Kabanata 9

3.1K 80 4
                                    

"Maligayang Pagdating." Isang gwapong lalaki ang umagaw saaming atensyon, malaki ang kaniyang katawan, maputi, kulay brown ang mga mata, makapal ang kilay, at may korona siya, sa aking nakikita, mukhang siya ang prinsipe-- ang anak ni Haring Kristoff. Halos malag-lag ang panga ng iba pang mga babae. Natulala sila ngayon sa gwapong nilalang na nasa harapan namin ngayon.

"Ako nga pala si Raphael.. Ako ang anak ni Haring Kristoff. Siguro naman ay napansin nyo na kulang kayo ng 5? Dahil hindi nila natapos ang maze. Namatay na sila kaagad bago pa nila ito matapos.." Nagulat ako sa kaniyang sinabi. "Pero, wag na natin iyong isipin. Halina kayo't pumasok na tayo sa palasyo " at naglakad na kami papasok. Napansin ko na parang ito ang likurang bahagi ng palasyo, malamang ay nasa kabilang dulo ang harapang bahagi. Ang ibang mga babae ay sinasabi na napak-gwapo daw ni Raphael, na gusto na daw nilang maging reyna ng palasyong ito

Nagkatinginan kami ni Chloe pero agad siyang nag-iwas ng tingin saakin. Si Chloe ba talaga iyon? Siya ba talaga ang babaeng naging Kaibigan ko? Binura ko nalang iyon saaking isip at nag-lakad na ako. Napunta kami sa isang malaking kwarto. May isang chandelier sa gitna at malalaki ang bintana.

"Ito ang Ballroom. Dito mangyayari ang mga Banquet, Dinner, Ball at iba pang mga pormal na silebrasyon, dito rin mangyayari ang mga espesyal na anunsyo at dito kayo pupunta pag may mga bagong pagsusulit kayong gagawin. Ngayon, ang pagiging reyna ay dapat paghirapan, dapat ikaw ay karapat-dapat bago ka maging isang reyna. Kailangang alam mo ang lahat. Kailangang kaya mong lumaban para maipag-tanggol mo ang iyong sarili. Dapat din ay matanggap mo ako bilang isang asawa. Pag nakita namin na handa na kayo sa lahat ng yan, iaanunsyo na namin kung sino ang magiging asawa ko." Dumako ang tingin niya saakin. Dumaloy ang milyon-milyong boltahe ng kuryente saaking katawan at nanuyo ang lalamunan ko.. Parang na-tulala ako sa kanya..

"Magumpisa tayo rito sa kaliwa, isa-isa kayong pumunta dito sa unahan at mag-pakilala.." Naglakad na ang unang babae sa kaliwa. Nag-pakilala sya at parang binabasa ni Raphael ang Pagkatao niya. Ilang babae pa ang nagpakilala at sumunod na ako. Pumunta na ako sa harapan at nag-sumila na.

"Magandang Araw.. Ako nga pala si Natalie Schwartz--" naiilang ako sa pagtitig ni Raphael saakin. Parang natutunaw ako.

"Saang lugar ka galing? Dito rin ba sa Chandré?" Tanong saakin ni Raphael..

"Uhm... Hindi" at binigyan niya ako ng isang nakakatunaw na tingin, para bang kinakabisado niya ang bawat parte ng aking mukha at ayaw na niyang alisin ang mata nita saakin. Naiilang talaga ako ngunit gustong-gusto ko rin ang mga mata niya..

"Sige. Ang susunod na kandidata." Bumalik na ako sa pila. Tinitigan ko si Chloe na nasa kabilang dulo. May mga sira ang kaniyang damit at sugat-sugat ang kaniyang braso. May mga maliliit na pasa rin siya sa muka at may mga sunog ang ibabang bahagi ng kaniyang suot. Mukang lahat kami ay dumaan sa impyerno. Ngunit ng makita namin si Raphael, parang nagbago ang aming pananaw. Napaka-gwapo at napaka-amo ng kaniyang muka. Parang hindi na ako magsasawang titigan siya..

"Ang pangalan ko ay Chloe Grant..." Nahihiyang sambit ni Chloe habang nakatingin saakin. Pagkatapos ay tumingin siya kay Raphael at mukhang nakuha ng binata ang kaniyang atensyon. Halos lahat naman kami ay parang na-bighani sa itsura ni Raphael.. Ang ibang babae ay nakatingin sa kaniya. Ako naman ay nakatingin lang kay Chloe. Gusto ko siyang lapitan at gusto kong itanong sa kaniya kung paano kami napunta dito at kung nasaan na ba si Tita at si Rain. Alam kong hindi madali ang pinag-daanan namin ni Chloe. At alam ko din na tadhana ang nag-tagpo saamin dito sa lugar na ito. 

Hindi ko na kinilala ang iba pang mga makakasama namin dito, iginala ko nalang ang mga mata ko sa lugar kung saan kami naroon ngayon. Sobrang ganda nga ng lugar na ito. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat o sadyang ginawa talaga ang lugar na ito o hindi kaya napunta kami pabalik sa lumang panahon. O hindi kaya napunta kami sa ibang mundo. Ang mga ganitong itsura ng palasyo ay nakikita ko lang sa mga pilikula pati narin sa mga libro. Hindi ko inaasahang nandito ako. Nakatingin ako kay Raphael. Hindi ko maiiwasang hindi mapatingin sa kaniya dahil sa kaniyang muka. Napaka-amo nito at parang binibighani kung sino man ang tumingin dito.

Natapos ng magpa-kilala isa-isa ang mga babaeng nandito sa ballroom ngayon. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Raphael. Sobrang gwapo niya. Tingin ko, naka-tulala lang ako sa kaniya ng ilang minuto. Napansin kong hindi rin pamilyar ang mga babaeng kasama namin sa lugar na ito at parang wala silang alam kung bakit sila nandito. Katulad ko.

"Ipapakita nila sa inyo kung saan ang inyo mga kwarto." At pinapasok ni Raphael ang iilang mga babaeng may pare-parehas na suot. Parang sila ang mga maid sa palasyong ito. Sinundan namin ang mga babaeng iyon at napansin kong kinausap si Raphael ng kanyang ama. Kaakit-akit talaga ng muka ni Raphael. Hindi ko lang alam kung pati na ang ugali niya ay kaakit-akit din dahil hindi ko pa siya kilala. Mas maganda na iyong mabait at respunsable kaya gwapo at wala namang respeto.

Nasa pinaka-dulo akong kwarto, si Chloe naman ay nasa ibang palapag. Pagkapasok ko palang ng kwarto, agad na nalag-lag ang panga ko dahil sa sobrang ganda at laki nito. May isang malaki at malambot na kama sa gitna at madaming mga palamuti. Hindi ko inaasahang mas maganda pa sa pinaka-magandang hotel ang kwarto dito sa palasyo nila Raphael. Humiga ako sa kama at agad na nilamon ng kalambutan nito ang aking katawan. Agad na napawi ang pagkapagod na nararamdaman ko mula pa kanina. Tumayo ako at tiningnan ang isang pintuan nandito. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang maliit na kwarto na punong-puno ng mga damit.

Pinigilan ko ang aking sarili na hindi matulala dahil sa ganda nito. Madaming gamit ang nasa loob ng kwartong ito. Puro magarbo at parang pinag-handaan talaga ang pag-punta namin dito. Iniisip ko kung may namatay na ba dito. Sa ganda ng lugar na ito ay hindi mo aakalaing wala ng nakakalabas dito. Siguro wala pa silang nahahanap na magaging reyna, siguro wala pa talagang karapat-dapat.

Pumasok nanaman si Tita, Rain, at ang mga nangyari bago ako mapunta sa lugar na ito. Para bang isang pilikula lang ang nangyayari mula ng maipanganak ako sa mundong ito. Nanatili akong nakahiga sa kama. Hindi ako makagalaw dahil sa lahat ng pinag-daanan ko, akala ko hindi ko ito makakaya pero malakas pala ako at nakaya ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko.

*Tok~Tok!*

Agad akong napatayo at napa-takbo agad ako sa pintuan ng kwarto para buksan ito.

"Pinapatawag po kayo ni Haring Kristoff. Nasa dining hall na po siya." Tumango ako at sinundan ko ang Maid papunta sa Ballroom. Nakasabay rin namin ang ibang mga babae ngunit hindi ko nakita si Chloe. Ng makarating kami ng dining hall, hindi ko mapigilan ang panga ko na malag-lag dahil sa sobrang ganda nitong lugar. Mayroong malalaking bintana kung saan nakikita ko ang papalubog na araw, isang mahabang lamesa ang nasa gitna at punong-puno ito ng pagkain. Isa-isa kaming pinaupo ng mga maid at hinainan na niya kami ng pagkain. Nasa magkabilang dulo si Haring Kristoff at si Raphael.

Kalmado ang itsuran ni Raphael at hindi ko maalis ang titig ko sa ka kaniya dahil sa sobrang gwapo niya. Hindi ko inaakalang may taong ganito ang itsura. Para siyang isang Anghel na iniregalo ng diyos para sa kababaihan. Isa siyang Masterpiece at hindi maalis iyon sa kaniyang buong katawan. Nagising nalang ako sa pag-iisip ko tungkol kay Raphael ng hainan na kami ng mga maid ng pag-kain. Alam kong kaya ko namang kumuha mag-isa pero hinayaan ni Haring Kristoff na lagyan ng mga maid ang aming mga plato ng sobra-sobrang pagkain.

Hindi pa ako nakaka-kita ng ganito karaming pagkain dati. Sobrang dami at sa tingin ko ay hindi namin ito mauubos lahat dahil parang isang baranggay na ang pwedeng kumain nito. Nag-simula narin akonh kumain. Gutom at pagod ako dahil sa nangyari sa Maze kanina. Hindi ko inaasahang malalampasan ko pa ang lugar na iyon. Napansin kong hindi pa kami nag-papalit ng damit. Sobrang dumi pa ng aming mga damit at sira-sira pa ng mga ito. Iniisip ko na maligo pagkatapos naming kumain pero hindi ko alam kung saan ako maliligo.

"Habang tayo ay kumakain, pumili na kami ng isang damit na inyong susuotin ngayon gabi. Mangyayari ang isang ball ngayon para mag-bunyi dahil sa inyong pag-dati. May 4 na Gown ang naka-handa sa inyong kwarto. Kayo nalang ang bahalang pumili ng isa kung ano ang nababagay sa inyo. Ipapakita ng mga katulong kung saan kayo maliligo." Sabi ni Haring Kristoff. 

Natapos na kaming kumain at bumalik na kami sa mga kwarto namin ngunit naka-bantay sa labas ang tig-iisang maid. Na-laglag ang panga ko dahil sa ganda ng 4 na gown na nandito sa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko dahil sa sobrang ganda ng mga ito. Pumili ako ng isa at inilagay ko doon sa maliit na kwarto ang iba. Maari ko itong magamit sa susunod para sa mga pormal na kaganapan dito sa palasyo.

Pumasok ang isang maid sa aking kwarto.

Dala-dala niya napakraming hikaw, kwintas, choker, at kung ano-ano pang mga bagay na pwede kong ilagay sa aking katawan.

The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon