Kabanata 36

1.5K 39 6
                                    

nagising ako na si Raphael ang bumungad sa paningin ko. tulog na tulog pa rin siya. para siyang isang bata na mahimbing na natutulog. nag-bihis na ako at tumayo para mag-handa na. binalot ko din ng kumot ang katawan ni Raphael.

nang matapos na akong mag-ayos, bumalik na ako sa kwarto ko at nakita ko si Raphael na gising na at naka-damit na.

"Good morning!" bati niya saakin at niyakap niya ako. 

"Good morning din!"

"Bakit hindi mo ako ginising?"

"Ang himbing ng tulog mo eh. tara na. kain na tayo" hinawakan niya ang kamay ko at bumaba na kami. naabutan namin si Glimmer na naka-tingin sa isang malaking painting na naka-sabit sa ding-ding

"Oh, Nasaan sila?" tanong ko kay Glimmer

"Nasa labas. doon na lang daw tayo kumain sabi nila." tumango ako at nag-lakad na kami papunta sa labas. malapit sa pool, may isang malaking lamesa ang naka-latag. sila Garett at Rain ay lumalangoy habang nanonood lang si Chloe sa kaniya.

"Oh. ang aga-aga, nasa pool na kaagad kayo?" sabi ni Raphael.

"Maganda ang panahon ngayon, Bro. samantalahin na natin." sabi ni Garett at bumalik sa pool. kumain na kami at hindi na namin inantay sila Garett at Rain dahil gutom na kami. 

"Hindi ba kayo naghihiwalay na dalawa? magkadikit na ba ang mga katawan niyo?" natatawang sabi ni Chloe.

"Naghihiwalay naman. ayaw ko lang talaga siyang pakawalan." sabi ni Raphael. hindi ako makapag-salita dahil namumula ang buong mukha ko at kinikilig ako.

"Nga pala, ngayong araw na ang pagsasanay." sabi ko kila Chloe at Glimmer. "Sasali rin ako. wala pa akong gaanong alam sa pag-laban eh." saad ko. sumang-ayon naman sila. umahon na sila Garett at Rain mula sa pool at kumain na rin kasama namin. pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa shooting range na nasa loob nitong mansyon.

si Raphael ang nagtuturo saakin kung paano gamitin ang isang komplikadong baril habang ang nagtuturo naman kila Glimmer at Chloe ay sila Garett at Rain. itinuturo saakin ni Raphael ang tamang postura at kung paano gamitin itong baril na ito. komplikado nga ito dahil marami pang ginagawa bago ito pumutok. noong nasa pit kami, hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ko. kasa at kalabit lang sa gatilyo ang ginagawa ko. 

"Nandito pala kayo." tumingon kami at nakita namin si Sir Vlademir. "Ipag-patuloy niyo lang iyan. manonood lang ako. ngumiti siya at umupo sa isang sofa malapit saamin. nang matapos na ako sa baril, itinuro naman saakin ni Raphael ang tamang pag-bitaw ng kutsilyo. kailangang tama ang postura mo dito at ang lakas ng pag-bitaw mo sa kutsilyo, kung hindi, lilihis ito at hindi matatamaan ang target mo. 

ibinigay na saakin ni Raphael ang mga kutsilyo ng matapos na siya sa pagtuturo. inayos ko ang postura ng katawan ko at kamay. huminga ako ng malalim bago ko ito pakawalan ang kutsilyo. Bull's eye. tuwang-tuwa kami ni Raphael. naka-ilang hagis pa ako ng Kutsilyo bago ako turuan ni Raphael kung paano gamitin ang bow and arrow. gaya ng kanina, ipinakita niya saakin ang tamang postura at kung paano i-sentro sa target ang arrow. ginawa ko ito at bull's eye nanaman.

"Ang galing mo na, Natalie. magpahinga muna tayo." umupo muna kami ni Raphael sa isang sofa. pinanood muna namin sila habang nagsasanay sila. Pistol ang naka-toka kay Glimmer habang Sniper naman ang kay Chloe. magaling silang pareho at magagaling din mag-turo sila Rain at Garett. 

Kinahapunan, umulan ng napaka-lakas. hindi kami makapag-saya sa labas dahil basang-basa ang buong paligid at umuulan pa rin hanggang ngayon. naka-upo lang kami sa sala at nanonood ng TV. ipinasa saakin ni Chloe ang Bowl ng pop corn at dumakot ako mula dito at ipinasa ko ito kay Raphael na ngayon ay naka-akbay saakin. masyadong madilim sa labas kahit na pa-gabi pa lang. mukhang may paparating rin na bagyo.

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon