Kinabukasan...
Dinilat ko ang mga mata ko at agad kong nakita ang Muka ni Raphael. Kasama ko ngayon ang lalaking mahal na mahal ko. Siya ang lalaking bumihag ng puso ko. Naka-tingin lang ako sa kaniyang muka at namamangha ako sa lahat ng parte. Lahat ng parte ng kaniyang muka ay perpekto. Wala akong mapipintas.
"Wag mo akong sobrang titigan. Baka matunaw ako." Namula ako ng bigla siyang nag-salita. Gising na pala siya?
"Ang kapal mo!" Himanpas ko siya braso at natawa siya ng malakas.
"Kamusta ang gising, Mrs. Pryor?"
"Mrs. Pryor?! Wow ah!" Hinampas ko siya ng unan.
"Masaya lang ako na kasama kita ngayong umaga. Na unang bumungad saakin ang muka ng Taong mahal na mahal ko." Hinalikan niya ako sa labi. Kahit na saglit lang iyon, malakas parin ang epekto noon sakin. "Tara na. Kumain na tayo." Tumayo na kami at pumunta na sa baba.
Naabutan ko nalang na naka-upo sila Glimmer at Chloe sa sala habang tawa naman ng Tawa sila Rain at Garett.
"Anong problema?" Tanong ko.
"Tanungin mo sila." turo ni Glimmer kila Garett.
"Di ko alam na malakas ka palang humilik." Namula si Chloe sa sinabi ni Rain sa kanya at tawa parin sila ng Tawa.
"Huwag na kayong papasok sa kwarto namin!" Pinag-hahampas ni Glimmer si Garett.
"Bakit ako?! Si Rain ang sisihin mo!"
"Wala akong pakialam. Naiinis ako sa muka mo!" Tawa lang ako ng tawa habang pinapanood ko sila. Si Raphael din, tawa ng tawa. Sana ganito nalang palagi. Sana palagi nalang kaming masaya.
"Magluto na kayo. Nagugutom na kami." Utos ni Raphael habang tumatawa.
"Yes sir. Masusunod po." Nakangiting sagot ni Garett. Ng matapos na silang mag-luto ay sabay-sabay na kaming kumain.
"Naalala ko na heartrob ka pala sa school natin, Rain." Natatawang sabi ni Chloe. Namula naman si Rain.
"Ito? Heartrob?" Sabi ni Garett tapos tumawa ng malakas. Binatukan naman siya ni Rain na nasa tabi niya lang.
"Yeah. Siya nga yung Date ni Natalie sa prom eh. Sorry Raphael." Natatawang sabi ni Chloe. Nakita ko naman na namula rin si Raphael.
--
"Tuwing kailan pumupunta yung mga lalaki dito?" Tanong ko kay Alison habang naka-sakay kami sa Kabayo. Tinuruan niya akong mangabayo at kung ano ang tamang pag-gamit ng baril.
"Tuwing biyernes."
"Magkano ang binibigay nila na Pera?"
"Depende. Depende sa kung gaano karami ang napatay mo." Nanghina ako sa sinabi niya. Kailangan ko palang pumatay. Papatay ako o ako ang papatayin nila. "May daan naman para magka-pera ng hindi pumapatay." Nanlaki ang mata ko.
"Ano iyon? Sabihin mo sakin?!"
"Prostitution."
"Ano?! Gano'n ba kahirap ang buhay dito?".
"Oo. May mas mahirap pa. Kada isang bwan, tuwing ika-27, nagdadaos sila ng pista. Pista ng patayan. Kailangang maraming mamatay dahil marami nanaman silang ilalagay dito sa lugar na ito. Nakakainis sila." Sabi ni Alison habang naka-kuyom ang kaniyang palad.
"Kailangan ko pala talagang pumatay, huh?" Wala sa sariling sagot ko.
"Kailangan iyon. Kailangan nating mabuhay." Hinawakan ni Alison ang isang mahabang baril at itinutok ito sa di kalayuan. Nakita ko doon ang isang lalaking nagsisigarilyo at walang ano-ano ay kinalabit ni Alison ang gatilyo at sumabog ang ulo nung lalaki. Napa-pikit ako dahil sa nakita ko. "Ganun ang buhay dito, Natalie. Papatay ka o ikaw ang mamamatay." Lumapit si Alison doon sa bangkay at kinuha ang wallet nito at kinuha lahat ng laman. Pati na ang mga alahas nung lalaki ang kinuha niya.
"Ikaw naman ang pumatay, Natalie." Binigay niya saakin ang mahabang baril. Parang hindi ko kaya. Parang hindi ko kayang pumatay ng ganun-ganun nalang. "Kailangan mo yan, Natalie. Walang tutulong sayo kung hindi ikaw lang." Tuluyan ko nang hinawakan ang Baril. Siguro nga. Isang tao lang ang papatayin ko. Isa lang. Hindi na mauulit.
Nag-hanap ako ng tao. May nakita akong isang matanda. Nahihirapan na siya sa pag-lalakad at mukang madami siyang pera. Huminga ako ng malalim bago ko ikasa ang baril at itutok ito sa kaniya
"Ganyan nga, Natalie. Ikaw ang kailangang mabuhay. Ikaw ang bubuhay sa sarili mo. Kailangan mong pumatay. " ng masigurado ko na ang asinta ko, pumikit ako at wala sa sariling kinabit ang gatilyo. Ilang segundo pa ay nakita ko nalang na naka-higa ang matanda. Lumapit doon si Alison at kinuha lahat ng Pera at alahas niya pagkatapos ay ibinigay ito saakin.
"Ang mga alahas ang binili sa Pawn shop. Tara. Pumunta na tayo doon."
Malaking pera rin ang nakuha ko dahil sa mga alahas na iyon. Bumalik narin ako sa bahay namin at naabutan ko doon si Raphael.
"Kamusta ang baliw mong kaibigan?" Nakangiting tanong niya. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang bumuhos ang luha ko. Nagulat naman si Raphael at bigla nalang akong niyakap ng mahigpit. Sinubsob ko ang muka ko sa Dib-dib niya at umiyak. "Hey... Shh.. Bakit?"
"M-may napatay ako, Raphael. Para mabuhay." Iyak parin ako ng iyak.
"Shh.. Lahat tayo, kailangang gawin iyon. Pero pinapangako ko sa'yo, hindi na iyon mauulit dahil makaka-labas tayo dito sa oras na kailangan ulit nating pumatay." Iyak lang ako ng iyak at sandali pa ay tumahan na ako.
"Wala siyang kalaban-laban." Sambit ko.
"Pero mas lalong wala tayong kalaban-laban kung mapag-pasyahan nila na Patayin tayo. Oo kailangan nating pumatay. Pero ang kailangan lang patayin ay iyong mga halang ang kaluluwa at ang hindi na kayang mag-tagal pa sa lugar na ito." Pagkatapos sabihin iyon ni Raphael, bigla nalang pumasok sila Rain at Garett.
"Kumpirmado. Bawat sulok nitong bayan at nitong bahay ay may Camera." Tinuro ni Rain isa-isa ang mga camera sa bahay na ito. Tama nga siya.
Kinagabihan, sabay-sabay kaming kumain at ganoon pa din katulad kaninang umaga. Masaya parin kami. Tawanan ng tawanan. Kulitan ng kulitan. May napapansin narin akong espesyal sa pagitan ni Garett at ni Glimmer. Kung paano sila mag-tinginan, parang may kung anong kuneksyon sila.
Nang magpapahinga na kami, nakapatay na ang lahat ng mga ilaw sa bahay ngunit naka-lock lahat ng mga pinto at mga bintana. Marami akong naririnig na putok ng baril. Mga sigaw. Tinakpan ko nalang ang aking tainga para hindi ko marinig lahat ng ito. Naka-yakap din saakin si Raphael habang sya ay natutulog ng mahimbing. Para syang isang bata na mahimbing na natutulog.
Napangiti nalang ako pinag-masdan ko ang muka nya hanggang sa maka-tulog narin ako.
--
BINABASA MO ANG
The Royals
AdventureTakbo Ito lang ang tanging paraan na alam ni Natalie Schwartz para mabuhay. tumakbo mula sa mga masasamang taong humahabol sa kaniya. Isang buhay na punong-puno ng aksiyon at pag-takas. Ngunit isang araw, natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na...