Kabanata 31

1.5K 41 7
                                    

Tahimik ang buong lugar. Malamig ang sahig na aming kinahihigaan ngayon. Walang nagsasalita dahil napupuno na ng galit ang lahat ng tao dito sa selda namin ngayon. Hindi namin inakala na magagawa iyon ni Rain. Pinagkatiwalaan namin siya pero ito lang ang igaganti niya saamin. Wow.

Pero sa isang banda, napupukaw ang aking pagiisip dahil sa sinabi niya na may plano sya at makaka-labas kami dito. Sana nga lang ay totoo ang sinasabi niya at maka-labas nga kami dito sa preso na ito.

"Nakalabas din tayo sa islang iyon." May bumasag na ng katahimikan. Si Garett iyon. "Nakalabas narin tayo sa isla na iyon pero nakulong nanaman tayo. Nakakatawa." Sambit nanaman ni Garett. Masyadong marami ang pinag-daanan namin sa isla na iyon. Hindi namin siya masisisi dahil siya ang tumayong leader ng grupong ito.

"Kasalanan ni Natalie ito." Nagulat ako ng biglang tumayo si Garett at lumapit saakin. "Kasalanan niya ito dahil kung hindi niya sinama ang Rain na iyon ay walang magta-traydor saatin at hindi tayo makukulong dito!" Susugurin na sana ako ni Garett pero hinarangan siya ni Raphael.

"Walang kasalanan si Natalie, Garett." Malamig ang pagkakasabi ni Raphael at naka-titig sya sa mata ni Garett.

"Oh great! Ipagtanggol mo yang babaeng yan! You chose that bitch!--" sinuntok siya ni Raphael at pinigilan namin silang dalawa bago pa sila tuluyan na mag-away.

"Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan si Natalie. If you want me to stay as your brother, shut up." Padabog na umupo si Raphael sa tabi ko. Hindi ako nagagalit kay Garett dahil alam kong galit lang sya ngayon at hindi niya alam ang iniisip niya.

"I'm so sorry. Hindi ko naman alam na magta-traydor sya at kaibigan talaga ang tingin ko sa kanya." Sabi ko kay Garett.

"Hey. You don't have to apologize. May mga tao lang talaga na mahina makaintindi." Parinig ni Raphael.

"What the fuck did you just said?" Sinugod naman ni Garett si Raphael at sinuntok ito sa kaniyang pisngi at natumba si Raphael. Hindi namin inasahan na gagawin nya iyon kaya naman lahat kami ay nagulat. Itinayo ko kaagad si Raphael na nagpupunas ng kanyang labi na may dugo.

Lumapit ako kay Garett at sinampal ko siya.

"Pati ba naman sarili mong kapatid, sasaktan mo. Ano bang mali sayo, Garett. Nag-sorry na ako't lahat-lahat, hindi mo parin maintindihan ang sinasabi ko. You're stupid." Tumalikod na ako at ginamot na ang sugat ni Raphael. Pati rin si Chloe at tumulong rin habang pinag-sasabihan ni Glimmer si Garett.

"Hey, i'm so sorry, Natalie. Galit lang talaga ako kaya ko nasabi iyon." Lumapit saakin si Garett.

"Well, you can be an asshole sometimes." Ngumiti ako.

"Mga preso!" Naagaw ang atensyon namin ng isang gwardya na papalapit sa selda namin. "Baka nagugutom na kayo." Sabi nya at binuksan ang selda. "Wag kayong magtatangkang tumakas, kung hindi ay papatayin ko kayo." Inilabas nya ang baril nya. Kumapit ako sa kamay ni Raphael at lumabas na kami sa selda at sinundan na namin ang gwardya.

Halos walang katao-tao ang dinaanan naming hall. Puro puti lang at may mga camera sa taas. Dumiretso kami sa isang pintuan at pagkalampas namin doon ay cafeteria na. May ibang mga preso din dito at nakasuot sila ng Orage na t-shirt.

Dumiretso na kami at kumuha ng aming mga kakain. Biglang may nakahuli ng aking paningin. Si Rain. Mag-isang kumakain at nakatingin siya saamin.

Umupo na kami at kumain. Tahimik kaming kumakain ng may lumapit nanamang Gwardya saamin.

"Kamusta. Ako ang Head Guard dito sa building na ito. Pinapasabi lang ng aming boss na bukas na ang inyong paglilitis. Goodluck." Tumalikod na siya at naglakad na palayo. Napairap nalang ako dahil parang may ginawa talaga kaming masama which is wala naman talaga. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Naka-takas nga kami sa isang isla, nandito naman kami sa preso.

Nagtaka kami ng lumapit bigla si Rain saamin.

"What the hell are you doing here?!" Inis na sabi ni Garett.

"Easy, mate. I'm here to help--"

"To help? Really? 'Cause you're the one who brought us here in the first place now tell me, pag-tulong ba iyon?" Galit rin na sabi ni Raphael. Hinawakan ko nalang ang kamay nya para kumalma na sya.

"Kung hindi ko kayo dinala dito, sila na mismo ang papatay sa inyo. Hindi niyo alam kung paano tumakbo ang isip ng mga investor. One moment, gusto nila kayo, one moment, gusto na nila kayong patayin." Saad ni Rain. Natigilan kami dito.

"So... What the hell are you telling us to do?" Tanong ni Chloe. Alam kong masakit ito kay Chloe dahil minahal niya talaga si Rain. Mahal na mahal niya si Rain pero ito lang ang ginawa nya saamin. Ngunit sa isang banda, parang may pinaplano si Rain.

"Trust me. I have a plan. Gagawin natin iyon sa tamang panahon at tamang oras. Hindi ngayon." Umalis ja si Rain sa harapan namin

Pagkatapos naming kumain ay bumalik narin kami sa selda. Tahimik kami at walang nagsasalita. Iniisip ko kung ano ba ang plano ni Rain. Ano kaya ang gagawin niya? Sana naman maganda ang plano niya. World Government na ang kalaban namin dito. Napakalaking kalaban.

Yumakap saakin si Raphael at nahiga kami. Medyo pagod narin ako dahil sa mga nangyari ngayong araw. Hindi nagpapansinan sila Garett at Glimmer habang si Chloe naman ay nasa isang sulok lang at tahimik. Patawad. Patawad dahil nangyari ito saamin. para bang lahat ng ginawa namin ay mali. Mali dahil dito kami bumagsak.

Kung ano-ano pa ang pumasok sa utak ko. Hindi ako mapakali. Bukas na ang paglilitis namin. Paano kung mapag-desisyunan nila na Patayin kami? Hindi maganda ito. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung ano ang kaya nilang gawin pero, nakakasiguro ako ka mabigat ang parusa namin. Sana hindi. Sana hindi nila kami patayin.

Kailangan ko pang mahanap si Tita. Kailangan ko siyang maligtas. Baka nasa panganib din siya ngayon. Nag-aalala ako. Sana mahanap ko na siya.

Sana

--

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon