Kabanata 7

3.8K 96 5
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Kahoy. Kahoy na kisame ang aking nakikita, medyo malabo pa ang aking pangingin subalit nakikita ko na kahoy ang kisame ng kwartong aking kinalalagyan ngayon.

Unti-unti akong tumayo, subalit kumirot ang sugat saaking ulo, Naalala ko na, naalala ko na ang mga huling nangyari bago ako mawalan ng malay, subalit nawalan nga lang ba ako ng Malay? O baka ako ay patay na? Ng nasanay na ako sa sakit, tumayo na ako mula sa matigas na kamang aking kinalalagyan ngayon..

"Ina! Ang babae ay gising na!" Agad akong nagulat ng may batang paslit ang sumigat banda sa may pinto, tinitigan ko lang siya, naka-pulang damit siya, punit na pantalon, at kulay pulang sumbrero, madungis din siya at mukhang galing siya sa ibang mundo. Ng makita niyang nakatitig ako sa kaniya, tumakbo agad siya palabas ng kwarto.

Iginala ko ang aking mga mata sa buong paligid, kahoy na mga ding-ding, kahoy na kisame, puro kahoy lahat ng aking nakikita at parang nasa iba akong mundo, tumitig lang ako sa buong kwarto, luma na ito, muka ngang galing ito sa ibang mundo. At ang kamang aking kinahihigaan.. Manipis lang ang balot nito kaya naman masakit ito sa likod.

Isang babaeng matanda na medyo maputi na ang sumulpot saaking likuran, humahangos pa siya dahil tumakbo siya papunta dito. Katulad ng bata kanina, parehas sila ng suot, kulay berde na palda, pulang pang-itaas at puting tela na nakabalot sa kaniyang ulo, medyo gumugulo na ang mga pangyayari ngayon. Bigla nalang sumagi sa isipan ko sila Tita, Rain at Chloe.

"Nasaan po sila Tita?" Tanong ko doon sa matandang babae.

"Sino?"

"Ang tita ko po, kasama po namin si Rain at Chloe.." Bakas parin ang pagtataka sa kaniyang muka, mukang hindi niya alam ang mga sinasabi ko. Nag-umpisa narin akong mag-taka dahil parang luma lahat ng bagay na aking nakikita, hindi siya parang nanggaling sa panahon ng Amerikano at Hapon, parang nanggaling siya sa isang Fairytale.

"Wala kang kasama ng nakita ka namin sa labas ng aking bahay, mag-isa ka lang, nakahandusay sa harap ng aking pinto at may mga galos ang iyong mukha, noong una, inakala naming patay ka na ngunit ikaw ay humihinga pa kaya dinala ka namin dito sa loob at ginamot, 5 araw ka ring walang malay." Nag-taka ako bigla sa sinabi niya, mag-isa lang ako? Pero sama-sama kami nila Tita sa kotse nung mabunggo kami?

"Nandyan po ba ang mga lalaking humahabol sakin?" Biglang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay, ang habulan, ang barilan, ang disgrasya. Inakala ko nga na nabihag na kami ng mga lalaking iyon.

"Mga lalaki? Diba't kakasabi ko palang sa iyo na mag-isa ka lang ng makita ka namin sa harap ng pintuan?" Huminga siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita. "Naka-handa na ang pagkain, pumunta ka nalang sa kusina." Pagkasabi niya nood, naglakad na siya paalis ng kwarto.

Tiningnan ko muna ang itsura ko sa salamin, gano'n parin ang itsura ko, kulay Grey ang buhok, maganda parin ako, ngunit may mga Nakatapal na bagay saakin muka, marahil sa ilalim nito ay ang sugat nung madisgrasya kami. Ang mga lalaking iyon.. Sila ang may dahilan ng Sugat na ito at sila ang dahilan kung bakit kami nagkahiwa-hiwalay.

Pagkatapos kong tingnan ang repleksyon ko sa salamin, lumabas na ako sa maliit na kwarto, maliit na bahay, ito ang sumalubong saakin, mukang ang kwartong tinulugan ko ang pinakamalaking kwarto. Nandoon sila sa maliit na kusina, ang mag-nanay na kumup-kop saakin.

Naglakad na ako papalapalapit sa kanila, rinig na rinig ko ang mga hakbang ko sa kada-tapak na ginagawa ko sa kahoy nila na sahig, kung tutuusin, mas nakakaangat pa sila samin ng kalagayan ng Tita ko. May sarili silang bahay kahit maliit, kami ng tita ko ay palipat-lipat lang. Nakatingin ang mag-ina sakin, parang tinitingnan nila kung may gagawin akong masama.

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon