Kabanata 39

1.5K 41 3
                                        

Naka-sakay pa rin kami sa motor. naka-yakap pa rin ako ni Raphael at tumatama pa rin ang hangin sa mukha ko. hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at ang sabi niya saakin ay sorpresa daw ito. kanina pa ako tumitingin sa likod at may nakikita akong isang kulay itim na kotse ang sumusunod saamin. hindi ko lang ito sinabi kay Raphael para hindi siya mag-alala.

kinakabahan ako. hindi ito maganda. hindi ko rin alam kung nagkataon lang ba na may kotse na naka-sunod saamin eh wala namang sasakyan ang masyadong dumadaan dito. napa-buntong hininga nalang ako. ayaw kong mag-isip masyado dahil espesyal na araw ito saakin at ayaw kong masira ito ng pangamba ko.

maya-maya pa, huminto kami ni Raphael dalampasigan. bumaba na kami at nilanghap namin ang malamig na simoy ng dagat. kinuha niya ang cellphone niya at itinapat niya ito saakin.

"Ngumiti ka, Baby Natalie." ginawa ko ang sinabi niya at ngumiti ako. lumapit naman siya saakin at itinapat niya ang cellphone niya saamin at kumuha ng litrato.

"Ito ang una nating picture, Natalie." nakangiting sabi ni Raphael.

"Bakit mo ako dinala dito?" nakangiting sabi ko.

"Wala naman. gusto ko ang una nating picture ay nasa dagat tayo dahil naalala ko noong nahanap niyo ako ni Glimmer. natatandaan mo pa iyon? 'yong nasa dalampasigan tayo at kailangan niyo akong mahanap." tumawa siya.

"Bakit ko naman makakalimutan iyon?" tumawa din ako. "Pakiramdam ko, may sumusunod saatin." hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa pag-aalala ko.

"Anong ibig mong sabihin?" umakbay siya saakin at pinanood namin ang mga alon sa dagat.

"May kulay itim na kotse ang naka-sunod saatin kanina."

"Huwag kang mag-alala, Natalie. nandito lang ako. Tsaka, tayo ang leader ng mga pinaka-malalakas na Mafia sa buong mundo. walang makaka-talo saatin, Natalie." ngumiti siya at hinalikan ako sa Labi.

"tara na, pumunta na tayo sa huli nating destinasyon." sabi ni Raphael at hinawakan niya ang kamay ko. sumakay kami sa motor niya at pinaandar na niya ito. tumingin ako sa likod. wala na ang kulay itim na kotse na sumusunod saamin. naka-hinga ako ng maluwag dahil nag-aalala lang pala. huminto kami sa tapat ng isang amusement park. napakaganda ng amusement park na ito. ito ang amusement park na pinupuntahan namin nila Mama dati. nag-lakad na kami papasok at namangha ako sa ganda nito.

"Wala pa ring pinag-bago." napangiti ako.

"Sinabi saakin ni Dad na nagpupunta daw kayo dito dati."

"Oo. palagi kaming napupunta dito ng mga magulang ko." hinila ako ni Raphael papunta sa isang nakaka-hilong ride. hilong-hilo ako pag-baba namin mula dito pero si Raphael ay tawa lang ng tawa. kung ano-ano pa ang sinakyan namin hanggang sa napag-desisyunan na namin na ang ferris wheel na ang sakyan namin. mataas ito at kitang-kita ang buong paligid. napakaganda. nakikita rin namin dito ang papalubog na araw. napaka-perpekto ng araw na ito.

"Raphael, maraming salamat ah. ginawa mong espesyal ang araw na ito."

"Siyempre naman, Natalie. gusto ko maging masaya ka palagi."

"Tanong ko lang, Raphael, nasaan na ang nanay niyo ni Garett?" nag-bago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Noong Mabuo ang mafia ni Dad, batang-bata pa kami noon ni Garett para ma-alala lahat ng mga nangyari pero kwinento ito saamin noong may isip na kami. Umalis ang nanay namin noong nabuo ang mafia ni dad at sumapi daw siya sa ibang mafia. walang may nakaka-alam kung bakit niya iyon ginawa. hanggang ngayon, wala pa rin kaming balita sa kaniya."

"I'm sorry." sabi ko.

"Don't be. huwag mo nang intindihin iyon. ang araw na ito ay para sa iyo. dapat maging masaya ka." napatalon ako sa gulat nang may marinig kaming putok. putok ito ng baril. nag-sigawan ang mga tao at nagka-gulo sila sa baba. tumingin kami kung ano ang nangyayari at nakita namin ang Mafia ni Rose. madami sila. mukhang hinahanap nila kami. sabi ko na, may masamang mangyayari ngayon.

"Mag-tago tayo." sabi ko kay Raphael at umupo kami sa sahig. nasa tuk-tok kami ngayon at medyo mabagal ang pag-ikot nitong Ferris Wheel.

Noong nasa ibabang bahagi na kami, may narinig kaming putok ng baril at huminto ang Ferris Wheel. shit!

sumilip ako ng kaunti at tinitingnan nila isa-isa ang mga gondola. mas lalo akong kinabahan at napa-hawak ako kay Raphael. sumilip pa ako at nasa gondola na sila malapit saamin. shit! makikita na nila kami. pumikit si Raphael at huminga ng malalim. nang may sumilip sa gondola namin, agad niya itong sinipa at tumakbo na kami palabas. na-harang kami ng napakaraming lalaki at tinutukan nila kami ng kanilang mga baril. natigilan kami ni Raphael.

"Natalie Schwartz. kailangan ka ng President." lumapit saamin ang isang lalaki. "Sumama ka saamin kung ayaw mong ma-durog ang bungo nitong kasama mo." inilahad ng lalaki ang kaniyang kamay. nakita ko ang pag-kuyom ng kamao ni Raphael at nag-igting ang kaniyang panga. pumikit ako. inisip ko kung ano ang gagawin ko. tumingin ako kay Raphael tsaka tumango. alam kong alam niya kung ano ang ibig kong sabihin.

hinawakan ko ang braso noong lalaking malapit saamin at binali ko ito. napasigaw siya dahil sa sakit. tumakbo na kami palabas ni Raphael maka-kita kami ng daan palabas. sumakay kami sa kaniyang motor at agad niya itong pina-putok. naka-sunod saamin ang isang hummer at may nakatutok saamin na Baril. pina-putok nila ito ngunit hindi kami tinamaan. inilabas ni Raphael ang isang Pistol mula sa bulsa ng kaniyang Leather Jacket at ibinigay niya ito saakin.

"Ikaw ang bumaril, Natalie." tinanggap ko ito at itinutok ko ang baril sa likod. pina-putukan ko ang lalaking namamaril saamin at pinaputukan ko ang nagmamaneho, ngunit hindi siya tinamaan. mukhang Bullet proof ang kanilang sasakyan. shit! ilang bala pa ang napakawalan ko hanggang sa maubos na ng tuluyan ang bala itong baril na ito. inilabas nila ang isang spiner at itinutok ito sa gulong ng motor namin.

"Raphael!" sigaw ko pero huli na. tuluyan nang lumipad ang bala sa gulong ng motor at nawalan na ng kontrol si Raphael. natumba ang aming motor at tumilapon kami ni Raphael. hindi ko ininda ang sugat at tumayo ako. huminto ang Hummer sa harap namin. shit! sabi ko na! mangyayari ito. tumayo rin si Raphael at hinawakan niya ang kamay ko.

bumaba ang lalaking binalian ko ng kamay mula sa hummer. bumaba rin ang mga lalaki mula rito.

"Natalie Schwartz. hindi ka ba natatakot para sa buhay ni Pryor?" ngumisi ako. ipapakita ko sa kanila kung sino ang kinakalaban nila.

"Hindi ba kayo natatakot para buhay niyo?" tanong ko habang may ngisi pa rin sa aking labi. nakita kong nag-bago ang ekspresyon mula sa kanilang mga mukha.

"Hindi niyo kilala kung sino ang kinakalaban niyo." ngumisi rin si Raphael.

"Kahit kailan ay hindi niyo matatalo ang president." kinakabahang sabi noong lalaki.

"Sigurado ka?" sabay naming tanong ni Raphael. pagkatapos noon, narinig namin ang napakaraming putok at nagkagulo na sila. huminto sa harap namin ang isang kulay itim na kotse. iyon ang kotse na naka-sunod saamin kanina. lumabas mula dito ay sila Garett, Rain, Glimmer, at Chloe. may hawak silang mga baril at itinutok nila ito sa mga miyembro ng mafia ni Rose at pianputukan nila ito hanggang sa lahat sila ay naka-tumba na.

"Sayang 'yong motor bro!" nanghihinayang na sabi ni Garett ng makita ang motor na sira-sira.

"K-kayo yung naka-sunod saamin kanina?" tumango sila.

"Gusto kong maging espesyal ang araw na ito, Natalie kaya gusto kitang dalhin sa labas. pero alam kong mangyayari ito. noong isang araw lang, may natanggap na Email si Rain. email ito galing kay Rose at kailangan ka raw niya, Natalie. hindi namin alam kung bakit ka niya kailangan pero pinagbantaan niya ang buhay nating lahat." sabi ni Raphael.

"Bakit niyo itinago saakin?! bakit kayo nag-lihim saakin?! ako ang Leader ng Schwartz Mafia Group at may karapatan akong malaman kung ano ang nangyayari sa paligid ko!" sigaw ko sa kanila. pakiramdam ko ngayon ay isa akong pabigat. hindi ko maramdaman na isa akong leader ng pinakamalakas na Mafia. nakakainis. bakit ba ako mahina? bakit kailangan nila akong protektahan?

"Natalie, patawad." sabi ni Raphael at niyakap ako.

"Simula ngayon, ako na ang gagawa ng desisyon. at ang gagawin natin ngayon ay ang patayin si Rose."

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon