Naligo muna kami bago kumain. Doon ako sa dati kong kwarto naligo at hindi ko napigilan ang mga luha ko. Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga ala-ala. Dati, dito rin natutulog ang mga magulang ko kapag hindi ako maka-tulog. Minsan, nag-lalaro kami dito o di kaya nagtataguan. Ang daming masasayang ala-ala sa lugar na ito. At lahat ng iyon, sinira ni Rose dahil sa galit at inggit.
Hindi ko siya mapapatawad.
Isinusuklay ko ang buhok ko habang naalala ko lahat ng nangyari saamin sa isla. Doon ko nakilala si Raphael. Ang lalaking mamahalin ko hanggang sa huli kong hininga. Doon ko rin nakilala ang mga kaibigan ko. Sila Garett, Glimmer, at si Alison. Kung nasaan man si Alison ngayon, sana masaya siya.
May kumatok sa pinto at napa-lingon ako dahil dito.
"Pwede bang pumasok?" Boses ni Glimmer
"Oo naman!" Binuksan na niya ang pinto at pumasok na. Kasama niya pala si Chloe.
"Wow! Mukhang bata ang naka-tira sa kwartong 'to!" Sabi ni Chloe at agad ko siyang hinampas.
"Kwarto ko to." Tumawa kaming tatlo at naupo sa kama.
"So, Heiress" tumawa si Glimmer "Anong gagawin natin ngayon at malaya na tayo?"
"Magpapahinga muna tayo ng ilang araw at magsasanay. Hindi pa tapos ito. May mangyayari pang Giyera sa pagitan natin at ng World's government." Mukhang nagulat sila Chloe dahil sa sinabi ko.
"H-hindi pa tapos?"
"Kung uuwi kayo ngayon sa inyo, manganganib ang buhay niyo at ang buhay ng pamilya niyo dahil banta pa rin saatin si Rose. Kailangan natin siyang patayin para maging maayos na ang lahat." Tumango sila. "Kasapi na kayo sa Schwartz Mafia Group." Nagulat sila sa sinabi ko
"A-ano? Kasali na kami sa Mafia mo?" Nagugulat na tanong ni Chloe.
"Mapro-protektahan kayo ng mafia na ito laban sa kung ano o sino man ang magtatangka sa buhay natin." Saad ko.
"Pero hindi kami marunong lumaban." Sabi ni Glimmer
"Wag kayong mag-alala. May mga magtuturo sa inyo." Ngumisi ako. Nag-usap pa kami tungkol sa ilan pang mga bagay bago kami bumaba para kumain. Hinalikan muna ako ni Raphael at sinabi niya na mabango daw ako.
"Mag-swimming tayo mamaya!" Pagya-yaya ko.
"O sige! Gusto namin yan!" Sabi naman ni Garett. Malaki ang pool dito sa mansyon na ito at sigurado naman ako naalagaan ito ng mabuti. Pagkatapos naming kumain, nag-pahinga muna kami bago pumunta sa pool.
Nagkakasiyahan na sila habang lumalangoy o hindi kaya nagbabasaan. Katabi ko lang si Raphael sa gilid ng pool at masaya silang pinapanood.
"Alam mo, Natalie, noong unang beses kong nakita ang litrato mo noong bata pa tayo, sinabi ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng papakasalan ko." Sabi ni Raphael. Ngumiti naman ako.
"Alam ko."
"Alam mo?!" Natawa ako dahil sa ekspresyon ni Raphael.
"Oo. sinabi saakin ng Dad mo" tumawa ako ng malakas at binasa naman ako ni Raphael dahil mukhang nahihiya siya. Namumula ang pisngi niya at hindi siya makatingin ng Diretso saamin.
"Huwag lang mag-alala. Di kita papakasalan. Si Garett ang papakasalan ko." tumawa ako ng sobrang lakas at mukhang naasar naman si Raphael.
"Garett pala ah!" Bumaba siya at hinila niya ako papunta sa pool. Tawa lang kami ng tawa at kung ano-anong bagay lang ang napapag-usapan namin. Masaya kaming lahat. Parang normal na ulit ang lahat dahil wala na kaming tinataguan o nangangamba na baka may pumatay saamin dito. Nang mai-handa na ang pagkain, kumain muna kami doon sa lamesa na malapit sa pool. Puro sila Biruan at kulitan habang naka-akbay lang saakin si Raphael.
Panay ang halik niya sa noo ko at naka-yakap lang ako sa kaniya. Hindi namin alintana kahit na basa kami.
"Oy! Nilalaggam na ilalim ng upuan niyo oh!" Biro ni Rain at tumawa.
"Sus! Edi gayahin niyo kami!" Natatawang sabi ko. Tumingin si Rain kay Chloe at inakbayan niya rin ito. Tumawa kaming lahat dahil inirapan lang siya ni Chloe.
"Bro, kamusta ang matanda?" Tanong ni Raphael.
"Ganoon pa rin. Walang pinag-bago." Sagot naman ni Raphael. Ang tinutukoy nila ay ang Dad nila. Nang matapos na kaming kumain, bumalik na kami sa pool. Nasa gilid nanaman kami ni Raphael at naka-akbay lang siya saakin.
"Ano pa ang sinabi sayo ni Dad?" Tanong ni Raphael
"Wala naman. Wala na siyang sinabi tungkol sayo."
"Mabuti naman." Tumawa siya
"Raphael, kung hindi ako itinago ni Rose, sana matagal na tayong nag-kita. Sana matagal na tayong nagkasama--"
"Shhh. Tama lang ang lahat, Natalie. Huwag mo nang isipin iyon. Ikaw ang nag-iisang babae na mamahalin ko hanggang sa huli kong hininga. Mahal na mahal kita, Natalie."
"Mahal na mahal din kita." Hinalikan niya ako sa labi at tumalon kami sa pool.
Pagkatapos naming Mag-swimming, bumalik na kami sa loob ng mansyon para mag-hapunan. Masaya ang lahat sa hapag-kainan. Nandito rin ang Dad nila Raphael at Garett. Kung ano-ano lang ang napagki-kwentuhan namin. Nakikisali ang dad nila Raphael sa tawanan.
"So, Raphael, kailan kay magpapakasal ni Natalie?" Nasamid si Raphael dahil sa tanong ng Dad niya at ako naman ay natawa lang dahil sa Reaksyon ni Raphel. Pati na rin sila Garett ay natawa dahil sa reaksyon ni Raphael.
"D-di pa po namin napapag-usapan yan, Dad." Sagot naman ni Raphael.
"Well, gusto ko nang magka-apo." Lahat kami ay natawa na. Bumaling naman ito kay Garett.
"Garett, kailan ko magpapakasal ni Glimmer?" Ginaya ni Garett ang reaksyon ni Raphael na nasamid rin at nagtawanan nanaman kaming lahat.
"Jesus, dad. Bata pa ako." Hinampas naman siya ni Glimmer.
Pagkatapos naming kumain, nanood muna kami ng TV hanggang hating-gabi atsaka kami umakyat sa kaniya-kaniyang kwarto namin. Nang isasarado ko na ang pinto ng kwarto ko, may kamay na humarang dito.
"Wait, Natalie. Dito ako matutulog." Si Raphael pala iyon.
"Teka. May kwarto ka diba? Bakit hindi ka doon matulog?" Nagtatakang Tanong ko
"Eh hindi ako makatulog kapag wala ka eh." Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil naramdaman kong nag-init ito ng lubos.
"Sige na nga!" Ngumiti si Raphael na parang bata at tumalon na sa kama ko. Napa-irap nalang ako dahil sa kakulitan niya. Humiga ako at tumalikod sa kaniya. Naramdaman ko nalang na may mga braso na ang naka-pulupot saakin. Naramdaman ko rin na may Humalik sa batok ko.
"Paano ba yan, Natalie. Gusto na raw ni Dad magkaroon ng apo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pinalo ko siya. Panay lang ang pag-halik niya sa batok ko at mas lalo pang humigpit ang yakap niya saakin. Humarap ako sa kaniya at hinalikan ko siya. Pagkatapos ko siyang halikan ay ngumiti siya.
Hinalikan niya ako at ginantihan ko din ang halik niya. Malalalim na halik. Gumagala ang kamay niya sa buong katawan ko. Pagkatapos, nag-hubad siya ng T-shirt niya at nakita ko ang malaki niyang pangangatawan.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...