"Anong Plano?" tanong ni Garett.
"Ang plano ay patayin natin sila bago nila tayo patayin. iyon ang plano." sabi ni Raphael.
"Ano ba itong laro na ito?" nag-aalalang tanong ni Glimmer.
"Hindi rin namin alam. pero lumaban tayo. lalaban tayo hanggang sa maubos natin sila." sambit ni Garett.
"Paano kung maunahan nila tayo? masyadong kampante si Rose na mamamatay tayo sa larong ito." tanong naman ni Chloe.
"Mag-tiwala lang tayo. hindi nila tayo mapapatay ng ganoon kabilis." hinawakan ni Raphael ang kamay ko kahit na naka-posas siya. Lamig na lamig ako dahil sa kaba at pinag-papawisan din ako. Hindi pa ako kinabahan ng ganito dati.
"Mag-uupisa na ang Laban."
May speaker pala sa magkabilang dulo ng kwarto. Tumayo na kami at nag-handa na. Hindi namin alam kung sino o ano ang makaka-harap namin dito sa pit na ito.
"10..."
Na-tanggal ang posas namin. Tiningnan ko ito at may mga device pala na naka-kabit dito.
"9..."
Nag-lakad na kami papalapit sa pintuan sa kabilang dulo ng kwarto. Ito na. Baka dito na kami mamamatay. Hinawakan ko ng mas mahigpit ang kamay ni Raphael.
"8..."
Tumaas ang balahibo ko dahil sa boses na iyon. Napaka-lalim at para bang sinasabi na talaga nito na mamamatay kami.
"7..."
Tiningnan ko sila Garett at magka-hawak sila ni Glimmer ng kamay, habang si Chloe naman ay handang-handa nang lumaban.
"6..."
Naalala ko nanaman si Rose. Napa-ngiti nalang ako dahil hindi ko alam na ta-traydurin niya pala ako. At ginawa niya pang naka-mesirable ang buhay ko. Nakakatawa.
"5... 4... 3..."
Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Raphael.
"2..."
Ito na. Hindi ako papayag na patayin nalang nila kami. Lalaban ako hanggang sa wala nang matira ni Isa sa kanila. Magbabayad si Rose sa ginawa niya saakin at sa ginawa niya sa mga magulang ko.
"1..."
Bumukas na ang pinto. Hindi ko inaasahan ang lugar na tumambad saamin. Maraming puno, pero halatang artipisyal ang mga ito. May mga pader na gawa sa kulay pula na bato, may mga armas din na naka-latag sa isang lamesa. Agad kaming lumapit dito at kinuha ang mga armas. Ikinasa ko ang hawak kong baril at hinawakan ang isang kutsilyo.
Nag-lakad na kami. Kinakabahan pa rin ako pero nabawasan na ang kaba ko dahil sa hawak-hawak kong baril. Alam kong magagamit ko ito ng maayos.may isang lalaking naka-maskara sa di kalayuan ang tinutukan kami ng baril, naunahan naman siya ni Chloe at binaril agad siya nito. ngumisi si Chloe sa ginawa niya. nag-lakad pa kami at halos wala kaming makitang tao. kinakabahan ako dahil sobrang lamig at sobrang tahimik. nang tumingin ako sa taas, nakita ko ang isang Drone na sumusunod saamin. tinutok ko ang baril ko dito at kinalabit ko ang gatilyo pero walang nangyari. mukhang bullet proof ang drone na iyon. huminto si Garett sa paglalakad at sinenyasan kami na huminto.
itinuro niya sa di kalayuan ang mga lalaking naka-maskara at may hawak na baril. nag-hiwalay kami sa dalawa at nag-tago. nag-bilang si Garett hanggang sa tatlo at agad namin silang pinag-babaril. gumanti rin sila at pinaputukan kami. umuulan na ng bala at parang may isang giyera ang nangyayari. nag-labas ang isang naka-kulay pula na maskara ng isang bomba. agad kaming nataranta ng hinagis niya ito at tumakbo kami palayo sa kanila. hingal na hingal kami pero patuloy pa rin kami sa pagtakbo hanggang sa may marinig kaming putok ng baril.
"Garett!" sigaw ni Glimmer nang makita niyang timaan si Garett sa braso. agad na lumingon si Raphael at pinaputukan ang mga lalaki. umaagos ang dugo mula sa sugat ni Garett at mukhang may naka-baon pa rin doon na bala. pumunit si Garett ng tela mula sa kaniyang damit at ipinulupot ito sa sugat niya ng mahigpit. tumayo na siya at nag-lakad na kami. kailangan ba naming ubusin lahat ng mga lalaking naka-maskara dito? o kailangang mamatay kaming lahat?
naging mas alerto kami matapos tamaan si Garett. panay ang tingin namin sa gilid, sa likod at sa harap habang naglalakad kami.
"Dapa!" sigaw ni Chloe at agad kaming dumapa. isang naka-lakas na pag-sabog ang narinig namin mula sa di kalayuan. tumayo si Chloe at sinud-sinod na kinalabit ang gatilyo ng kaniyang baril.
Paikot-ikot lang kami hanggang sa may makita kaming isang lagusan. hindi namin alam kung saan ito papunta pero pumasok pa rin kami. naramdaman ko nalang na may tubig sa paa ko. nasa ilog kami. isang artipisyal na ilog. agad na huminto ang pag-tibok ng puso ko ng may isang bala ang lumipad sa harapan ko. agad kong itinutok ang baril ko at kinalabit ang gatilyo. patuloy pa kami sa paglalakad at nasa gubat na kami. masukal ang gubat at punong-puno ito ng mga artipisyal na mga puno at mga halaman. diretso lang ang tingin ko at patuloy ako sa paglalakad.
May mga lalaki ang tumalon galing sa itaas ng puno at agad namin silang pina-ulanan ng bala. tantya ko ay nasa 13 silang lahat at lahat sila ay napa-tumba namin. hindi ko alam kung gaano pa karami ang kailangan naming patayin para makalabas dito. siguro kailangang mamatay kami para matigil na itong kahibangan na ito.
nang makarating na kami sa gitna ng gubat, huminto kami. tanging huni lang ng mga insekto at mga hayop ang naririnig namin. tinitingnan ko ang buong paligid para makita kung may susugod saamin. wala naman. naka-hinga ako kahit sandali. mahigpit pa rin ang hawak namin sa mga baril na aming dala.
tapos na ba? wala na bang susugod saamin?
nagkamali ako. hindi pa pala tapos. galing sa kawalan, sumulpot ang napakaraming lalaking naka-maskara at may hawak na mga baril ang pumalibot saamin. naka-hawak ako ng mahigpit sa kamay ni Raphael dahil sa sobrang kaba ko. dito na ba? dito na ba matatapos ang buhay namin? kung dito na nga, wala na kaming magagawa. hindi na kami makakalaban dahil paubos na ang mga bala namin at napakarami ang naka-palibot saamin.
"Mamamatay na tayo." sambit ni Glimmer pero hinawakan lang ni Garett ang kamay niya.
"Raphael..." tiningnan ko ang mukha niya. tiningnan niya rin ako pero naka-ngisi lang siya. "Hindi ba natatakot na mamatay?" mas lumawak ang ngisi sa kaniyang labi.
"Hindi pa tayo mamamatay, Natalie. ikakasal pa tayo at magkaka-anak. hindi ko hahayaang dito nalang matapos ito." sambit niya. "Maniwala ka lang, Natalie. makakaalis din tayo dito." tumango lang ako at pinanood ang dahan-dahan na pag-lapit saamin ng mga naka-maskara. dahan-dahan silang naglalakad na para bang tinatakot kami. maya-maya pa, itinutok na nila ang mga baril nila saamin. huminga ako ng malalim at pumikit.
ilang sandali pa, isang malaking pag-sabog ang narinig ko. sobrang lakas ng pag-sabog na iyon. muntik na akong matumba ngunit nasalo ako ni Raphael. binuksan ko ang mga mata ko at umuulan na ng bala. lahat ng naka-palibot saamin ay naka-tumba na. sira na rin ang bubong at naaninag ko ang isang helicopter sa taas at may isang hagdanan ang naka-baba mula dito. hindi ko napansin na unti-unti na palang nauubos ang mga naka-palibot saamin dahil sa mga balang nagsisiliparan. tumingin ako kay Raphael at ngumiti lang siya.
"sabi ko sayo Natalie. mag-tiwala ka lang." nang maubos na ang mga naka-palibot saamin, lumabas naman mula sa kawalan ang mga lalaking naka-suot ng kulay itim na jacket na may marka ng S sa harap at likod. may hawak silang mga baril at mukhang sila ang pumatay sa mga lalaking naka-pabilot saamin.
"Rain!" agad na tumakbo si Garett at niyakap si Rain na nanggaling mula sa helicopter. lumapit din kami sa kaniya.
"Ang tagal mo. akala namin hindi ka na dadating." sabi ni Raphael habang nakangiti.
"Hindi ko iiwanan ang Heiress." tumingin siya saakin. hindi ko siya naiintindihan.
"Tara na! baka mag-dagdag sila ng tao!" sabi ni Garett at umakyat na kami sa helicopter. nag-tinginan kami nila Chloe at Glimmer. hindi namin alam kung ano ang nangyayari dito.
"Anong ibig sabihin nito, Rain?" tanong ni Chloe. agad siyang niyakap ni Rain ng maka-sampa kami sa Helicopter.
"Ipapaliwanag ko mamaya kapag nasa headquarters na tayo."
--
BINABASA MO ANG
The Royals
PertualanganTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...