Alison ng aming mga buhay. Hinimas-himas ni Raphael ang likod at ginagawa niya ang lahat para tumigil ako sa kakaiyak.
Natigilan kami ng bigla nalang tumahimik ang buong paligid at biglang sumigaw si Shiva.
"Nandito na sila! Natalie umalis na kayo!" Nakita namin ang mga scientist na sinasabi nila. Katulad sila ng mga lalaki sa Western. Ang mga lalaking nagbibigay ng pera at pumapatay.
"Tara na." Sabi ni Garett at tumakbo na kami. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero takbo lang kami ng takbo. Naalala ko si Alison. Hindi na siya mahihirapan dito sa isla na ito.
Paalam, Alison.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...