Narinig kong ibinaba ng lalaki ang Mic at dahan dahan na lumapit paputa sa pwesto namin, medyo malayo pa ito pero kabang-kaba na talaga ako, hindi ko alam kung anong aksyon ang gagawin ko sa mga sitwasyon na ito, desperado na sila na makuha ako. Di ko alam na aabot sa ganito kalaki ang gagawin nila para makuha ako, mangdadamay pa sila ng mga inosenteng tao para makuha lang ako, siguro pagod na sila na habulin ako kaya naman ito ang naisip nilang paraan.
*Bag! Blaag!*
Sumilip ako at nakita kong inaatake na ng mga guard at mga faculty members ang mga lalaki, yung lalaking papalapit naman samin ay inambahan ng isang matabang guard at nag-tuos sila, tumingin ako kay Rain at kay Chloe at sinenyasan silang sumapang paalis, nakuha naman nila yun at gumapang na kami. Dahan-dahan lang ang pag-gapang namin,
may iba rin na sumunod samin palabas ng campus, hindi na kami napansin ng mga lalaking iyon dahil abala sila sa pakikipag-buno sa mga faculty members at mga guards.
Tumakbo kaming lahat na nakalabas ng Court, pero marami paring naiwan na istudyante, talagang malayo na ang nirating ng paghahabol ng mga lalaking yun sakin at nagawa nila ito sa isang malaking lugar na maraming tao, sana lang walang mangyaring masama sa mga tao sa loob, hihingi kami ng tulong, pangako.
Malapit na kami sa gate ng school ng may marinig kaming isnag malakas na putok ng baril. Napahinto kami sa pagtakbo, nanlumo ako dahil baka may namatay na o may nangyaring masama sa loob. Pero kailangan na naming makalabas ngayon. Kinuha ni Rain ang kotse nya, ang iba naman ay sumakay nalang ng Jeep o ng Taxi pauwi sa bahay nila.
"Sasama ako sa inyo!" Tumango ako ng sinabi iyon ni Chloe, nagmamadali na kami ngayon, pumasok na kaming lahat sa kotse,
"Sa'n po tayo Mr. Rain.." Tiningnan naman ako ni Rain, alam ko na kung ano ang ibig nyang sabihin,
"Balik tayo sa bahay ko." Sabi ko naman, binilisan ng driver ang pagpapatakbo, lubos akong kinakabahan, mukang may masamang mangyayari at dadanak ng dugo ngayon, kailangan naming makaalis dito habang wala pa ang gang na yun, sana naman, mahuli na sila ng mga pulis pagkatapos nito, sana matapos na ang lahat. Habang nasa byahe, biglang may pumasok sa isip ko, tama, tinatago lang yun ni Tita, makukuha ko din yun mamaya, habang malapit na kami sa Bahay, hinanda ko na ang sarili ko, pagkahinto na pagkahinto palang ng kotse, bumaba agad ako, nakahabol naman si Rain at si Chloe, nakita ko si titan a nasa labas na ng aparmtment,
"Oh? Natalie? anong nangyari?"
"Nasan na 'IYON' tita? Kailangan na nating gamitin ngayon?" Alam na nya agad ang tinutukoy ko at inilabas nya yun mula sa bulsa ng isang bag iyon, kinuha ko iyon at ikinasa.
"Lalaban na tayo." Matapang na sabi ko, tumango naman si Tita at inilagay na sa kotse ang mga gamit, punong-puno kami sa sasakyan, ako naman ay nasa front-seat, ito na yun, binuksan ko lang ang bintana para makabaril ako pag nakita ko sila na hinahabol kami.
"B-bakit ka may B-baril, Natalie?" Kinakabahang sambit ni Rain.
"Kailangan to, tatapusin ko na ang paghahabol nila samin, sobrang tagal na nila kaming hinahabol kaya naman kailangan ng matapos to." Tumango sya pero kinakahaban,
"Hayaan mo lang na sundan nila tayo, pag malapit na sila, Bilisan mo ang andar" utos ko sa Driver, tumango ito at inumpisahan ng mag-maneho, tahimik ang lahat sa byahe, kinakabahan, naiinis, at natatakot kaming lahat ngayon dito sa loob pero kailangan kong maging matapang dahil sa akin nakasalalay ang mga buhay namin dahil ako ang may hawak ng baril at nakadamay na kami ng ibang buhay.
Dahan-dahan at apikot-ikot lang ang kotse sa buong lugar, pero wala parin ang mga lalaking iyon, ang tagal naman nila, sana naman wala silang pinatay na kahit sino sa school.

BINABASA MO ANG
The Royals
DobrodružnéTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...