Dumiretso na ako sa Ballroom. Kalahati palang kaming nandito. Tahimik ang lahat. May nabubuong tensyon sa pagitan namin ni Chloe. Hindi ko talaga alam kung ano ang problema niya. Bakit ba galit siya saakin?
Ako na ang mismong umiwas sa kaniya at inantay nalang namin na dumating ang iba pang mga babae rito sa Ballroom. Tahimik ako sa isang tabi habang naka-tingin lang sa kanila. Hanggang sa dumating narin sila Haring Kristoff kaya napatayo ako.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa at sasabihin ko na kung bakit ko kayo pinadiretso dito. May mga matatanggal ngayon. Hindi pwedeng walang matatanggal dahil isa itong kompitisyon." Kinabahan ako. Pero ng sinabi ni Haring Kristoff ang mga matatanggal, naka-hinga ako ng maluwag dahil hindi kasama ang pangalan ko doon.
Apat ang natanggal. Dalawa ang kaibigan ni Chloe. Nakita ko ang lungkot sa mga muka nila. Dahil hindi na sila magpapatuloy at hindi rin sila pwedeng lumabas, magiging mga maid o taga-laba sila sa dito sa palasyo o sa iba pang mga palasyo. Binili na sila ni Haring Kristoff sa kanilang mga pamilya kaya naman hindi na sila pwedeng umangal pa. Napa-lunok ako dahil binibili nila ang buhay ng isang tao. Nakakapang-hinayang.
Pagkatapos tanggalin ni Haring Kristoff ang mga babaeng iyon, napag-disisyunan niya na bumalik na kami sa aming mga kwarto na amin namang sinunod. Sinenyasan ako ni Raphael na magkita kami mamaya at tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang mayroon kay Raphael at sobrang naaakit ako sa kaniya. Kapag ako ang nanalo, magiging asawa ko siya? Maari ko ng makita sila Tita? Masasagot na ang lahat ng mga tanong ko kung bakit ako nandito?
Dapat patay na ako. Siguro nung nahuli kami ng mga lalaking iyon, baka pinatay na nila ako. Pero nandito ako ngayon, humihinga parin at nakatira sa isang magarang palasyo habang hindi ko alam kung nasaan na sila tita. Wala akong alam sa mga nangyayari. Hindi ko lang alam kay Chloe.
Habang paakyat ako, may isang babae ang lumapit saakin.
"Uy! Diba ikaw si Natalie?" Tanong niya sakin
"Oo. Bakit?"
"Wala lang. Hindi ko gusto ang ugali ng ibang mga babae. Masasama ang ugali nila at kung ano-ano ang sinasabi nila sa isa't-isa. Katulad mo. May pinakalat si Chloe na isa kang Prostitute at Drug pusher kayo ng tita mo. Pero alam ko naman na hindi totoo iyon. Alam kong isa kang disenteng babae. Teka, malapit ba kayo ni Chloe? Magkaibigan ba kayo dati o magkaaway?" Tanong niya habang paakyat kami.
"Uhm... Oo magkaibigan kami. Magkaklase kami nitong Highschool at palagi kaming magkasama. Pero noong nadisgrasya kami at napunta dito, hindi ko lang alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Ang laki ng pinag-bago niya." Sagot ko sa tanong niya.
"Ah... Siguro naiinggit lang siya sa iyo dahil sa iyo lumalapit si Raphael. Teka, nililigawan ka ba niya?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Hindi ah! Magkaibigan lang kami. Nalaman ko na wala siyang kaibigan at ang sabi niya ay gusto niya akong maging kaibigan kaya ayon. Magkasama kami minsan." Tumango naman siya.
"Ako nga pala si Glimmer. Glimmer Garritsen." Pakilala niya.
"Well, Natalie Schwartz." At inabot ko ang kamay ko sa kaniya, inabot niya rin ang kamay niya saakin. Ngumiti kami sa isa't-isa. Hindi nalang si Raphael ang kaibigan ko ngayon. Nandiyan narin si Glimmer.
"Tara! Samahan mo ako sa Kwarto ko!" Pag-yayaya niya at sinundan ko naman siya. Maganda rin na mayroon akong kaibigan. Hindi ako gaanong mag-iisip ng mga problema at may makakausap ako. Lalo na ngayon na kaaway na ang tingin saakin ni Chloe. Pumasok kami sa kwarto ni Glimmer at nakita ko na parehas na parehas kami. Mas magulo nga lang sa kaniya pero parehas kami. Siguro lahat ng kwarto ay parehas na parehas.
"So, anong plano mo kay Chloe?" Tanong niya saakin.
"Hindi ko alam. Wala akong balak na labanan siya. Kaibigan ko siya dati at hindi ko makakalimutan iyon. Hindi ko nga alam kung bakit biglang nag-bago bigla ang ugali niya." Paliwanag ko.
"Ahhh. Hindi mo lang alam kung paano niya i-kwento sa iba na Prostitute ka at drug pusher kayo ng tita mo."
"Wag mo nalang siyang pansinin. Hindi ko nalang siya pinapansin eh. Baka mas lalo pang lumaki ang gulo."
Lumipas pa ang mga araw at palagi kaming magkasama ni Glimmer. Naging matalik kami na magkaibign. Hindi na namin pinpatulan sila Chloe dahil baka mas lalo pang lumaki ang gulo. Masaya kami ni Glimmer. Minsan ay umiikot kami sa palasyo. Minsan sa Garden. Minsan din ay nakakasama ko si Raphael. Matalik ko rin siyang kaibigan. Sinasamahan niya rin naman ang ibang mga babae pero hindi kasing lapit gaya ng saakin.
Malaki ang palasyo na ito. Sobrang laki. Triple ito ng laki ng eskwelahan ko. Pero may iba pa kaming hindi napapuntahan na bahagi. Ang westwing. Pinag-babawalan kami doon at naiintindihan naman namin. Hindi muna kami binigyan ng iba pang mga gawain ng sumunod na araw. May kaniya-kaniyang mundo ang bawat babae, katulad namin ni Glimmer na nandito lang sa Aklatan. Marami silang magagandang libro dito, at kaunti lang ang tao dito.
"Hanggang kailan ba tayo dito?" Tanong ko kay Glimmer na hanggang ngayon ay nag-babasa pa din ng libro niya. Tiningnan niya lang ako saglit at nag-kibit balikat. Nag-patuloy na rin ako sa pag-babasa. Hindi namin alam kung hanggang kailan kami dito.
Nauna na ako kay Glimmer pabalik ng kwarto. Pumayag naman siya dahil hindi pa niya tapos ang libro niya. Habang naglalakad ako, nakita ko si Raphael at agad ko siyang tinawag.
"Raphael!" Kumaway ako sa kaniya at ngumiti siya ng makita niya ako.
"Oh, kamusta naman? Tara, doon tayo sa hardin" naglakad na kami papunta sa labas. Mukhang wala siyang ginagawa ngayon dahil parang hindi siya natataranta.
"Kamusta naman?"
"May bago akong kaibigan" sabi ko
"Talaga? Maganda yan!" Ngumiti si Raphael. "Sino naman ang bagong kaibigan mo?"
"Si Glimmer Garritsen" ngumiti ako
"Maganda iyan, Natalie. 'Nga pala, magtatanggal na kami ng mga kandidata. Pero huwag kang mag-alala. May pwesto ka sa lugar na ito at ikaw ay kaibigan ko." Kumindat siya saakin at naramdaman ko ang libo-libong paro-paro na lumilipad sa tyan ko.
--

BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...